Saturday, December 19, 2009

` Chapter 40

di ko napansin wala na pala si Maxine at kami lang ni Max ang naandito.
"ang dami kong nakita ah.. dami mo palang love letters sa akin!!"
"oh talaga?! sweet ko noh?!"
tumayo naman ako. napansin ko na may isang painting dun na may nakatakip ng white cloth. grabe, curious ako kaya naman nung bubuksan ko na sana hinawakan ni Max yung kamay ko.
"wait lang.. bawal pa buksan yan!!"
"bakit naman?!!"
"basta!! pagmagpropropose na ako sayo.. dun ko lang ipapakita sayo 'to!! wag kang makulit.!!"
inakbayan naman niya ako at pinilit niya akong lumabas sa kwarto. ni-lock niya yung kwartong yun. yung kwarto na nakalaan para sa akin. yung kwarto na naglalaman ng lahat ng mga tinatago niya sa isipan niya at puso niya. pumunta kami dun sa terrace sa likod kung nasaan yung swimming pool nila.sosyal noh?! umupo lang kami malapit sa may pool. grabe, ang lamig. malapit na ring mag-Christmas. ilang minutes na lang siguro.
"oo nga pala... bakit di ko nabasa yung last letter ko?! kasi bigla siyang nawala sa bag ko?!"
"kinuha ko kasi yun.."
"bakit??"
"nahihiya pa kasi ako nun eh.. paano kung sabihin mo na ayaw mo sa akin.. eh nung bata pa tayo may pagkamaldita ka pa sa akin!"
"sana pala triny mo.."
"bakit?? ano ba ang sasabihin mo sa akin kung nabasa mo yun??"
"that i felt the same way too.."
napangite kami pareho. yung tipong nagkakaintindihan kami sa sinasabi namin sa isa't isa. bongga di ba?!
nagkameron ng katahimikan pero iba na 'to. parang naguusap kami gamit ang mga utak namin. HAHA. basta mahirap iexplain! HAHA.
"mahal mo ba talaga ako??"
"di ba halata?! sobra na nga eh.."
"ganun ba yun?!"
"gusto mo pa ba ng isa pang proof?!!"
"hindi naman pero.."
"sige.. iproprove ko sayo na mahal na mahal kita!!"
tumayo naman siya at inalis yung t-shirt niya. ano 'to?! rarapin niya ako?! wag naman sana!! di ko na kailangan ng proof kung ganun?!!
"oi.. anung ginagawa mo?! masyado pa tayong bata!!!"
"tongaks!! asa namang may gawin ako sayo"
buti naman.. "pero ito.. magdadive ako sa swimming pool.. pag di ako umahon ibig sabihin mahal kita pero pag umahon ako ibig sabihin nun di kita mahal.. okay?!" ha?! WATDAHEL?!
pwede niya yung ikamatay! putek?! ano ba 'tong pumasok sa kokote ng lalakeng 'to?!!
"oi.. pag tumuloy ka.. baka mamatay ka.."
"di mo ba naiintindihan"
tiningnan niya ako ng malalim "I will risk my life to prove that I really Love you so much!" nahihibang na nga 'tong lalaki tong..!! hinawakan ko yung kamay niya..
"tumigil ka nga!!" aba... di pa rin tumigil!
"I LOVE YOU SO MUCH CHESKA NAOMI SANDOVAL!!" shet! bakit siya sumigaw?! nakakahiya ah! ano ba naman yan?! bigla naman siyang nagdive sa pool. shet! magpapakamatay na ba yan?!
"oi.. MAX!!" NO CHOICE. dapat akong tumalon din sa pool. nakita ko naman siya underwater. pinipigil ang hininga. ano bang pumasok sa kokote nito?! hinawakan ko yung kamay niya para makaahon na kami pero yinakap niya ako bigla. WATDAHEL?! may balak ba siyang mamatay kami pareho?! humiwalay naman siya sa akin at lumangoy na kami pataas.
"WATDAHEL?! may balak ka bang magpakamatay?!!" nasa tubig pa lang kami. umalis agad ako sa may pool. aba, sumosobra na siya ah. nakakakaba kaya. sinundan niya pa ako. tapos tawa siya ng tawa.
"sorry na Chin!!" tama bang pagsosorry yan?! natawa siya!! nakakaines ah!!
"oh?! bakit basang basa kayo?!"
"si Max po kase eh!!!"
binigyan ako ng twalya nung maid nila pati si Max binigyan din.
"Max.. anung ginawa mo?!"
"No Worries mom.. I can handle her!"
aba, pa-english english pa ang bruho!! nakakaines. umupo muna ako dun sa may sofa tapos tinabihan ako ni Max. narinig ko naman sila Tita Che sabi...
"kabataan nga naman.. di ko akalain ganyan din pala tayo dati.. nagtatampuhan tapos suyuan tapos sila na ulit.." err.. ganun ba yung nangyayare sa amin ni Max?? 0_o
napabuntong hininga naman si Max..
"nagalala ka noh?!"
"syempre.. di ba kung mahal mo talaga ako.. ibig sabihin wala kang balak umahon dun?!"
"parang ganun na nga?!"
"so mamatay ka?!"
"andun ka naman eh.."
"dahil umahon ka ibig sabihin ba niyan di mo ako mahal??"
"so di pa rin pala naiintindihan.."
"ang ano??"
"na sobra talaga kitang minahal na pati buhay ko handa kong ibigay sayo.. tapos dahil linigtas mo ko kanina ibig sabihin rin nun na mahal mo rin ako na pati buhay mo handa mong ibigay para sa akin.. tsaka kung mamatay man tayo kanina.. masaya ako.. kasi hindi ako mabubuhay sa mundo ng wala ka sa tabi ko..."
tumingin naman ako sa kanya tapos tumawa na lang.
"oo na!! ang corny mo na eh.." ngumite lang naman siya. tapos nun.. 12midnight na pala. woot! it's Christmas!!

"MERRY CHRISTMAS GUYS!!"
todo handa naman ang lahat para sa noche buena namin. grabe, ang daming pagkaen. nakakatakam. syempre, this is my favorite part, ang kainan. HAHA. pagkatapos naming kumain, pumunta na lang ulit ako dun sofa. tumabi pa rin sa akin si Max. ohh.. ang sweet talaga ng lalaking 'to! HAHA.
"sarap kumaen noh?!"
"naman.."
bigla naman niyang hinawakan yung kamay ko tapos yung right hand niya linagay niya sa waist ko tapos hinalikan niya ako sa cheeks ko sabay sabi niya ng:
































"I love you.. Merry Christmas" rescue niyo na ako dito!! lalabas na ata ang puso ko sa sobrang kileg!!


No comments:

Post a Comment