Saturday, December 12, 2009

` Chapter 29

binababa na ni manong driver sila Clarence,Max, Ivann, Ian, JC at Lance sa bahay nila. ako na nga lang yung natira dun sa van eh. san naman ako pupunta?? hmm.. sa totoo lang, wala naman kaming bahay. kasi nagdodorm school ako. tapos si mama at si papa kung saan saan nagpupunta dahil sa mga business matters nila. once in a year nga lang yun pumunta sa pilipinas eh, pag may importanteng okasyon lang. kaya naman kung magtatayo ng bahay dito, sayang lang kasi wala namang titira.pag summer kasi, naghohotel lang ako. di ko pa nga nasasabi kay mama na umuwi na kami. ang problema ko.. san ako magpapalipas oras?? siguro sa mall na lang.
"manong, sa mall na lang ako baba.."
mga 30 minutes lang, binababa na ako ni manong sa mall. anung gagawin ko dito?? napabuntong hininga na lang ako. pumasok muna ako sa dept. store para tumingin ng mga kung anu-anung damit pero di ko naman bibilin. HAHA. dahil, halos 4 hours na rin akong nag-iikot siguro, tamang oras na 'to para sabihin kay mama na umuwi na kami. siguro, maghihisterical na naman yun.

*calling mama*
"oh?! Chin, bakit ka napatawag??"
"ma.. kakauwi lang kasi namin eh.."
"umuwi??!! di ba may 3 days pa kayo sa tagaytay!!"
"nagyaya na akong umuwi eh!!"
"lechugas na bata ka naman oh!! san ka titira niyan?! bakit di mo sinabi ng maaga?!!"
"yun na nga po yung problema ko eh.."
"tatawagan ko na lang yun mom ni Clarence.. dun ka na lang magstestay.."
"ma.. nakakahiya!!"
"mas nakakahiya kung sa lansangan ka matutulog??!!"
then, binababa niya yung phone niya. tama bang pagbagsakan ako ng telepono?!! nakakahiya naman kay Clarence ako matutulog.

bigla na lang tumunog yung cellphone ko, may natawag. si Clarence.. whoa! ang bilis nun ah!
"OI!! BABAE.. BAKIT DI MO SINABI NA WALA KANG BAHAY?!!!" halos mabasag eardrums ko nun ah!
"nawalan ako ng wisyo eh.. ayus lang ba talaga na dyan muna ako magstay??"
"ayus lang yun.. wala naman si ate eh.. walang masungit!!"
buti na lang wala yung ate niya.. mainit pa naman yung dugo nun sakin.. ewan ko kung baket!
"buti naman.."
"sige.. wait ka lang dyan.. sunduin kita.. asan ka ba??"
"nasa mall ako... basta yung pinakamalapit na mall galing sa bahay niyo.."

"sige.. wait ka lang dyan.."
then. end call. umupo muna ako dun sa may bench. napabuntong hininga. bakit ba nagkakaganito ako??! natatanga ako!! argh! grabe ang boring. wala akong makausap!! sana dumating na kaagad si Clarence. after 20 minutes, nagtext na sa akin si Clarence.

From: Clarence
and2 n aq front g8.pnta qa d2

at last!! dali-dali naman akong pumunta ng front gate and nakita ko siya. wee. ang saya.
"ang tanga-tanga mo talaga.. "
"mamaya na nga ang sermon.. punta na tayo sa bahay niyo.."
pumasok naman na kami sa kotse nila. her mom was driving. sa totoo lang, broken family sila eh. iniwan sila nung daddy niya.
"Tita.. salamat po ah.." bait ko noh!!
"no problem hija.."
pagkatapos ng ilang minutes, nakarating na kami sa bahay nila Clarence. grabe, parang ngayon lang ako nakaexperience
pumasok sa bahay.
"ui.. dun ka na matulog sa kwarto ko.. tabi tayo.. ayaw kasi magpatulog ni ate sa kwarto niya tapos medyo marumi pa yung guest room.."
"sus.. ang sabihin mo, takot ka lang matulog ng magisa"
"ang sama mo!"
pumunta naman na kami sa kwarto niya.
"Clarence.. pwede ko bang gamitin computer niyo??"
"sure.. baba lang ako ah.."
in-on ko naman yung computer tapos si Clarence bumababa. grabe, miss ko na ang magbukas ng ym. matagal na rin kaming di nakakapagchat ni Marge. nakakamiss na tuloy. ang dami ko pa naman kwento sa kanya. nagonline ako sa ym. ayun, online si dong0709.

cutechq09: hi!!
dong0709: musta na??
cutechq09: narealize ko.. tama ka.. mahal ko nga sya..
dong0709: kitams.. galing ko noh..
cutechq09: ikaw na!! musta ka naman??
dong0709: galit ata sa akin
cutechq09: bkt?
dong0709: ewan ko..

grabe, ang haba rin ng pagkwekwentuhan namin. di na nga ako sumabay mag dinner kay na Clarence eh. nagdinner ako habang nagcocomputer. nung 12 midnight, nagoffline na kaming dalawa. marami pa sana kaming topic kaso nga lang antok na kami pareho. in-off ko na yung computer tapos tumabi kay Clarence. grabe, di pa siya tulog.
"sino yung kachat mo?? boyfriend mo?!"
"hindi ah! tumigil ka nga!"
"buti naman.."
"bakit??"
"pag may boyfriend ka.. kawawa naman si Max.."
"hay nako.. bahala ka na nga dyan.. bakit mo pinagpipilitan sa akin si Max.. eh wala naman yung gusto sa akin?!"
"adik kaya yun sayo!!"
"tss.. asa!"
napabuntong hininga kami pareho. "di ba may gusto ka kay Max??"
"crush lang siguro.."
"ha?!"
"di ko naman ata siya love eh.. nagkamali lang ako.."
"bakit?!"
grabe, ang tagal ng reply niya.. nakakasuspense.






























"because my heart is beating for someone else.." aww.. kawawa si Max!


No comments:

Post a Comment