Friday, December 11, 2009

`Chapter 21

nginitian ko na lang siya. grabe, definitely a joke nga ito!
"napaka selfish mo naman.." mukha namang nagtaka siya sa reaksyon ko. "syempre, mahal ko din sila Lance, JC, Rei, Ian , Marge at Clarence. syempre si Ivann din tapos ikaw din kasi part ka na ng tropa!" WAT A SAFE ANSWER?! :))
"aahh.. ganun ba.." tapos biglang ngite. weird noh. bigla namang nagsipasukan na sila Lance. grabe, tawa sila ng tawa eh.
"ui.. pipicturan namin kayo.." sabi ni Lance habang hawak niya yung digicam.
"kami ni Max?!"
"oo, kayo"
di na rin kami nakaangal, syempre, di na rin namin mapipigilan ang kachorbahan ni Lance noh. and guess what?! 2nd picture namin 'to na kami lang talaga ang magkasama. HAHA.
pagkatapos naman sa coffee shop, nagdecide na din kaming umuwi. mga 5pm na rin kaming nakauwi nun. excited na ako para bukas. 16 na ako!! HAHA.
nung nasa bahay na kami, as usual, si Lance at Clarence nagchikahan. tapos biglang sumingit naman sa usapan nila sila Rei, JC at Ian. parang may plinaplano ah. hmmm..
pumunta naman ako dun sa may balcony tapos umupo sa may bench dun at nagstart ng basahin ang eclipse. HAHA. after mga 15 minutes,bigla namang dumating si Max. as usual, tinabi ko muna yung eclipse. HAHA
"gurang ka na bukas.. hahaha"
"ang yabang mo.. mas nauna ka pa ngang nagurang sa akin!"
sa totoo lang, 16 na talaga siya. April 21 birthday niya. HAHA. grabe, alala ko pa yan!
"grabe, magusap yung sila Lance noh?!"
"parang ngang may plano eh!"
napabuntong hininga na lang kami. feeling kasi namin OP kami sa kanila eh. kanina pa kasi talaga sila naguusap. tapus, hindi naman kami makasingit.
"paano kung hindi kita batiin bukas??"
"eh di mamatay ako.."
WATDAHEL?! anung sinabi ko?! DAHEL?!
"mamatay ka?!" gulat siya dun ah!
"mamatay ako sa kakatawa kasi
kung ganon, eh di ibig sabihin kaya mo akong tiisin??" palusot ba 'to?! hmf! di ako marunong sa paggawa ng matinong palusot!
"asa namang di kita batiin bukas noh.."
"alam ko.. di mo naman ako matitiis eh.."
"kelan ko pa ba nakayang tiisin ka.."
"since birth??" syempre, dapat siyang barahin. HAHA
"since birth ka dyan?! eh di sana.."
ano kayang sasabihin neto? medyo napatigil siya eh.. "eh di sana..di ko na plinagplanuhan ang birthday gift ko sayo.."
"birthday gift??"
"bakit? ayaw mo?"
"asan na regalo ko?? dali.. bigay mo na.."
"ulol, di mo pa birthday..."
ano kaya regalo sa akin neto?? hmm.. baka teddy bear. o jewelry... hmm.. nakaka excite na ah..
"naeexcite na tuloy ako.."
ngumite lang naman siya. hmm.. nacucurious talaga ako ah.

"Max.. Chin.. tulog na kami ah!!"
"sige.. tulog na kayo.."
natulog naman na sila Rei, JC, Lance, Ian at Ivann sa Room nila. Si Clarence naman, pumunta lang sa room namin. for sure, di pa yun matutulog. takot yun matulog ng magisa noh. HAHA. hala, binubuking ko ang weakness niya. HAHA. naiwan naman kami ni Max dun sa may balcony.
"di ka pa ba susunod kay na Ian??"
"ayoko pa matulog.."
katahimikan na naman. bakit ba ganito palagi??!!
"kung ayaw mo pang matulog.. magbigay ka ng topic natin.."
"hmm.. topic..??"
tagal magisip ah.. "nainlove ka na ba??"
nakakagulat yung tanong niya ah. gusto ko sanang sabihin.. "oo, in love ako sa 'yo.. sobra na nga eh.."
pero kaya ko ba?? HINDE!! masyadong mahina ang loob ko para sa aminan. argh!
"ha?!"
"matagal na rin tayong di nagkita.. siguro naman nagkameron ka na ng kahit kaunting lovelife..??"
"wala pa ah.. grabe, naman mga tanong mo.. daig mo pa si boy abunda!"
"wag mo nga ibahin yung usapan!"
tinawanan ko na lang siya..
"siguro.. may gusto ka sa akin noh.."
gusto ko sana sabihin. "oo naman.. di ko nga lang kayang sabihin sayo.."
pero.. DI KO PA RIN KAYA!!
"ang yabang mo!!"
"no joke.. matagal ko ng iniisip na ganun.."
"ha?! so alam mo??"
alam niya na may gusto ako sa kanya??!! syakersz?!!
"anung alam ko??"
"wala.."
di niya pala alam. buti na lang. tss.
"bakit mo naman naisip na may gusto ako sa 'yo??"
"syempre, kasi prep ang huling time na nagkita tayo.. for sure, nagiba na yung mukha natin.. bakit parang kilalang-kilala mo pa rin ako??"
"hmm.. bakit naman ako?! naalala mo pa?!?!"
"syempre.. kahit naman papaano.. special ka sa akin noh.."
tumingin naman ako sa kanya..
"alam mo ba yung ganung experience, kahit na matagal na kayong di nagkikita, basta ba naging special sa 'yo yung taong yun, di mo talaga basta basta makakalimutan yung mukha ng taong yun.."
di ko alam kung anong sasabihin ko.
"eh special din ba ako sa 'yo??"
"syempre.. kaya nga naalala pa kita eh.."

napangiti lang naman siya. siguro nga, kahit dati pa man din, crush ko na talaga si Max. ano kaya yung nararamdaman niya para sa akin.? hmm..
"wala ka pa bang balak matulog??"
"sige na nga.. tulog na tayo.."
pumunta naman siya sa kwarto nila ni na Rei at ako sa kwarto namin ni Clarence. di pa tulog si Clarence. sabi na eh!! HAHA. nakahiga lang siya dun tapos tinabihan ko siya.
"di ka pa rin talaga tulog noh?!"
"alam mo namang takot akong matulog ng magisa di ba?!"
"grabe.. di ka pa rin nagbabago.."
katahimikan..
"Chin.. may gusto ka ba kay Max??" syaks! anung sasabihin ko..?!!
"ha?! bakit mo naman naitanong?!"
"kasi naawa ako sa kanya.."
"ha?! bakit?!"
"kasi mahal na mahal ka niya.. samantalang ikaw.. di niya maintindihan .. mahal mo ba talaga siya??"
argh! kasinungalingan na naman..
"di naman niya ako mahal eh!"
"ang manhid mo talaga!!"
argh! di naman niya ako gusto eh?!!
"hay nako.. pero inaamin ko may special feelings ako sa kanya.."
"eh di may gusto ka sa kanya?!"
"wala nga eh.. sayo na yun! "
"sayo yun! tsaka.. di naman niya ako magugustuhan eh.."

"bakit naman??"
"andyan ka kasi eh.."
tumahimik na lang ako. ayokong maniwala. ayokong umasa. sa totoo lang naman, di naman ATA ako mahal ni Max eh at di ko rin naman feel na mahal ni Max si Clarence. siguro, naging OA lang talaga ako sa pagiisip nun. pero kung tutuusin, mas deserving si Clarence, kesa sa akin. martyr ako pero sincere. HAHA. di na rin ako umimik nun.
"matulog ka na nga.."
syempre, natulog na rin ako. may gusto ba sa akin si Max?! argh! ayoko ng ganito!! birthday ko na bukas!! ayoko ng marami akong iniisip!! nakakabadtrip!!


~October 25
grabe, pagkagising ko eh.. gumulantang sa akin ang mga mukha nila Clarence, Ian, Rei, Ivann, Lance at JC.


"HAPPY BIRTHDAY!"

nakakagulat ah! HAHA. pero ang masama dun, wala si Max. di ako binati ni Max. bakit ganun?! wala siya?! akala ko ba di niya ako matitiis.. pero bakit ganun?! wala talaga siya!

















mamatay na ata ako.. ayoko ng wala siya..

No comments:

Post a Comment