Friday, December 4, 2009

` Chapter 12

5 am~
pa-mulat-mulat pa lang ang mga mata ko. parang ako pa nga lang ang gising eh. nakakabigla din.HAHA. siguro, dapat ko na gisingin si Clarence para makapagayos na kami. pero, pagkalingon ko sa kanan ko...SYAKS! WATDAHEL?! DOSPORSANTOS?! Sh*T!! lahat na ata ng mura pwede ko ng sabihin dito. kasi... oh my ghad! katabi ko si MAX sa pagtulog.
"SHET! BAKIT KATABI KITA??!!" dahil sobrang lakas ng boses ko, nagising na rin sila Rei,Ian, JC, Lance, Ivann at Clarence.
"hala, magkatabi kayo matulog ni MAX??!!!"
"grabe, kayo!! di na ba kayo nahiya?!!"
"alam niyo kung meron kayong gustong gawin dito, sana gawin niyo privately"
medyo nagising naman 'tong si Max. aba, sarap batukan eh.
"bakit ba ang ingay niyo??"
"hindi mo ba nakikita max, kung sino ang katabi mo??!!"
tumingin naman siya sakin. argh! nakakainis talaga eh!
"oh?! bakit?! si Chin lang naman eh!"
"lang?? babae siya.. pano ba kayo nagkatabi??"
"oo nga naman, sa pagkakaalam ko, dapat si Chin at Clarence ang magkatabi!"
"oo nga, pano ba ako napatabi sayo?!!"
waa.. di ko talaga maalala yung nangyari kagabi. nakakainis ah!
"teka nga, ikwekwento ko na lang sainyo.. pero tumahik naman muna kayo"
syempre, tumahimik kami kasama ako.. curious din kasi ako eh!
"kasi kagabi, sinamahan ako ni Chin sa may balcony.." tumingin naman sakin si Ian at parang nangaasar, "tapos unting usapan.. tapos.. bigla siyang nakatulog.. yun"
"nakatulog??!!"
"oo!! nakakaines ka nga eh! tama bang tulugan ako?! yan tuloy binuhat pa kita?!! bigat mo kaya?!!!"
"imposible talaga!!"
"halata naman kasi nung mga oras na yun, antok ka na talaga. parang ka ngang naoverdose sa sleeping pills!!"
"parang di talaga eh!!"
"totoo nga!! kung ayaw mo maniwala, eh di wag?!"
sumingit naman tong si Ivann..
"pero, MAX, bakit mo tinabi si Chin sayo,, pwede mo namang siya itabi kay Clarence..??"
"oo nga naman!! bakit sayo pa??!!"
halatang selos si Clarence. wahaha >:))
napabuntong hininga naman si Max
"kasi kung itatabi ko siya sa kama ni Clarence, masisikipan siya.. pati si Clarence,.. tsaka sakop na talaga ni Clarence yung buong kama, kaya naman di na rin kasya si Chin"
natahimik naman lahat dahil kay Max.
"oh?! may tanong pa??"
umiling naman silang lahat except sakin.
"then good.. maligo na kayo.."
"sige na nga.. lika na.."
pumunta kami ni Clarence dun sa shower room ng mga girls tapos yung mga boys syempre, dun sa shower room ng boys. naligo lang naman kami ni Clarence at nagsuot ng t-shirt at shorts tapos naki-pagmeet sa groupmates. grabe, halata dun sa ibang grupo na kulang sila sa tulog, siguro nag truth or dare pa 'tong mga lokong 'to. HAHA.
"ano ba gagawin natin dito??"
"activity siguro.."
bigla namang dumating yung camping leader pero di ko siya kilala. nagexplain siya ng kung ano-anong bagay. pero nakakaantok. an boring eh. ang tanging naintindihan ko lang ay may activity kami na parang magbabangka na ewan. yun lang kasi ang exciting eh. puro relays na daw at kachorbahan yung iba. pagkatapos nung meeting na yun, pinakain kami ng almusal. tinapay lang. argh! gutom pa naman ako!
"waaa.. papayat ata ako neto!!"
"ayus lang yun!! buti nga eh!!"
"ang unti kaya ng pinapakain satin!! nakakaines!!"
"oo nga eh, nakakabitin"
tapos yun, chikahan lang naman. kung anu-anu rin yung pinagusapan. pagkatapos kumain, naglakad na naman kami. take note: putikan na naman. saklap oh! 20 minutes lang kaming naglakad tapus nakadating na rin kami sa parang maraming bagay na gagamitin sa relays. syempre, yung unang activity namin, relay. 5 members lang kelangan kaya naman di na kami sumali nila Clarence at Lance. di namin kerii yan noh!! gagapang sila sa putik! its so kadire!! HAHA. at si Lance, alam niyo naman, may pagkafeminine side.!! HAHA. sa huli naman, pang 3rd place lang kami pero at least, may award din yan!! HAHA. pagkatapos nun, nagpunta kami sa may river. ang ganda eh! dun naman nangyari yung bangka racing chorba! HAHA. syempre, sumali na kami nila Lance dun at Clarence. exciting yun eh. sa huli, 2nd place kami! HAHA. muntik na nga kami mag 1st place eh. sayang! pagkatapos nun, ini-spend na lang nila yung lahat ng oras namin sa pagswi-swimming sa river na yun.
HAHA. ako naman, nanunuod lang. wala naman ako sa mood na magswimming eh. nakaupo lang ako dun sa ilalim nung puno tapos bigla akong tinabihan ni Max. take note: he's HALF NAKED. kaya naman nakakatunaw tumingin sa kanya. WATDAHEL??! naman oh!
"paki-abot nga sakin yung towel" inabot ko naman sa kanya tapos pinunasan niya yung sarili niya tapos linagay sa likod niya.
"bakit ayaw mo magswimming?? halos lahat ng seniors andun oh!"
"ayoko, wala ako sa mood eh"
"siguro, di ka marunong lumangoy noh!!"
"anung di marunong??! yabang mo!! marunong ako noh!!"
"eto naman ang pikon kaagad.. joke lang naman eh"
tinawanan ko lang naman siya. malapit na rin mag sunset nun kaya naman ang ganda talaga ng view.
"wow..ang ganda nung view noh!" tumingin naman siya sa akin.
"oo, maganda nga" nakatitig pa rin siya sakin tapos biglang binalin ang tingin dun sa papalubog na araw.
napatingin na lang ako sa kanya at ngumite. pagkatapos nun, bumalik na ulet kami dun sa resort at nagdinner. ang pagkain namin: sardinas ulet. take note: di kami naglunch. argh! kaya ko pa ba 'to??
bumalik na naman kami lahat sa room namin. umupo na lang ako dun sa kama at nagbasa ng new moon. sila Rei at JC naman, natulog na agad. pagod na siguro. tapos si Lance at Clarence, nagkwentuhan na naman.nakita ko naman, magkausap si Ivann at Max dun sa Balcony. nacucurious rin ako kung anung pinaguusapan nila. pero ayoko na rin makipag chismisan. HAHA. bigla namang lumapit sa akin si Ian,
"sweet niyo kanina ni Max ah"
"tumigil ka nga.."
pero syempre, ang laki ng ngiti ko nun. HAHA.
"yung dalawa dun sa balcony oh, grabe.. usap ng usap.. sa tingin mo anung pinaguusapan nila??"
"wala naman akong paki dun! tsaka wala akung balak alamin"
"sus.. gusto mo tanungin ko??"
"ha?!"
di na naman niya sinagot yung tanong ko.. ewan ko kung tanong yun.!! pero yun na yun. HAHA. tumayo naman siya agad, at pumunta dun sa balcony at parang naki join dun sa usapan nung dalawa. aba, grabe ah. parang nagkakaintindihan sila. siguro tungkol sa basketball yun. medyo matagal din naman silang nagusap dun. nung tinamad na ako magbasa ng new moon. linagay ko yung new moon sa bag ko. take note: yung bag ko malapit sa pintuan ng balcony. kaya naman , nagpapasakali ako na, may maririnig ako na kahit anong kachorbahan na pinaguusapan nilang tatlo. pero nagulat din ako sa sinabi ni Ian sa dalawang yun.. naka-akbay pa nga siya kay Ivann at Max eh.. tapos biglang sinabi..


















"kayo naman talaga oh??! kasama ako sa karera niyo.. paunahan nalang tayo sa finish line..."
double meaning phrase na naman ni Ian. argh!

No comments:

Post a Comment