Saturday, December 12, 2009

` Chapter 30

dapat ba akong maawa kay Max?? o dapat ba maging masaya ako kasi wala na akong pagseselosan? haaay.. ang hirap naman ng ganito. nagstay ako kay na Clarence for 3 days. grabe, excited na ako pumasok.

~November 4
at last, pasukan na namin.nag-assemble muna kami dun sa may fields. after ilang minutes, pinapunta na rin kami sa may dorm. wala pa si Max. napabuntong hininga na lang ako. nagulat na lang ako may humawak sa balikat ko.
"Oi!" may balak na nga ata talaga tong patayin ako sa gulat!
"nakakaines naman to oh?! wag mo nga akong gulatin!" inalis ko naman yung kamay sa balikat ko tapos linagay ko yung mga gamit ko malapit sa kama ko. umupo na lang ako sa kama ko. medyo napagod eh. tumabi naman sa akin si Max. naninibago na ako. parang kasing naiilang ako eh.
"lumayo ka nga sakin.."
nagulat naman siya sa inasal ko. pati ako nagulat nga rin eh. HAHA.tumayo naman ako pero hinawakan niya yung kamay ko.
"galit ka ba sa akin??"
"hinde.. wala namang dahilan na magalit ako sayo di ba??"
"naguguluhan na kasi ako eh.. nung una, galit na galit ka kasi parang pinagtripan lang kita, tapos biglang um-ok ka na.. tapos ngayun, pinapalayo mo na ako sayo tapos bigla mong sasabihin di ka galet sa akin.. ano ba talagang nararamdaman mo para sa akin?? sabihin mo nga.."
"naguguluhan.. lagi naman ganun eh.. basta andyan ka.. magugulo na ako.. nung dumating ka, gumulo na talaga ang buhay ko.."
"sorry kung ako man ang dahilan ng kaguluhan sa buhay mo.."
ayokong sumagot..
"basta.." tumayo siya at yinakap ako. "
wag ka ng lumayo sa kin.. ako na lang lalayo para sayo.."
humiwalay naman siya sa akin. siguro, eto na nga yung tamang solusyon para di ko na siya mahalin. ang lumayo sa isa't isa. di na rin ako nakapagsalita. pagkatapos kasi nun, bigla na lang nag-ring yung bell. start of classes na eh. dapat na magmadali kaya di na kami masyado nakapagusap ni Max.

ilang weeks na rin ang nakalipas, di na kami masyado nagpapansinan. tahimik na lang palagi sa dorm room namin. dahil dito, ang bilis kong matapos basahin ang eclipse. breaking dawn na ako. pero siguro next time na lang. HAHA. tambak na naman kami ng homeworks at activities. badtrip eh! lagi tuloy akong puyat!

~November 20. saturday
binulabog na ako ng nagriring kong cellphone! badtrip! sino ba kasi ang natawag sa akin ng 6 am!? gusto ko pa matulog!! puyat na puyat kaya ako..
"hello?"
"anak!! nagising ba kita?!!"
si mama!! nakakaines eh!
"halata ba?? bakit na naman ba kayo napatawag??"
"may sasabihin kasi ako sa yo.."
"ano?! pasuspense pa eh!"
"nasa pilipinas na ako!!!"
"WATDA?!! BAKIT DI NIYO SINABI NG MAAGA?!?!!!"
medyo, nagising naman si Max. napasigaw kasi ako eh.
"anu ba naman yan?! akala ko masisiyahan ka?!"
"masaya naman ako pero bakit di mo sinabi kaagad??"
"wala lang... oo nga pala.. i want to meet you tomorrow.. be on your best dress.. okay?"
"dress??!!"
"oo.. basta kita tayo sa figaro.. okay? 12 noon.."
"sige na nga.."
binababa ko na yung phone. anu ba naman yan?! anu kayang sasabihin ng mother direst ko sa kin!!?? pwede na mang sabihin niya na agad ngayon. leche naman oh?!
"sino yung tumawag??" bakit namansin to?!

"si mama.."
"bakit??"
"nasa pinas na siya eh.."
"magkikita kayo ngayon??"
daming tanong!

"hinde.. bukas pa.."
"date tayo ngayon.. pwede ba??"
oh my ghad! totoo ba ang naririnig ko??!! date??!

"date?!!"
"ang tagal mo na kasi akong di pinapansin"
"eh yan naman kasi ang gusto natin di ba??"
"kelan ko pa ba nagustuhang di ka pansinin?!! di ko na nga ata kaya eh.."
napangiti naman ako.
"eh ano.. payag ka ba??"
"ah .. eh"ano bang isasagot ko?!!
"pumayag ka na. treat ko naman eh!"
"sige na nga!!"
mukhang napilitan. HAHA
"oh?! lika na.."
"ngayun na??"
"oo naman.."
"maliligo muna ako.."
"dalian mo.. maliligo pa rin ako eh.."

pagkatapos naman ng 3o minutes ng aming preparation, umalis na kami. grabe.. date ba 'to?! siguro.. mali yung tern na date?! peace offering lunch chorbaness ata?! HAHA. pero masaya talaga ako. pumunta kami sa mall tapos kumain sa Leslie's . nagkwentuhan lang naman. namiss ko na rin na pansinin siya eh.
"alam mo ba wala ng gusto sa akin si Clarence.."
"oh?! talaga?!"
gulat effect?! HAHA. mas nauna pa akong makaalam sayo eh.. "sad ka naman.." please say NO!
"di naman.. i'm happy for her nga eh.."
"bakit naman??"
"di na siya masasaktan.."
"huh?!"
anung di na masasaktan?! naguguluhan na ako ah! parang nawawala na ako sa mga latest chismis!
"kung hanggang ngayon, may gusto pa rin siya sa akin, masasaktan lang siya.."
"bakit?! di ba may gusto ka sa kanya?!"
"ha?! as if! iba ang type ko na babae!"
"eh di ba sabi mo sa akin dati.. asawa mo siya.."
bakit ko pa ba naalala yan?! ang sakit nun ah!
"joke lang yun.. anu ba?!"
"ikaw talaga?! ang hilig mo magjoke?!!"
ano kaya ang type niya sa babae.. hmm.. "ano ba ang type mong babae??"
pag-aaralan ko 'to! HAHA
"hmmm.." nagiisip pa.. tagal ah! excited na ako.. "gusto ko katatamtaman lang ang complexion.. hindi maitim.. hindi rin maputi.. gusto ko compatible ang height namin at weight syempre.."
"anu pa??"
"tapos gusto ko.. wavy yung hair.. pero hindi kulot.. gusto ko black na may highlights na brown ang buhok niya.."
teka.. parang ganun buhok ko ah.. "gusto ko pinay na pinay ang itsura.. gusto ko rin yung dati ko pang kilala.. gusto ko yung mabait, matalino.. yung ganun.."
"ang taas ng standards mo ah!"
"ganun ba?? di naman masyado.."
"nakahanap ka na ba ng babaeng ganun..?"
please say NO. please!!
"yep.." nakatingin siya sa akin as in sobrang titig. nakakatunaw siyang tumingin. waa. Lord, dukutin niyo na mata neto baka matunaw na ako sa sobrang kilig. anu bang meron sa akin?! may dumi ba ako sa mukha?! sana wala.. nakakahiya kung meron!!
"oh?! bakit ganyan ka makatingin?! may dumi ba ako sa mukha??!"
"wala.. "
nakakatitig pa rin. waa.. pramis. dukutin niyo na mata neto!! NO JOKE!
"bakit ka ba ganyan makatitig?!"
"wala lang.."
at last, di na siya nakatingin. napabuntong hininga ako. grabe, nakakakaba. pagkatapos namin kumain at magkwentuhan, naglakadlakad lang kami tapus kwentuhan. walang sawang kwentuhan. HAHA.mga 6pm, nakauwi na rin kami. HAHA. ang saya saya ko talaga ngayon. grabe eh, ang wide ng ngiti ko.
"nga pala.. anung oras ka aalis bukas??"
"mga before 12 noon.. bakit??"
"aalis din kasi ako bukas pero before 10 am pa.. akala ko pwede na tayong magkasabay umalis.."
"bakit ba?! anung gagawin mo??"
"ewan ko kay papa eh.. magcocoffee lang daw kami.."
"aahh.. ok.."
natulog naman kami. syempre, siya andun sa kama niya tapos ako nasa kama ko! alangang magkatabi pa kami noh?! HAHA.

~November 21
pagkagising ko mga.. malapit na mag 10:30 am.. wala na si Max sa kama niya. ang aga niya ah! nagulat naman ako may note na nasa tabi ng kama ko. nakasulat ay:

maghilamos ka ah.. baka may laway ka pa jan.. haha :)
-Max-

pang-asar talaga si Max eh. HAHA. napangite naman talaga ako. syempre, kumain muna ako ng almusal tapos naligo na rin. naka red dress ako na spaghetti strap na hanggang tuhod. ngayon na lang ako ulit nakapagsuot ng ganito ah.tuwing okasyon lang kasi talaga ako nagsusuot ng dress. tapos inayus ko ang aking byutipul hair. HAHA. pero simple pa rin.
tapos nun, dumiretso na ako sa figaro. malapit lang naman eh.
nakita ko agad si Mama, malapit siya sa bintana. naka blue dress naman siya.
tapos may nakita akong dalawang lalaking kasama niya. yung isa mukhang mas bata. yung isa, matanda. sino naman yun?? baka naman business partners?! anu ba naman yan?! meeting ba 'to tungkol sa business?! saklap naman oh.. papalapit na ako sa table nila. ngumite sa akin si Mama. nagulat talaga ako sa dalawang lalaki na kasama si Mama...





















"Max???"





No comments:

Post a Comment