Friday, December 18, 2009

` Chapter 35

umalis agad si Max. ano ba kasing bagong pakulo ng lalaking 'to?! nakakaines na ah!
"tumigil nga kayo!" pikon ako eh!
"grabe ah.. i love you baby daw"
"sobrang cheesy!!!"
inirapan ko na lang si Ivann at JC. ano ba naman yan?! bagong issue na naman. tapos yung mga kaklase ko pinagchichikahan pa ata ako. di naman ako chismosa eh, sadyang naririnig ko lang talaga ang pinaguusapan nila.
"grabe noh.. sabi ko na nga ba.. sila na eh.."
"bagay sila noh.. nakakakileg.."
"panu na yan?! crush pa ba natin si Max?!!"
crush nila si Max. ohhh.. ewwness.! HAHA. parang ako eh, mahal na mahal ko nga yun eh. :">
"pero bagay talaga sila pero syempre crush ko pa rin si Max.."
ang landi nila ah! pero syempre kinikileg ako sa mga sinasabi nila. bagay daw kami?! hmmm.. may point sila. HAHA. compatible ang complexion namin at height namin. HAHA. wii. kileg naman.
naging normal ang mga araw na nagdaan pero syempre pinapakita pa rin ni Max ang "sweetness" niya sa akin as "boyfriend" niya. example, ihahatid niya ako sa classroom namin, tapos magkasama kami kumain tuwing lunch, tapos pagsasabi ng "good night.. i love you" at pagtetext sa akin ng kung ano-ano. basta kung paano gumalaw ang isang boyfriend sa isang girlfriend, yun ang ginagawa niya sa akin. grabe din noh?! pero syempre kinikileg ako. HAHA. pero napansin ko lang, nung naengage kami, paggising ko palagi ng umaga, may note na nakalagay sa kama ko. example:

always smile :)
-Max-
et
Wag malikot sa klase. ingat palagi
-Max-

syempre ang pinakafavorite ko sa mga note niya ang..

I love you Chin :)
-Max-

wish ko lang totoo lahat yun at hindi lang pretend chorbaness. kasi ang sweet. tapos nakakakileg talaga. di ko akalain na may lalakeng ganyan kasweet. ang swerte naman ng magiging "totoong girlfriend" niya. padating na din ang November 29 kung kelan. magagawa na namin ang "plano". excited na ako.


~November 29
eto na. birthday na ni Max. paggising ko, wala na si Max. asan naman kaya yun?! napansin ko na naman yung note sa kama ko.

bonding lang kami ni Dad ah. love you :)
-Max-

ohh. kaya naman wala siya. bonding time nila ng dad niya. nakita niyo yun?! love you daw?! wahaha. kinikileg ako. parang gusto ko na mahimatay. sana totoo na lang talaga 'to. haaaay.. oo nga pala, ishe-share ko na sa inyo yung plano ni Ivann at JC sa amin. well.. sabi nila.. sinabi daw sa kanila ni Max na gusto daw niya ako. HAHA. so ang balak daw nila, aamin si Max sa akin and sasagutin ko daw siya. may script pa nga eh! syempre, ako pinagaralan ko yung script. kung 23 "daw" ang monthsary namin, ang magiging "totoo" na monthsary namin ay 29 which is ngayon! HAHA. ayoko na pumalpak 'to!! kaya ko 'to! aja! nasabi na nila rin kay Max na dun sa figaro ulit ang celebration parang yung engagement lang eh! ginawa naming for private use yung figaro. napakiusapan yun ni Rei kasi kaibigan nung dad niya yung manager nung branch na yun. oh di ba bongga?! HAHA. at exactly 7pm daw magiging kami. wahahaha. excited na ako. naligo naman na ako at pumunta sa fields. andun kasi sila Ivann at Clarence. infairness, magkasama sila! nagkakadevelopan na nga ba??!! di ko pa nga sila linalakad sa isa't isa eh tapos ngayon close na sila. HAHA. syempre dahil ako ay isang dakilang epal, sumingit ako sa heart-to-heart talk nila. wahahaha
"ui.. kayo ha!! sweet niyo dyan!!"
"mas sweet kayo ni Max ah!! may baby chorba pang nalalaman eh!!"
hmf! corny naman kasi ni Max eh! pero sabi nga nila "true love is never corny".. pero teka.. true love ba 'to?! HINDE. pretend lang naman eh. so corny talaga. HAHA

"bahala nga kayo!"
aside from being dakilang epal, dakilang pikon din ako.!! HAHA
"ready ka na ba mamaya?!!"
"oo naman.. ayoko na pumalpak 'to.."
nagdatingan na rin sila Ian at Rei.
"ui.. tuloy plano mamaya ah!!"
"syempre naman!!"
"pinagpraktisan na yan ni Chin?!!"
"well prepared ah!!!"
syempre, kwentuhan at tawanan. tapos kulitan. ang saya eh! kung anu-anu rin ang ginawa namin. after ilang minutes, dumating sila JC
at Lance. at syempre, tuloy pa rin ang kwentuhan. naggala-gala kami sa buong campus. isipin niyo yun, inikot namin ang buong school. isama mo na yung dorm building. ang laki nun ah. pati buong fields, gym at court pinuntahan namin para lang magkwentuhan at magtawanan. matagal na naming di nagagawa ito. nakakamiss na nga eh. ang pinakahuling "group sama sama" (bagong pauso! HAHA") ay nung first year kami. nung una kaming, naging magkakatropa pero syempre except for Ivann. bago lang siya sa barkada eh. grabe, nakakamiss si Marge. di na nga kami nakakapagchat at nakakapagkwentuhan. dami ko pa naman ikwekwento sa kanya. sayang.. pero siguro next time na lang yun. marami pang oras. HAHA.
nung 5pm na, naghanda na sila Ivann. pumunta na kami sa figaro. dun na kami nagpalit ng damit namin. may CR naman eh. HAHA. syempre ang damit ko, blue dress. HAHA. pangalawang beses ko na 'to na magsuot ng ganito. HAHA. waa. excited na ako!! sila Clarence naman, andun sa loob nagaayos ng kung anu-ano. ako naman, naghihintay sa labas. dapat daw kasi ako ang unang makikita ni Max para bongga. HAHA. galing din magisip nila Clarence noh?!
"Oi.. ready na lahat.. any minute pupunta na siya dito.." sabi ni Lance. waa. kinakabahan na ako pero masaya ako. excited na ako. HAHA. parang any minute from now, magiging kami na. maririnig ko na yun totoong "i love you"!! HAHA.
grabe, ano kaya ang una kung sasabihin? "hi Max!!" ang panget, parang napakafriendly ko naman. "yow Max!" di bagay sa akin! "hello Max.." di ko type. "Oi Max!" yun pwede. bagay. HAHA
after mga 15 minutes, aba, lagpas 6:45 pm na ah. asan na yun?! paano na yung 7pm na saktong magiging kami. medyo naiines na ako. ang tagal niya kasi. tinawag ko muna si JC.
"JC.. alam ba talaga ni Max na sa figaro ang celebration?!"
"oo naman!!! ano ka ba?! syempre!!"
"ang tagal niya kasi eh..."
medyo disappointed talaga ako. haaay..
"wag ka mag-alala.. dadating rin yun.." halatang pinaghihinaan na si Clarence ng loob nung sinabi niya yan. napabuntong hininga na lang ako at pumunta ulit sa labas. buti na lang, di masyado malamok dito kundi uupakan ko talaga si Max pag nagkameron ako dito ng kahit isang mosquito bite!!
i waited for 30 minutes. wala pa rin siya. lagpas 7pm na. asan na ba yun?! pumasok ulit ako sa loob.
"tinext niyo na ba si Max??!!"
"kanina pa nga namin tinetext at tinatawagan eh.. di naman niya sinasagot"
lumabas na lang ulit ako. anu ba naman yan?! siguro napasarap siya sa bonding time nila ng dad niya. ano ba naman yan?! nakakaines na ah. hanggang ilang oras ba niya ako paghihintayin dito. 1 hour na akong naghihintay, i mean kami pala, at ilang beses na din akong pabalik-balik sa loob. anu ba naman yan?! nakakalungkot na talaga ako. bigla na lang may nagtext sa akin. grabe, FROM: MAX S.
napangite talaga ako.. siguro, malapit na siya. HAHA. malapit na rin maging kami!!

From: Max S.
Chin, sorry kung late ako.
pakisabi kay na Ivann .. sorry.. maya siguro punta na ako jan..

anu naman kayang pinagkakaabalahan nito?! tsaka anung nangyare sa pagtawag niya sa akin ng "baby"?!! bakit Chin na lang tawag niya ulit sa akin. ano ba naman yan?!

To: Max S.
cge. dalian mo.

haaay. nakakalungkot na naman. pumasok ulit ako sa figaro
"malelate daw talaga si Max.."

"WATDAHEL?! buti alam niya..nakakaines siya ah!!tama bang paghintayin tayo dito?!!!"
"anu namang oras yun makakarating?! alam niya naman na eto ang pinaka importanteng araw sa kanya.. hindi lang dahil birthday niya.. dahil na rin magiging sila na ni Chin.. loko talaga yun.."
"isa lang ibig sabihin nun.. may isang bagay na mas importante sa akin.."
nakakalungkot malaman pero dapat tanggapin. haaaay. tumahimik ang lahat. naghihintay pa rin kami kay Max. after 1 hour, may dumating na kotse. si MAX!! masaya na ulit ako. sila Ivann nabuhayan na rin ng loob!! syempre, ako ang unang lumabas ng figaro.. pero WATDAHEL?!! ano ba 'tong nakikita ko?!

may kasama siyang babae. maputi, matangkad. ngayon ko lang siya nakita. medyo kamukha niya si Chelsea pero mas maganda tong babae na 'to. and nagtatawanan sila. nagkukulitan. i never saw Max look at a girl like that before. iba na 'to.. parang may something sa kanila. parang silang lovers. waaa.. akala ko ba ako na?!
they look good talaga. nakakaines. feeling ko mas bagay sila. haaay... magugunaw na ata ang mundo ko. grabe. eto pala ang pinagkakaabalahan niya. ang pagsama sa "unknown girl" na 'to. so eto pala yung something na mas importante sa gabing magiging kami na. siguro talaga, wala siyang feelings para sa akin at may feelings siya sa babae na yun. sino ba yun?! nakakaines ah. mas naines ako nung sinabi nung girl kay Max..














"Max naman!! don't make me fall again for you!!" ang landi nung boses. nakakaines. at yung word na "again" ang nakakuha talaga sa atensyon ko. anung again yun?! ibig sabihin, she's someone from Max's past.
papalapit na sila sa akin. nagtatawanan pa rin. ako naman, nakatitig pa rin sa kanila. ano ba 'to?! lumabas na rin sila Ivann..


"Chin.. sorry kung pinaghintay kita.. alam kong pikon ka na dyan.."
buti alam niya!! "What can i do to make you feel better??" anung magagawa niya?? hmmm..

"wala kang magagawa.."

"sige na.. wag ka na magtampo .. anong magagawa ko??"

"wala kang magagawa pero makakatulong ka.."

"o sige.. anung matutulong ko?? gusto mo ba ng kiss??"
anung magagawa ko sa kiss niya?! aba!!

"hindi.. basta lumapit ka.."
lumapit naman siya. guess what i did??
































PAK!
i slap him in his so damn thick face! aba, malakas na sampal yan. halos kumalog ang ulo niyan ah. hindi tamang paghintayin ako noh?! ano siya sinuswerte.. tapos nagdala pa siya ng babae! aba, sumosobra na siya! hmf!

No comments:

Post a Comment