hindi ko rin maiwasang maiyak. ewan ko kung bakit ako naiiyak. bumalik na lang ako sa loob at sinarado yung pinto. sumandal ako dun sa pinto. grabe, ang hirap ng ganito. siguro kaya nararamdaman ko 'to dahil mas sanay ako na AKO lang yinayakap ni Max. pero ngayon, may Clarence na siya. napabuntong hininga na lang ako.
ayokong maramdaman 'to. wish ko na lang na sana panaginip na lang 'tong lahat. nahihirapan na kase ako. siguro, itutulog ko na lang 'to. humiga naman ako agad sa kama ko. nag kumot ako at tinakpan ang kalahati ng mukha ko. at sa hindi ko nalalamang dahilan, napapaluha na lang ako. naramdaman ko naman na pumasok na si Max sa pintuan kaya naman nagkunwarian akong natutulog kahit na halata na gising ako. siguro, di niya na lang ako pinansin. wala naman siyang paki saken..
6 am na akong nagising nung friday. nakita ko naman wala na si Max. tiningnan ko naman yung sarili ko sa salamin. WATDAHEL?! namamaga mata ko.! syaks! mahahalata nila na umiyak ako. naligo naman ako agad at super na kinuskos ang mga mata ko. pero wala pa rin. magang-maga pa rin siya. nakakaines naman eh!
nagbihis na rin ako at tumingin sa salamin.grabe, namamaga. huhuhu.nagsuot na lang ako ng shades para hindi halata. bigla na lang bumukas ang pinto, si Max lang pala.
"OI"
"ano?"
"bakit ka nakashades? mukha kang..." napatigil naman siya " WEIRD"
"bakit ba?! pake mo ba?! gusto ko eh"
lumapit naman siya sakin at hinawakan yung kamay ko. kinakabahan na ulet ako. unti-unti niyang tinanggal yung shades ko. syaks! nakita niya na!
" namamaga mata mo.." obvious naman noh! tsss. "umiyak ka?! sabi ko na nga ba eh?! baket?! may nangaway sayo.. kung sino man yun?! lika resbakan natin!" hinawakan naman niya yung kamay ko tapos hinigit ako pero pinilit kong ihiwalay yung kamay ko sa kanya.
"wala namang nang-away sakin eh.. may napaniginipan lang ako" sinuot ko na ulit yung shades ko. "lika na nga! punta na tayo kay na Rei"
tahimik naman siyang sumunod. sa pagpunta sa school, walang nagsasalita samin. walang namamansin.
" MAX! CHIN!!" argh! it's her!
"medyo matagal kayo ah!"
pumunta naman kami agad ni JC sa classroom. syempre, dal-dal pa rin ako ng dal dal sa classroom. pinagpyestahan din naman ako ng mga tanong nila tungkol sa shades ko. sabi ko na lang `signature look` . wahahaha. astig din noh! super boring ng mga lessons pero ngayun nakikinig na ako para naman makalimutan ko yung .. ayoko na sabihin. nakakaines. argh! marami na ring days ang nakalipas. di ko rin masyado namalayan yun.
~July 1
start of another month na naman and next week, intrams na namin. ewan ko pa kung anung sasalihan ko pero siguro Badminton, kagaya lang last year. puro practice naman ng mga cheerdancers ang nangyari ngayong week. dahil hindi naman ako cheerdancer, an boring din ng buhay ko. walang mga teacher na na-attend dahil nagpre-prepare sila para sa intrams. yung iba naman, chinecheck yung cheerdance. kaya naman, free time na free time kame. HAHA. tambay na lang ako with Lance at Clarence.
"waaa.. ang boriiiiinng!!" nababading na naman si Lance!!
"ou nga eh! tara.. punta tayo sa basketball court! panuorin natin practice nila Max" hay nako Clarence!
"pwede bang dito na lang tayo??"
"dun na lang tayo. panuorin rin natin sila Ivann, JC at Rei" majority wins! pupunta na kami ng Basketball Court. nakita ko naman sila Rei, naglalaro ng Basketball. syaks! galing nila! grabe! hindi ko rin alam na shooter pala tong si Max. magaling din si Ivann. magaling siyang mag 3-points shot. and palaging pasok. ang galing eh!
"GO MAX!!!" my ghad! ang landi ni Clarence. nakakaines! argh!
ilang days din naman yung nakalipas and INTRAMS na. syempre, ako champion sa badminton. HAHA. expert eh. 2nd place lang sila Max. sobrang galing kasi ng juniors pero umaamin naman ang juniors na mahirap talagang kalaban ang mga seniors. pero sa over-all. ang champion ay ang SENIORS. wahahaha. 2nd place ang juniors pero pramis magaling talaga tong juniors na 'to. HAHA. elibs ako sa kanila eh. nung friday, last day ng intrams, kumbaga parang celebration ng mga nanalo.HAHA. may kainan (syempre, hindi mawawala yan.HAHA) tapos sa huli may sayawan. gabi na din nun. kasama ko lang nun ay sila JC at Rei.
"grabe, hirap kalaban ng juniors sa basketball!! grabe"
"pero deserving naman silang manalo. pero sayang talaga yung 3 points ni Max . muntik na talagang pumasok yun! kung pumasok lang yun, eh di sana champion tayo"
"o? talaga?! sayang yun ah"
"ang galing kaya ni Max. grabe eh."
"akala ko nga hindi yun sasablay eh. "
"eh pano naman laro ni Ivann?"
"ah.yun, magaling din yun, pero parang hindi siya sanay makipagbanggaan sa mga kalaban. "
"masyado atang takot masaktan!"
at ayun naman, nagtawanan ang dalawang loko. bading material daw kase si Ivann sa paglalaro ng basketball. wahaha. to think, na magaling talaga siyang mag-shoot. takot lang talagang makipagbanggaan. dahil sila na lang ang nagkakaintindihan(puro basketball) kase ang pinaguusapan, pumunta na lang ako sa may garden at umupo dun sa may bench ng magisa. kitang-kita ko naman si Max kausap sila Clarence at Ian at eto naman si Lance, nakikipag-party pipol pa sa mga freshies. HAHA. loko eh.. tumungo na lang ako at napabuntong hininga ng biglang may tumabi sakin.
"o? bakit ganyan ka?! malungkot ka?" si Ivann lang pala.
"ha? bakit? di naman ako malungkot eh" ngumiti pa rin ako kahit pilit.
"may problema ka ba?" tumingin ulet ako kay Max tapos binalin ang tingin ko kay Ivann at umiling.
"sigurado ka? basta kung meron, sabihin mo lang sakin.." natats naman ako. HAHA
"wala naman akong problema eh, pero pwede bang samahan mo muna ako dito"
ngumiti naman siya tapos sumandal ako sa shoulders niya. alam kong nagulat siya pero siguro di niya na rin lang pinansin. inakbayan naman niya ako. hindi rin ako masyadong naiilang kase kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya. hindi na namin pinansin ang ingay sa loob. habang sila ay nagsasayawan, kami naman ay magkasama lang sa tahimik na lugar. sa lugar na pwede akong magisip, magdesisiyon kung ano ba talaga ang nararamdaman ko..
pagkatapos naman nung party, hinatid ako ni Ivann sa kwarto namin.
"sige, salamat sa pagsama sakin ah. sorry kung di mo masyado naenjoy yung party"
"hinde. ayus lang. mas na-enjoy ko namang samahan ka eh" masaya talaga ako sa pinagsasabi ni Ivann. talagang anjan siya para sakin. true friend nga siya.
"sige, gudnyt na. salamat ulit" binuksan ko at sinarado ko naman yung pintuan tapos nakita ko si Max nagla-laptop. tumingin naman siya sa akin. umupo ako dun sa kama ko and sinusundan niya ako ng tingin niya. ewan ko kung anu ang sasabihin ko.
"Oi"
"ano?"
"may gusto ka ba kay Ivann?"
"ha? bakit mo naman naitanong yan?" ang weird na naman ni Max eh.
"nakita ko kasi kayo kanina eh.." napatigil naman siya "magkasama kayo sa may garden"
"aaah.. yun ba.. sinamahan niya lang ako.."
"ah.. pero may gusto ka ba kay Ivann??"
" ewan ko.." hindi ko rin naman talaga alam. crush ko lang ata siya. pero friends lang talaga yung nararamdaman ko. "siguro.."
"so `oo`??"
"baket ba?! basta.. "
"tinatanung ko lang naman eh"
"wag mo na tanungin.." naglaptop na ulet siya tapos ako naman nag pc na lang. nagbukas ng ym at online si dong0709. di naman online si Marge. miss ko na siya eh.
cutechq09: pst. bc ka b?
dong0709: hinde.. musta na?
cutechq09: naguguluhan ako eh..
dong0709: bakit?
cutechq09: di ko alam kung may gusto na ba ako sa isang tao o wala..
dong0709: tinutukoy mo ba dyan yung dti mong kwinento sakin tungkol dun sa dalawa..
cutechq09: oo..
dong0709: lam mo.. siguro.. mahal mo na siya.. di mo lang alam..
nagulat naman ako sa sinabi ni dong0709 kasi parang imposible talaga.. argh!
cutechq09: nge. change tpc n nga. ngwa mo na ba ung advice ko?
dong0709: di pa.. nahanap pa ako ng tiempo eh. tsaka nagplaplano pa..
cutechq09: naiinlove ka na ba sa bestfriend mo?
dong0709: ewan ko, pero kasi bawat araw na kasama ko yung `kababata` ko lalo akong naiinlove sa kanya..
cutechq09: hala.. malala na yan. kailangan mo na talaga gawin yung advice ko. bago ka mahulog ng sobra sobra, baka lalo ka ng masaktan..
dong0709: ou nga eh. ngayon kase, nasasaktan na ako..
matagal din naman kaming nakapagchat nito. nung saturday, kachat ko lang naman siya buong araw. galing noh! HAHA. si Max naman, andun sa room nila Ian at Rei. siguro, bibisita na rin siya kay Clarence pero wala na akong pkielam dun. kachat ko namann si dong0709 eh. HAHA. 7pm na rin dumating si Max. ako naman, nakahiga na sa kama, nagsisimula ng basahin ang new moon. HAHA. offline na rin naman si dong0709. kaya nag-offline na din naman ako. HAHA.
"maghapon ka bang nagbabasa?"
"hinde.. di naman ako ganon ka bookworm para gawin yun noh"
" aahh.. ano pa ba ginawa mo?"
" nag-pc lang.."
" dapat kase sumama ka na lang sakin nakipagkwentuhan ako kay na Ian at Rei"
" ayoko, nakaka-OP dun"
"pinuntahan namin si Ivann eh" bakit naman niya sinama si Ivann sa usapan.
"so?"
"di ba crush mo siya, sayang yung opportunity, di mo siya nakasama.."
"ha? sino bang nagsabi sayo na crush ko yun?!"
" don't worry.. di ko sasabihin sa kanya.." ang weird na naman ng lalaking ito eh.
" ang gulo mo din noh"
"nararamdaman ko naman.." naging seryoso na yung mukha niya. "na may gusto ka talaga sa kanya.."
tumahimik naman ng saglit parang may kakaibang force akong naramdaman dun sa mga sinabi niya tapos tinabihan niya ako at hinawakan yung mga kamay ko.
" kaya naman, abangan mo na ang aking mga pangaasar"
" ha?"
"ang saya ko talaga pag may sikreto akong nalalaman tungkol kay CHESKA NAOMI SANDOVAL, ang sarap ipagkalat!!"
" ipagkalat?! ano ba yan?! parang kang tanga noh!"
" pero sige na nga, di ko na ipagkakalat. pero aasarin pa rin kita. wahahaha" *evil laugh* naman tong si Max. nakakaines eh. argh!
" ang yabang mo ah! ikaw naman.. may gusto ka nga kay.." napatigil ako. nabilis yung pintig ng puso ko. " kay C-Clarence"
moment of silence na naman tapos bigla siyang tumawa ng malakas. yung sobrang lakas ng tawa. yung parang na siyang nababaliw. HAHA. pahiya naman ako. wala naman siya atang gusto dun..
" alam mo.. kung nagseselos ka.. sabihin mo lang.."
" nagseselos ka dyan?!! yabang mo talaga"
" si Clarence kase ay close friend ko lang talaga.. parang best friend pero hindi talaga best friend. nagsasabihan lang kami ng mga sikreto namin sa buhay. kaya kung may problema siya, alam ko lahat yun.."
di naman ako makapagsalita,
" hanggang kaibigan lang talaga ang nararamdaman ko para sa kanya. at di na hihigit yun"
naramdaman ko namang bumukas ng unti yung pinto, napatingin naman ako pero di ata napansin ni Max. alam kong may tao dun kaya naman nung patayo na ako ay hinila agad ni Max yung kamay at tinapat niya yung tenga ko sa chest niya..
"Oi, loko anung ginagawa mo?!"
nagulat na lang ako. yinakap niya ako ng mahigpit at sinabi..
" pakinggan mo yung bawat pagpintig ng puso ko.. sana maintindihan mo kung ano ang sinasabi niyan"
di ko alam kung anu yung pinapahiwatig niya. di ko talaga maintindihan eh. wala akong maintindihan sa mga sinasabi niyang kaweirdohan pero matagal ko na ring gustong makayakap yung loko na 'to. di ko na rin pinansin kung sino man yung tao sa pinto,
kasi parang ayaw ko ng humiwalay pa..
` a lil' bit untitled`
ChaptersPrologue Chapter 1 ^ Chapter 2 ^ Chapter 3 ^ Chapter 4 ^ Chapter 5 Chapter 6 ^ Chapter 7 ^ Chapter 8 ^ Chapter 9 ^ Chapter 10 Chapter 11 ^ Chapter 12 ^ Chapter 13 ^ Chapter 14 ^ Chapter 15 Chapter 16 ^ Chapter 17 ^ Chapter 18 ^ Chapter 19 ^ Chapter 20 Chapter 21 ^ Chapter 22 ^ Chapter 23 ^ Chapter 24 ^ Chapter 25 Chapter 26 ^ Chapter 27 ^ Chapter 28 ^ Chapter 29 ^Chapter 30 Chapter 31 ^ Chapter 32 ^ Chapter 33 ^ Chapter 34 ^ Chapter 35^Chapter 36 ^ Chapter 37 ^ Chapter 38 ^ Chapter 39 ^ Chapter 40 ^ Chapter 41 ^ Chapter 42 ^ Chapter 43
BONUS FEATUREChapter 44 ^ Chapter 45 EPILOGUE ♥
Sunday, November 29, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment