Friday, November 27, 2009

` Chapter 5

syempre,nagising naman ako ng maaga. pero mas maaga sa normal na 6 a.m na paggising ko. 4 a.m pa lang ata eh, gising na gising na diwa ko. kesa naman na sayangin ko ang 2 hours na pagtutunganga lang dito noh. syempre, nakita ko si Max, himbing na himbing sa pagtulog. balak ko sana gulatin pero wag na. ayoko na munang pagtripan. HAHA. kaya naman, naisipan kong buksan na lang ang pc and wow, online si bespren marge. grabe eh, napangiti talaga ako ng abot tenga eh. HAHA.

lukareet23: haluuu bespreen!!! musta???
cutechq09: bespreen!! haha.. ayos naman.. kaso nga lang...
lukareet23: haist! alam ko yan?! room mate mo daw si MAX!!
cutechq09: malas ko nga eh!
lukareet23: di ah. gwapo naman eh. lalo pa ngang gwumapo kesa nung preschool pa tayo
so kadordor ang pinagsasabe ni bespren ah, HAHA
cutechq09: gwapo? porket crush mo lang yun dti eh. tsaka pn
o m nakta un?
lukareet23: nagsend sken nan mga pics si Ian at Clarence and may pic kayo dun ni Max na mgkaakbay! yiiee.. sabi rin ni Lance, parang may sumting daw senyu..
cutechq09: anu ba nmn yan bespreen?! wala talaga! pero infairness may crush na ako d2. hahaha
lukareet23: wow! first time! cno?
cutechq09 : si Jan Ivann, syaks!gwpo neto! haha. pakita ko sayo picture pag meron na. haha
lukareet23: ge.cgee. haha.. ui, bespreen, out na ako.. tinatawag na ako ni mama eh.
at ayun, ngout na si Marge, di ko man lang natanong kung ok na ba dad niya. sayang naman. nawala sa isipan ko. dahil di rin naman online si dong0709, wala na rin akong naka-chat kaya naman in-off ko na lang yung pc.

" Oi, baket an aga mong magising?"
aba. ano ba pake ne 'to?!
"wala lang.. di ako makatulog eh. " hay nako. alam ko na naman may sasabihan 'tong `siguro di ka makatulog sa kaiisip saken noh`. pramis, yan ang sasabihin niya pero parang nag iba ang ihip ng hangin. ang sinabi niya lang ay...
"OK" haba noh! nakakaines. yan lang ang sinabi niya. hindi lang talaga ako sanay na walang kagaspangan na lumalabas sa bibig niya.
kaya naman ako ay nagmadaling maligo habang siya ay natutulog pa dun sa kama niya. grabe, ang tamad pang bumangon eh. dahil, wala naman akong pakielam sa kanya, umalis na ako at hindi ko na rin alam kung anung ginawa ng dimuho na yun. HAHA. syempre, di pa ata handa sila Clarence, kaya naman nag lakad lakad muna ako and guess what?! nakita ko si `fafa pugee` HAHA. kinikileg ako eh.

" ui, Chin, good morning. ang aga mo naman yata." ang gwapo talaga.

" di kase ako masyado nakatulog kagabi eh."
" aahh... nga pala, may something ba sa inyo ni Max?"
nagulat talaga ako sa tanong niya ah.
"pramis, wala talaga. `friends` lang talaga" muntik na kong mabulunan sa may `friends` na part. HAHA.
" ay, mali pala ang tanong ko, may gusto ka ba kay Max?"
"wala rin. as in, wala talaga"
" good! I thought I was hoping for nothing"
may kakaiba dun sa mga sinabi niya. at syempre, ngumite itong si Ivann saken and naisip ko parang kaharap ko lang si KIM BUM. pero hindi niya kamukha. HAHA. then syempre, hindi na ako nagsalita. baka kung ano na masabi ko eh. ayoko naman isipin na may gusto saken 'tong si Ivann. di naman makapal mukha ko. pero ang lakas ng feeling ko na meron nga.
nakasalubong naman namin si JC at dahil magkaklase naman kameng tatlo, sabay sabay na rin kameng pumunta ng classroom. nagulat naman ako na magkasabay si Clarence at Max papunta ng classroom nila.
hindi ko naman sila masisi dahil magkaklase naman sila kaya sila sabay at nagiging close din naman sila eh. pero parang may feeling na ayokong makita silang magkasama. hindi naman na nagseselos ako. kase imposible talaga yun. hindi lang talaga ako sanay na parang mas masaya ang ngiti ni Max ngayong umaga. to think na hindi ko siya kasabay ngayong araw, parang mas maganda pa ata yung araw niya kasama ang iba. pero dahell i care?! wala akong pake sa kanya. napabuntong hininga na lang ako. sumunod na lang ako kay la JC sa room. hindi rin naman ako masyado nakikinig sa teacher parang wala sa wisyo ang utak ko ngayon and tanging naintindihan ko lang talaga ay ang acquaintance party
sa friday. HAHA. syempre, pagdating sa mga pakulo ng school namin, nakikinig talaga ako dyan. HAHA.
kaya pagdating ng lunch break namin, aba syempre kainan with barkada. kasama si Max pero hindi kasama si Ivann. may iba na rin naman kase siyang friends eh. and ayun habang kumakaen ako ng lunch ko, andun naman si Max at si Clarence magkatabe na nagkukulitan na parang ewan. nakakahiya sila. parang mga bata. tumitig na lang ako sa kanila. medyo napansin naman ni Ian na kanina pa ako nakatitig sa kanila, kaya naman binulungan ako nung loko.
"bagay sila noh?!"
" yeah.. right"
yung tono ko ng pagsasalita dyan ay parang yung, wala naman akong pakielam sa sinasabi ni Ian.
"nagseselos ka noh?!" sumingit pa si Rei eh!
" di ah"
napansin na rin naman nila Clarence na tahimik ako kaya naman..
"may problema ka ba, Chin?"
"wala naman. and in fact, masaya nga ako eh."
"baket? may nangyari ba?"
"wala naman.. kase wala naman talagang nangyari sakin masama ngayon, hindi rin naman ako NAGSESELOS. wala talagang, masamang nangyayare saken"
in-emphasize ko talaga yun ` nagseselos`. medyo naman natawa si Lance nun. alam na alam talaga kung bakit ganyan yung reaksyon ko eh. eto naman si Max, tahimik na lang. pagkatapos naman ng lunch break namin, back to classes na naman. nung science time namin, hindi dumating yung teacher namin kaya naman, nagpapakasenti na lang ako sa classroom samantala yung iba eh naggagala kase walang teacher. pasaway. buti na lang mabait ako. HAHA.
"ok ka lang ba?" si `fafa pugee`.. grabe ang gwapo!
" ayus lang naman." sa totoo lang di ako ayos. pero madali naman naniwala si Ivann. ngumite lang naman siya sa akin at umalis na rin. di siya katulad ni Max na pag magsisinungaleng ako eh, alam na nagsisinungaling nga ako.


"baket ako magagalit sayo? may dahilan ba " LIE. syempre meron.
"LIE. syempre meron"
oh may ghad! does he read minds?

naalala ko na naman. tsk.di ko rin alam kung baket hindi ako ok? parang kaseng nasasaktan akong isipin na..
parang hindi masaya si Max na kasama ako. na mas lamang na si Clarence.pero hindi naman ibig sabihin nun, may gusto ako kay Max. sadyang, mas gusto kong isipin na ako na lang sana ang kaibigan niya. siguro, mamaya sabayan ko na siya papunta sa room para naman matingnan ko kung kanino ba talaga siya magiging masaya. ewan ko kung baket ko iniisip kung san siya sasaya?! naiines nga ako sa sarili ko eh! bakit hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko?! baket di ko masagot ang mga tanong ko?! baket di ko kayang sagutan ang `baket?! baket ang dameng `baket` sa mundo?! amp.nakakaines.

*teet.teet.teet.teet* (may nagtex.HAHA)

From: Max S.
may tcher keo?

wow.nagtxt saken yung taong iniisip ko. kabigla ah.

To: Max S.
wala.. baket?

From: Max S.
wala lang.

hmf.walang kwenta.

To: Max S.
sabay tayo uwian mea.

From: Max S.
sori. di pde. i have sumting to do with Clarence :)

syaks! anu ba naman yan?! nakakaines ah. pero di ko yun dapat sabihin. kelangang huminahon. haaaay..

To: Max S.
ah.di bale na lang. kasama ko naman si Ivann.

From: Max S.
k.

so kay Clarence siya sasama?! aba ako kay Ivann. bahala siya. hmf. ipapakita ko din sa kanya na mas masaya ako kay Ivann. wahahaha >:)) akala niya ah. di pa talaga siya nagreact! nakakaines. pinuntahan ko naman agad si Ivann..

"Ivann, pwede bang sabayan mo ko mamaya sa pagpunta sa room"
" baket? wala ba si Max"
" ahmm.. kase may other affairs siya eh. tsaka..."
di pa ko tapos sa pagsasalita. nagsalita na agad si fafa pugee.

" o sige.. wag ka na mg-explain. sasamahan na kita"
yes! ano ka ngayon Max?!! wahahaha >:))

ewan ko rin kung anung pumasok sa kokote ko at kung anu-ano ang mga naiisip ko. basta! gagawin ko to! wahaha >:)) excited na ko sa dismissal. gusto ko ng makita ang mukha ni Max habang sinasabi saken na "sana pala sayo na lang ako sumama para maging masaya ako" .wahahaha >:)) papaluhudin kita sa harapan ko, MAX!! bwahaaha >:)) *evil laugh*

nung dismissal na, agad ko namang hinila kaagad si Ivann para pumunta sa may fields. nakita ko naman agad si Max at Clarence. nagtatawanan. nagaakbayan. naguusap. nakangite. argh! nakakaines!! sila lang talaga ang tinitingnan ko nun habang nakatambay lang kami ni Ivann sa fields. di ko na nga makausap si Ivann eh. dahil super busy ako sa pag-spa-spy kay Clarence at Max.
" ahmm.. Chin, baket kanina ka pa tingin ng tingin kung saan pa man?"
" sorry, Ivann.. may iniisip lang kase eh."
"siguro, hatid na kita sa room niyo"
tiningnan ko naman kung nasaan na si Max at Clarence pero bigla na lang silang nawala. syaks! di ko na sila namanmanan. kaya naman tumango na lang ako kay Ivann at hinatid niya na rin ako sa room namin.
" sige.. pasok ka na"
"salamat ah. tsaka sorry kung nagiging absent-minded ako kanina"
"ayus lang yun. cge babye"
umalis na si `fafa pugee` at ako naman ay nasa kwarto lang. mag-isa. habang si Max ay nagsasaya kasama si Clarence. nakakaines. nagpalit na lang ako ng damit at lumabas sa hallway. 4 pm pa lang nun kaya naman naghintay talaga ako sa labas hanggang 6pm para lang matanaw ko sila and yung laking gulat ko. si Max hinahatid niya si Clarence sa dorm niya and dala-dala pa niya ang mga gamit ni Clarence. argh! gentleman much! nakakaines! then yun, dahil kasing floor lang namin ang room nila Clarence, tanaw na tanaw ko sila na nagsasabi ng goodbye. at yun, pumasok na rin si Clarence sa kwarto niya at malamang si Max ay didiretso na sa kwarto `namin`. eh ako naman, syempre hindi pahalata na minamanmanan ko siya.

"Oi.. baket ka andito?"
" wala lang. baket ba?"
di ako tumingin sa kanya. taray >:))

" ah. ok " tapus yun, pumasok na siya sa kwarto `namin` at ako naman nagmumukmok dito.akala ko kung anu pa mang sasabihin niya , yun lang naman..

pero gusto ko kase sanang sabihin sa kanya...

















"sana ako na lang ang tanging dahilan niyang maging masaya"

No comments:

Post a Comment