Friday, December 11, 2009

` Chapter 22

"oi.. bakit ganyan mukha mo?! binati ka na nga eh?!"
"bakit wala si Max??"
"bakit mo hinahanap?!"
"curious lang naman eh!"
"nasa baba lang naman yun eh.."
"bakit wala siya dito??"
"tinamad umakyat.."
nakakalungkot naman yun. siguro, di niya nga ako kayang tiisin pero kaya niyang pairaling ang kanyang katamaran. argh! nakakaines ah!
sabay sabay naman kaming bumababa.
"Oi . Max, nagtatampo na sayo si Chin.. di mo daw binati.."
"tss.."
grabe, nakaupo pa siya dun sa may sofa. parang walang pake eh.
"wala ka ba talagang batiin si Chin?"
"kung ayaw niya, eh di wag! hayaan mo siya!!"
"sus.. galit ka na eh!" binulong naman sa akin ni Clarence. grabe ah, di naman ako galit eh!
"di ah!" DEFENSIVE MODE!!
nakita ko naman, may nakaready na pagkain at cake dun sa table. at halos lahat ng andun, paborito ko. HAHA. umupo naman kaming lahat dun. kasama si Max. grabe, walang hiya! di na nga ako binati, makikikaen pa siya sa handaan ko! nakakaines ah!
"Oi, birthday girl! pakuha nga yung spaghetti!" sa totoo lang. malapit lang sa kanya yung spaghetti. grabe, ang tamad. mas malapit pa nga siya dun eh kesa sa akin. kapikon ah!
"ang lapit lapit na sayo eh!! ayaw mo pang kunin?!"
"pakuha na!"
"bakit?! wala ka bang kamay?!""
"kung di mo iaabot sa akin, di ako makakakaen.. kaya mo ba yun?!"
sus. kung siya nga, di ako binati eh!!
"syempre, bakit naman hindi?! eh di wag kang kumaen dyan?!"
grabe, pagkatapos ng 30 minutes. nagtitinginan na kami kay Max kasi di pa rin siya nakaen.
"pre.. sure kang di ka kakain??"
"hinde.. ayaw ni birthday girl iabot sa akin yung spaghetti eh!!"
aba, nagparinig pa eh!!
"eto na nga..!!" kinuha ni Clarence yung plato ni Max tapos linagyan ng spaghetti tapos binigay kay Max.
"o yan, Max, kumaen ka na.."
"ayaw ko pa rin!!"
grabe, ang arte!
"bakit naman?! ayan na nga yung spaghetti mo eh!"
"iba pa rin ang spaghetti na iaabot sa akin ni birthday girl!!"
argh!! nangaasar talaga to eh!!
"hayaan niyo na nga siya dyan! napaka arte eh! mabulok siya dyan!!"
"alam niyo ba guys.. nalulungkot ako.."
ano bang balak neto?!?!
"bakit??"
"ayaw na kasi akong bigyan ni birthday girl ng spaghetti.."
grabe, nagtaka naman silang lahat. kasama ako. ano bang meron sa spaghetti.?!!
"bahala ka na nga!!" tumayo naman ako kaagad at pumunta dun sa may sofa. nakita ko naman sila, nakikipagusap kay Max. rinoll ko na lang yung byutipul eyes ko. nakakaines eh! napaka arte. HAHA.
ano ba kasing meron sa spaghetti??! argh!! kailangang isipin..

FLASHBACK
birthday ni
Max nun.
October 29
6 years old na siya
ayaw niyang kumain ng spaghetti
di niya talaga favorite yun. pero dahil favorite ko yun..
inalok ko siya
"oi max.. kainin mo 'to.. masarap to.. pramis.."
nagulat nga ako.. tinanggap niya yung spaghetti
di nga siya basta basta kumakain nun eh
kasi pag yung mommy niya bibigyan siya ng spaghetti,
di niya tinatanggap..

end
nawili na naman ako sa aking childhood years. siguro, iba na rin yung spaghetti na galing sa akin. ang corny niya ah!! pero syempre, medyo napapangite ako. pumunta na ulet ako dun sa may dining area. kaya naman, biglang tumahik ang lahat. kinuha ko yung isang plato, linagyan ng spaghetti at linapag sa harap ni Max.
"Oi. Max, kainin mo na yan.. masarap naman eh.." napangite naman siya. siguro, di nagets nung iba kung bakit ganun na lang yung naging reaksyon namin sa isat isa. kinain naman niya talaga yung spaghetti. natouch namna ako.. pero..





























bakit ba di niya pa rin ako binabati??
tsaka asan na regalo ko??!!


No comments:

Post a Comment