Tuesday, December 15, 2009

` Chapter 33

nagulat talaga ako sa sinabi ni Ian. waa.. ano bang gagawin ko? haaay..
"sori ha.." napabuntong hininga na lang ako. "kung ginagawa na kitang parang diary ko.. sorry talaga.."
"wag mo na isipin yun.. wala yung sinabi ko"
ang gulo ring kausap noh?!
"ano ka ba?!" grabe.. ang gulo na.. "bakit ba ayaw mong sabihin kaagad?! ayaw ko naman na nasasaktan ka noh.."
tahimik lang siya. napabuntong hininga na lang ako. bakit ba 'to ganito?! ang ingay ingay pag nagchichikahan pero pagdating sa mga iniisip niya at nararamdaman niya, parang siyang pipi. nakakaines ah!
"bakit ayaw mo magsalita?! napipe ka na ba?!"
tumawa naman siya. aba, tama bang tawanan ako?! nangaasar ata to eh!
"nakakatuwa naman yung reaction mo?!" tawa pa ng tawa. sige.. tumawa ka lang! nakakaines eh.. di ko talaga maintindihan yung nararamdaman neto. pero nakakatuawa parin pag tumatawa siya parang kasing napapatawa rin ako. ewan ko ba! HAHA
"anung nakakatawa dun?!" syempre, taray effect! tsaka nagpipigil din ako ng ngite noh?! ang hirap nun!
"nagpipigel ka ba ng tawa!" buking ako. nu ba yan?! kaya naman, ngumite na ako. ewan ko ba pag nakangite tong taong 'to, napapangite na rin ako. haaaay.. ang swerte ko talaga pag andyan si Ian.. "ano ba ako sa buhay mo??" nakakagulat yung tanong niya ah! hmmm.. ano ba??
"hmm.. best friend.." tama, bestfriend ko na nga siya.!!
"oh?! di ko akalain ah!!"
"ngek!! alam mo naman na.. tuwing malungkot ako, ikaw ang tinatakbuhan ko at syempre, tuwing masaya ako, ikaw din ang tatakbuhan ko.."
"grabe.. mahal mo talaga ako noh?!"
"syempre, love kita.. i love you bestfriend!!"
ngumite na lang siya. di ko maexplain pero parang yung ngite na nagsasabe na `i love you rin bestfriend` HAHA. ang swerte ko talaga!! pangalawang beses ko na sabihin 'to!! HAHA. basta proud talaga ako. kaibigan ko si Ian. HAHA. pagkatapos naman ng aming kwentuhan, bumalik na kami sa classrooms namin. baka kasi dumating na yung isang teacher. mahirap na kung mahuli. HAHA. pasaway noh?!
nung nasa 4th floor na kami ni Ian, nakita namin si Max. grabe, may moment of silence nung time na yun. tapos yung tipong kaming tatlo lang yung naandun sa hallway. kasi parang nawawala yung mga tao. tapos nakatingin sa amin si Max. iba yung tingin niya. ang lalim eh. tapos parang ang lalim rin ng iniisip niya. di ko mareach. tapos bumibilis na naman ang pagtibok ng puso ko. ano na naman ba 'to?! tapos parang ang bagal ng oras. yung tipong nagslow motion lahat ng nasa paligid ko. hanep noh?! bigla naman akong nagulat. biglang naglakad si Max papunta sa amin ni Ian. bigla niya kong hinila. grabe, nakakagulat ah. nung oras na yun, yun na yung tipong, bumalik na sa normal ang lahat pero syempre, may abnormal na naman na nangyare at yun ay nung biglang sinabi ni Max na..






























"bakit kasama mo fiancé ko?" nagulat
talaga ako sa sinabi niya. si Ian din, gulat na gulat. mas nagulat pa nga siya kesa sa akin eh.
"ay.. sorry.. Max.. nagpasama kasi sa akin si Chin eh.." tumingin naman sa akin si Max. aba, anung problema neto?! sinusumpong na naman ng kaweirdohan!!
"ano?!"
"bakit kasama mo si Ian?!"
"bakit ba?! eh best friend ko naman si Ian eh!"
ang weird talaga ng lalakeng to! sarap batukan eh!
"kahit na.. fiancé mo ako.. wag mong kalimutan.." bla bla bla bla.. nakakaines ah!!
"wag mo nga ipagmalaki yun tsaka kahit na fiancé kita, hinde ibig sabihin nun, bawal na ako makipagusap sa ibang lalaki.. tsaka bestfriend ko naman si Ian.. walang problema dun..!!"
napatingin sa amin si Ian ah.. grabe, nakakahiya magtalo sa harapan niya.
"ah.. eh.. Max.. Chin.. sige .. maiwan ko na kayo.. magusap muna kayo dyan.." lumakad naman na si Ian pero bigla niyang sinabihan si Max ng "sorry Max.. di ko na gagalawin yang fianc
é mo.. alam ko naman nagseselos ka eh" tapos yun umalis na siya. aba, may nalalaman pa siyang paselos-selos ah!! nakakaines!!
"aba.. selos daw.!! sus!!"
"maniniwala ka ba pagnagseselos ako??"
"tss... asa naman!!"
oo nga.. asa naman di ba??!!
"maniwala ka na ngayon.. kasi nagseselos na talaga ako.." eh?! 0_o bigla namang nagring yung bell, ibig sabihin, next subject na. whew! saved by the bell ang drama ko!! HAHA. dinalian ko naman talaga pumunta sa classroom namin at iniwan na si Max dun. aba, iiwasan ko na marinig yung mga kaweirdohan ng lalakin yun. mahirap na.. baka umasa na naman ako. pero. amf! may meaning ba yun?! ugh! nakakaines naman eh.
natapos din ang ibang subjects ng maayos. haaay.. grabe.. tapos yung isang teacher namin, kwinento yung kasal niya. kakakasal lang kasi niya. tapos super proud siya sa husband niya kaya naman instead na mag quiz kami at maglesson siya, ayun nagkwento ng lovestory niya. weird noh?! HAHA. yung isa naman naming teacher, nagkwento sa date nila ng asawa niya kasi kahapon daw at wedding anniversary nila. bongga di ba?! tapos yung isa na namang teacher, nagkwekwento na magpropropose na daw siya sa girlfriend niya. aba, sosyal!! kaya naman, wala kami masyadong tinake na lessons nung hapon. kwentuhan lang kasi eh. baliw rin kasi mga teachers dito. mahilig sa chikahan kaya naman mga estudyante mahilig rin sa chikahan. HAHA. walang kasawa-sawang chikahan!
pumunta naman na ako sa dorm room. haaay.. walang assignment kaya naman ang saya talaga. sinimulan ko ng basahin yung breaking dawn. pagkatapos ng isang chapter, saktong dumating si Max kaya naman tinabi ko na yung breaking dawn na libro. hala, kinakabahan na naman ako. weirdo na naman kasi 'tong lalake na to eh! umupo siya sa kama ko. aba! anu na namang gagawing kaweirdohan neto?!
"may itatanong ako sayo.."
"a-ano??"
nauutal pa ako eh!!



























"ano ako sa kasal mo?? asawa? bestman? tagakain sa reception? o uninvited??"
anung klaseng tanong 'to?! tsaka sobra na ah! puro kasalan na ang mga naririnig ko!! 0_o

No comments:

Post a Comment