Sunday, November 29, 2009

`Chapter 10

~Sunday

yung araw na may `get-along-together` kami ni Ivan. naligo naman ako agad at nagbihis ng skirt at shirt. nagsapatos na rin ng chucks. nagulat naman sakin si Max nung pagkagising niya..

"oi, san ang punta mo?"
"may get-along-together kami ni Ivann"
"sus.. ayaw pang sabihin date eh!"
"ok, fine! date na! whatever!"

bigla namang may kumatok sa pinto. binuksan ko naman agad and nakita ko si Ivann.
"ready ka na ba?"
"ah..oo. sige..lika na.."
"oi, Ivann.. teka lang.."
"bakit?"
"before 5pm dapat andito na kayo ah.. tsaka alagaan mo yang loko na yan"
"ang sama mo, Max"
" o sige ba Max"
"ge.. salamat"
lumabas naman ako kaagad tapos sinarado na ni Max yung pintuan. tapos naglakad-lakad kaming dalawa. ewan ko kung saan ako dadalhin neto eh.

"grabe ah.. napaka over-protective ni Max sayo ah"
"ganun talaga. mahal ako nun eh"
"ha?! mahal ka nun?! baka magselos?!!!"
"ha? hindi.. i mean mahal niya daw ako as parang kapatid niya eh"
"malay mo may deeper meaning"
"hinde.. wala yun.. sinabi niya sakin kung kanino daw ba siya may gusto eh'
"aahh.. may gusto ka ba kay Max???"
natigilan ako sa tanong niya. di ko alam kung anung isasagot ko. di kase siya katulad ni Ian na pwede kung pagsabihan ng kung anu-ano eh.
"ayus lang kahit hindi mo sagutin.. alam ko naman kung ano isasagot mo."
"ha?!"
"halata naman sa mga kilos mo eh, may gusto ka dun.. iba kasi yung ngiti mo sa kanya.. iba yung tingin mo pag nakikita mo siya.. mas masaya kang kasama siya"
"ganun ba?!"
"pero seryoso, may gusto ka ba sa kanya?"
umiling ako at ngumiti sa kanya..
"sana nga wala.. kasi ayokong umasa.. sa wala.."
"ha?!"
naguguluhan na ako. sinusumpong na ng mga kaweirdohan yung mga tao ngayon.


"di noh.. seryoso 'to.. i love you Chin"
"if i fail to be your Jacob, can i be your Edward?"

ang weird grabe. nagsimula kay Max at kay Ian tapos ngayon si Ivann naman. hinila naman ako kaagad ni Ivann.
"ui, san ba tayo pupunta?"
hindi na siya nagsalita. ngumiti na lang siya sa akin.
"bakit tayo nasa park??"
"wala lang.. payapa dito eh.. pag sa SM, nakakastress ang mga tao.. dito, unti lang ang mga tao kaya naman hindi nakakastress"
umupo naman kami sa may bench na halos tanaw mo na ang lahat. nakikita mo yung parang lake na ewan. yung mga puno at kung anu-anu pa man kitang-kita mo din.

"thanks Ivann"
"buti naman at napapasaya kita"
ngumiti nalang ako kasi sobrang saya ko sa mga nakikita ko ngayon. bigla na lang may lumapit sa amin na bata na nagbebenta ng mga kwintas, sing-sing at kung anu-anu mang accesories.

"ui, kuya,bili ka na ng singsing dito oh. mura lang. bigyan mo yung girlfriend mo dyan!"

"pero bata, di nia a-" napatigil ako sinabi ni Ivann na..
"bata, magkano yan?"
"bente lang isa kuya.. ilan bibilin niyo??"
"dalawa na, bata"
"ui, sigurado ka dyan?"
binigay naman na nung bata ung dalawang sing-sing tapos binayaran ng 40 pesos.tapus umalis na yung bata
"sira ka din noh! nagsayang ka ng 40 pesos."
"hindi ito masasayang kung ibibigay ko 'to sayo"
"ha?!"
nagulat na lang ako ng hinawakan niya yung kamay ko at sinuot sakin yung ring.
"salamat na lang.." pangite-ngite lang naman siya..
"pero sayang talaga yung pera mo"
"ayus lang.. gusto ko sana sabihin sayo na.."
hinawakan niya yung kamay ko tapus tinapat niya sa dibdib niya.
"pakinggan mo bawat pag pintig ng puso ko, sana maiintindihan mo kung ano yung sinasabi niyan.."
naalala ko
dun si Max.

"pakinggan mo yung bawat pagpintig ng puso ko.. sana maintindihan mo kung ano ang sinasabi niyan"

"hindi mo ba napapansin?"
napayuko na lang ako tapos lumapit siya sa sakin at binulong sakin..
"i love you Chin, sana naman ako na lang."
di ko alam kung anung sasabihin ko..
"di ko alam kung ano sasabihin ko.. pero.. "
hinwakan niya yung mukha ko at ng-kiss siya sa cheeks ko. di ko alam.. siguro dahil unang beses ko 'tong nagawa. ay hindi pala! Max was the first nung mga bata pa kami..

"ui, Max, san mo ba ako dadalhin??"
"basta.. sumama ka na lang.."
tapos dinala niya ako may park na maraming butterflies tapos eh takot pa ko sa butterflies nun nung bata ako. ewan ko nga kung bakit eh.
"ayoko na dito, Max, an daming butterflies"
tapos yinakap niya ako.
"wag ka ngang mag-alala.. andito naman ako eh"
tapos hinalikan niya yung cheeks ko at syempre, dahil first ko yun, nagalit ako sa kanya kaya naman naghabulan kami dun sa park.HAHA

di ko alam kung anung ire-react ko kay Ivann . iba naman kasi siya eh. hindi siya si Max.
"ui, sorry ha..."
"hindi ,.. ayus lang"
kinuha ko naman sa kamay niya yung ring tapos linagay dun sa ring finger niya.
"sinusuot mo din ba sa akin?"
"yep!"
napangiti naman siya sa akin.
"ui, sige, bibili ako ng food para satin.. iwan muna kita dyan.. babalikan kita"
"sige.."
tapus nun, umalis na siya. at ako naman, magisang inenjoy ang paligid ko ng may matandang babaeng sumulpot at parang balak pa ata akong patayin sa gulat.

"alam mo ineng, sagutin mo na yun.. mukha namang mabait eh"
"po??"
"wag mo ng aksayahin ang oras mo, minsan ka lang makakakita ng lalaking katulad nun"
gusto ko sanang sabihin na hindi kasi si Ivann yung hinahanap ko. pero syempre, tumahimik na lang ako. tapos nun, umalis na si lola. after mga 15 minutes, dumating na si Ivann. may dala siyang jollibee na pagkaen. HAHA. kaya ayun kumain naman kami dun sa may damuhan. parang picnic. HAHA. at yun, nagtatawanan lang.
napagusapan pa nga namin yung intrams eh, pero puro bukang bibig ko lang naman si Max.
pagkatapos namin kumain, naglakad-lakad kami sa park mga 4 straight hours na rin kaming naglalakad noh. pero himala, hindi talaga ako napagod. kumain kami ng ice cream tapos kumain ng siomai. tapos, nagkwekwentuhan. masaya nga talaga ako ngayung araw.
malapit ng mag5pm nun, nakaupo lang kami sa bench.
"ui, lika na.. di ba sabi ni Max dapat before 5pm andun ka na"
"eeehh! ayoko pa umuwi.. gusto ko muna dito"
"wag ka ngang makulet..lika na nga.."
"mamaya na.. di naman yun magagalit eh"

at syempre, inenjoy namin yung view dito. kitang-kita talaga namin yung sun set. ang ganda talaga. sobra.

tapos biglang may nag text..

From: Max S.
ASAN KA NA?!
DI BA SABI KO B4 5pm ANDITO KA NA!

ang pikon naman nito. hmf!

To: Max S.
nasa park kami. mamaya na.ang ganda d2 eh.

tapos nun, bigla na lang umambon kaya naman napagdesisyunan namin ni Ivann na pumunta ng school.hinatid naman ako ni Ivann sa kwarto namin.
"sige.. bye na.. thanks sa time ah"
"thanks din"
tapus bigla niyang tinanggal yung ring sa kamay niya at inabot sakin..
"ibigay mo lang yan sa taong mahal mo.."
"ha?!"
"kaya nga binigay ko sayo yung isang ring eh, kasi mahal kita tapos yung isa naman, bigay mo sa mahal mo"
tapus nun, umalis na lang siya at biglang bumuhos ng malakas yung ulan. pagpasok ko naman ng kwarto, wala si Max. dun, kinabahan naman talaga ako.

lumabas ulit ako, tapos nakita ko na si Max nakaupo dun sa may bleachers sa fields, nagpapaulan. parang tanga. argh! kinuha ko naman yung jacket ko at pumunta sa may fields. sobra talagang lakas ng ulan.
"hoy! anung ginagawa mo dyan??!!!"
"andito ka pala.. bakit di mo sinabi?! akala ko nasa park ka.. pinuntahan pa naman kita dun"
"hay nako.. lika na nga"
hinawakan ko yung kamay niya.
"tapus hindi kita mahanap dun, akala ko nawala ka na.. muntik na kong magpakamatay"
"ang OA mu ah!"
hinila ko naman siya para pumunta dun sa may ilalim ng bubong para naman di na kami maulanan. walang payong eh.
" pero pramis, nung akala ko nawala ka, balak ku ng mamatay sa ginaw"
"baliw ka talaga noh!"
tapus yinakap naman niya ako. yung yakap na sobrang higpit na parang wala ng bukas.
"alam mo para kang tanga??!!"
humiwalay naman siya sa akin at tumingin pa na parang nagtataka..
"lika na nga"
hinila ko naman siya papunta ng kwarto namin at pinaupo ko siya sa may kama niya. tinanggal ko na din yung jacket ko kasi sobrang basa na at siya ayun, nanginginig sa lamig.
naghanap naman ako ng t-shirt na pwede niyang pamalit. binigay ko sa kanya yung t-shirt,
"magpalit ka na.. baka mamaya magkasakit ka pa dyan eh.. maligo ka na din"
"bakit? concern ka?"
"tama na nga yang pangaasar mo..gawin mo na lang yung pinapagawa ko."

habang naman siya naliligo, nagpalit na din naman ako ng damit tapos humiga na sa kama ko.
"ano ginawa niyo ni Ivann??"
"kumaen. nagkwentuhan. mga ganun lang"
nakatingin naman siya dun sa ring sa kamay ko.
"kay Ivann galing yung ring?"
"yep.. and may binigay pa siyang iba.. sabi niya ibigay ko daw sa taong mahal ko"
"bakit?! mahal ka ni Ivann?! kaya ka niya binigyan niyan?!"
"sabi niya eh.."
"yiiiiee!!! wahahaha... kayo na?"
"hindi ah! di naman siya mahal ko eh.."
"sinu ba?"
"basta.. secret"















nagulat na lang ako sa sinabi niya..














"nakakaawa naman si badong"



No comments:

Post a Comment