nagulat talaga ako.halos malaglag na ang panga ko sa sobrang gulat. Si Mark Xavier Soriano ang nakikita ko ngayon sa harapan ko. For Short, si Max. grabe nga naman o, akala ko iniwanan na ako neto nung prep kami. akala ko katapusan na ng mga malulungkot kong araw nung umalis sya nun.( kaya nga muntik na ko mgpaparty sa amin e nung pumunta yun ng Canada) hindi pala. KASE BUMALEK SIYA. naprapraning na ko. waaaa. ang demonyo ng buhay ko , BUMALIK NA.
"pano ka naman napadpad dito?! linuwa ka na ba ng impyerno?" o, aba, an taray ng lola nyo ngayun.magaspang na ata ako ngayon!! bwahahaah >:))
"ako nga dapat magtanong sayo nyan eh, pno ka napadpad sa kwartong to?! aba. STALKER ka noh!" sira ulo din tong si Max ah.
"aba,MAX, wala akong balak i-stalk ka noh, hunting-in at patayin , pwede pa eh!" grabe talaga kayabangan ng lalaking 'to.
may iba talaga sa tingin namin. parang may namamagitan sameng kuryente. 100 volts na kuryente. di lang pla 250 volts. ay di lang talaga! basta di ko ma-explain. parang pinanganak na kame sa mundo na magkaaway.
pero isang bagay lang talaga ang napagkaisahan namin.
sumugod kame agad sa Director's Office, lakas rin ng loob namin noh. pero ayus lang naman, tito ko naman as friend yung director eh.kasosyo yan ng mom ko sa negosyo noh.
*BLAG!
sabay naming hinampas ang left hand namin sa desk ng director.
"WE WANT TO CHANGE ROOMS!"
oo, yan nga ang napagkaisahan namin. ang magpalit kame ng kwarto. aba, hinde ko matetake na makasama yan sa isang kwarto noh tsaka lakas ng loob naman niya para ganyanin si tito Bryan. ano ba sya?
"eh?" halatang gulat na gulat samin si tito Bryan noh.HAHA
"change rooms? baket naman? wala namang mali ah??" grabe naman o. an dameng mali. gusto ko sanang sabihin yan eh. pero bigla na lang nagsalita si Max.
"pero DAD" ..dad?? oh may ghad! Dad niya si Tito Bryan! ang dami naman syaking revelation ngayong araw.
"ayaw ko sa kanya!" aba, ayoko rin naman sa kanya eh. medyo speechless din naman ako, nakakahiya ding sumabat noh.
"pero di yan isang sapat na rason para magpalit ng rooms"
kailangan ko na rin sumabat. ayoko talagang maging room mate yan noh.
"pero Tito Bryan, He's a `he`" ang talino mo talaga Chin, syempre sapat na rason na yan para di kayo maging room mate di ba? wahahahah >:))
"and dad, she's a `she`??" pinagtaasan ko naman siya ng kilay. anong tingin niya saken?! hindi babae?! "or whatever `it` is" aba, nangasar pa! kayabangan naman o. amp ah.
"pero kahit na talaga may pagkakaiba kayo, di pa rin pwede, pag ginawa ko iyan, maraming students ang magrereklamo kase syempre parang binibigyan ko kayo ng `special treatment`. ayoko lang talaga maging unfair sa iba. and besides, wala namang room mate si cheska eh, eh di si Max na lang. sigurado naman na magiging great friends kayo" nakangite pa siya nung sinasabi niya yan. hindi talaga kame makapaniwala ni Max (loser! whatever) na magsasama kame sa isang kwarto for one year. baket pa kase bumalik yan sa pinas eh?!
pahamak naman o. kaines. syempre, wala na rin kameng magawa kundi ang umalis. binuksan ni Max yung pintuan. akala ko ang ako yung papaunahin niyang lumabas, di pala. binuksan lang niya yung pinto para sa kanya. hmf. di man lang nagpaka-gentle man! nakakaines.
nagulat naman ako sa unang taong nakita ko paglabas ko, new student ata. di ko alam yung pangalan eh. medyo napatitig talaga ako. kase grabe, ang gwapo. ngayon lang ata ako, nakakita ng ganyan ka-gwapo noh. natulala talaga ako.pumasok na rin si `fafa pogee` sa director's office. pero syempre sinira ni Max yung moment ko at tinapik ako sa likod.
"o? ano? hanggang kelan ka matutulala dyan?! lika na nga! " napasimangot na lang ako. syempre, sabay kameng pumunta sa kwarto `namin`.
Humiga na lang ako sa kama ko. syempre, may dalawang kama noh, alangang mag-katabe pa kame niyan. ewww kaya.! >:)) . syempre, di ko siya pinapansin baka yabangan na naman ako.
"wala ka ba talagang balak magsalita??" pahamak talaga. binasag pa ang katahimikan. umiling na lang ako.
"sure ka? baka mapanis laway mo niyan" tinaasan ko lang siya ng kilay noh.
"siguro, nagiisip ka dyan ng mapaguusapan natin, siguro kasi talagang namiss mo ko noh" aba, gulat naman ako sa sinabi niya pero di na rin ako nagsalita.nanlake lang talaga mga mata ko.
"alam ko naman eh, kahit di mo sabihin, CRUSH mo talaga ako, kahit nung bata pa tayo" nabilaukan ata ako sa mga pinagsasabe ng mokong na 'to.
"speechless? o natutunaw ka na sa mga tingin ko??" syaks! an yabang ! di ko na mapigilan ang magsalita.
"hoy, ang yabang mo ah. anong crush ka jan?! ewww noh. kadordor. neber in my whole life kong mararamdaman yun sayo. i mean , di ba.. ITS EWWW" pero pramis nakakasuka talaga pag magiging crush ko yang taong yan.halos isumpa ko yan dati noh! napangiti lang naman siya pero ako syempre `taray effect`. wahahaha >:)). Nung gabing yun, wala akong magawa kundi ang tumunganga. waa. an boring. nakakaines. Tiningnan ko naman si Max kung anung ginagawa, naglala-laptop siya. medyo naiingit naman ako kase at least siya may ginagawa. binuksan ko na lang yung pc. weird ko din noh, di ko man lang naalala na may computer pala dito na may internet. tss. syempre, as usual ng-ym. wala masyadong online. nakakaines naman o. syempre, ngfriendster tas ng FB. hanggang wala na talaga akong magawa. tiningnan ko ulet si Max, busy talaga siya at mukhang nag-eenjoy naman siya. kaya naiinget naman ako. baket siya masaya?! nakakaines.
para maaliw naman ng unti ang sarili ko, nagjoin ako sa isang chatroom. ewan ko rin kung anung pumasok sa kokote ko at ito pang ang naisip ko. wala naman kwenta yung pinaguusapan, di rin ako makarelate. siguro foreigners. may nakita naman akong isang ym id, na parang di rin makarelate. di kase nagrereply sa mga sinasabi nung mga `naguusap eh` kaya naman ng pm ako sa kanya.
cutechq09: hi.! bc?
dong0709: hinde. bket? wow.nagreply.gulat ako at pilipino siya! wee :))
cutechq09: ahmm, pde makipagchat?
dong0709: pwede naman.. musta?
cutechq09: badtrip . lungkot din. :(
dong0709: bket lungkot?
cutechq09: umalis na bestfriend ko eh. :( kaw?musta?
dong0709: ow. masaya ako. :))
cutechq09: bket masaya?
dong0709: kasama ko ngayon crush ko eh. :) wow. swerte naman ng lalakeng 'to.
mejo unte lang talaga napagusapan namin pero masaya naman kahit papaano. in-off ko na yung computer tapos humiga na tin sa kama ko. medyo late na rin eh. tumingin din naman ako kay Max, tulog na rin siya. tinitigan ko pa siya ng mas matagal, medyo may itsura din pala siya pag tulog. hmf. anu ba naman 'tong mga sinasabe ko?! nakakasuka. pero somehow, medyo nakalimutan ko din yung lungkot na wala na si Marge dito
kase..
kase nalaman ko rin lang, may kasama din pala ako. :)
` a lil' bit untitled`
ChaptersPrologue Chapter 1 ^ Chapter 2 ^ Chapter 3 ^ Chapter 4 ^ Chapter 5 Chapter 6 ^ Chapter 7 ^ Chapter 8 ^ Chapter 9 ^ Chapter 10 Chapter 11 ^ Chapter 12 ^ Chapter 13 ^ Chapter 14 ^ Chapter 15 Chapter 16 ^ Chapter 17 ^ Chapter 18 ^ Chapter 19 ^ Chapter 20 Chapter 21 ^ Chapter 22 ^ Chapter 23 ^ Chapter 24 ^ Chapter 25 Chapter 26 ^ Chapter 27 ^ Chapter 28 ^ Chapter 29 ^Chapter 30 Chapter 31 ^ Chapter 32 ^ Chapter 33 ^ Chapter 34 ^ Chapter 35^Chapter 36 ^ Chapter 37 ^ Chapter 38 ^ Chapter 39 ^ Chapter 40 ^ Chapter 41 ^ Chapter 42 ^ Chapter 43
BONUS FEATUREChapter 44 ^ Chapter 45 EPILOGUE ♥
Thursday, November 26, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment