Thursday, November 26, 2009

` Chapter 2

7 a.m na rin nun and its SUNDAY. ibig sabihin pwede na kameng lumabas ng campus. gala mode na naman ako.HAHA.pasaway na bata eh. syempre, nag unat-unat muna tapos tiningnan ko yung kama ni Max, wala siya. gulat naman ako.asan na ba yung mokong na yun?! pero, who cares?! mabuti na ngang wala yun eh. HAHA
tiningnan ko naman yung cellphone ko, dahil free ako ngayon, tinawagan ko si Clarence.

"ui, hello Chin. ayus ka na ba??" medyo alala rin noh. HAHA
"ayus naman na ako Clarence, pero medyo badtrip rin ako"
"bket naman??"""
"mamaya ko na lang ieexplain sayo, sayang load ko oh. kita tayo dun sa may fields. pkisabihan na rin si JC, Rei at Lance. gala muna tayo sa SM."
"ah. sige ba. ge.. pagsasabihan ko na sila.." ayun. at last, may kasama na ring gumala. naligo naman na ako. di ko na naman siguro kailangan i-describe pa dito kung pano ako naligo noh.HAHA. then yun, nag tokong tapus simpleng t-shirt lang at nag suot ng Chucks tapos yun lumabas na ako at nagulat din na si Max pala ay nasa labas lang na parang nagpapahangin. pero infairness, medyo seryoso yung mukha niya at mukhang mabait. napatingin naman siya ng unti saken.

"san lakad mo? bihis na bihis ka ata.." aba, ano ba pake neto?!
"gagala kame ng mga friends ko sa SM, bket ba?" naghihintay ata 'to na invite ko sya eh. Hell No!! bwahahaha >:))
"ah.ok.. wala lang"
"gusto mo sumama?" anu bang lumabas sa bibig mo?!! bket mo siya iniinvite?!! pero andito na ako. wala na akong magagawa kesa naman bawiin ko, di ba?
"ha?" halatang gulat din siya noh.
"hay nako, pakipot ka pa eh, sumama ka na. ayus na rin yang suot mo, sigurado naman akong bagong ligo ka rin lang eh" parang nag iba ako dun ah. bigla ko na lang siyang hinila papunta ng fields. bket ko kase siya ininvite?!!
"teka, ano naman gagawin niyo sa SM??" nagtatanong siya habang hawak ko yung kamay niya at hinihila siya papuntang fields.
"wala lang. gala lang namin"
"tsaka, paano mo nalaman na bagong ligo ako??!! naninilip ka noh!" grabe. nagulat naman ako sa sinabi niya.
"kapal mo din! amoy at mukha ka naman bagong ligo eh!"
"tsaka, bket.." di pa sya tapos ay nagsalita na ako agad..
" an dame mo naman tanong! "
"baket kanina mo pa hawak kamay ko? kaya ko naman maglakad ng magisa eh!" ok, so pahiya ako dun. baket ko nga ba siya hawak hawak?! speechless ako dun. pero di ako BARADO ah. pero medyo nakakahiya talaga.
at yun, nandun na kame sa fields. hinihintay na lang namin sila Clarence. and at last, after 100 years, dumating na rin sila.

"o? sino naman yan?? boyfriend mo?" grabe, nagulat din ako sa sinabi ni Rei. ngumite naman si Max. mukhang loko lang eh.
"hindi makasagot si Chin o! hahaha" ewan ko ba kung baket speechless din ako?! grabe talaga mangasar si JC. medyo sumimangot na lang ako.
" Hindi ata makasagot si Chin sa tanong niyo" nagulat naman ako nung nagsalita itong si Max. "pero sa totoo lang nyan, magroom mates lang kame. and walang kahit anong feelings ang nararamdaman ko para sa kanya" medyo napa-OO na din ako sa mga pinagsasabi ni Max.HAHA. ng bigla niyang singitan ito ng "pero siguro siya, may gusto siya saken, halata naman eh."
grabe.gulat na gulat ako sa kanya. sila Clarence lang naman ay tuwang tuwa sa narinig nilang karumal-dumal na balita.nagsisi talaga ako kung baket ko sinama pa yan eh.
"ang yabang mo ah.! asaness naman talaga na magkagusto ako sayo!" nakakainis talaga (>.<)

"ayiiieee, si Chin, may lablyp ka na pala ah!" si Ian talaga! hindi man lang tumulong!
" so who's the lucky guy na lablyp ni Chin? " nakatingin siya saken nung tinatanong yan.pinagtaasan ko lang naman ng kilay. tumingin naman din siya kay Max
"tol, ano pangalan mo?" gulat ako, baket siya ang tinanong?!
" I'm Mark Xavier Soriano, For Short Max" maypangite-ngite effect pa 'tong si Max.
"So Max is the lucky guy" ok, sobra na talaga, pti si Clarence sumabat na. pangite-ngite lang naman 'to si Max. aba, halatang pang-aasar lang talaga habol niya.

"ano ba kayo?!tumigil na nga kayo! di naman eh" pikon ko talaga. HAHA. susungitan ko talaga sila.
"kase Chin, baket mo nga naman siya sinama di ba? kung wala lang siya?" speechless ako.
"di ko nga alam kung baket ako sinama niyan eh. bigla na lang ako hinila."
"o? di ba.. ikaw pa talaga ang humila. awww . how sweet naman!!" grabe nangasar pa.

"hay nako, tumahimik na nga kayo. kung anu-anu sinasabe niyo. ang maganda na lang eh, lika na. punta na tayo ng SM!" kailangan na talagang itigil ang usapan na ito. ayoko talaga ng ganito.
kita ko naman na napailing lang sila. magkasama naman kami ni Clarence at kasama ni Max sila Rei. mukha naman nageenjoy sila. syempre, naglakad lakad lang. wala naman kaming pera na pangbili ng kung ano-ano eh.HAHA. mga 2 hours din kameng naglakad lakad noh.kapagod din yun. syempre nagpicture taking din bawat sosyal na store na madaanan namin para masabi lang na pumunta kame dun.HAHA. lakas trip din noh. may picture nga kame dun ni Max eh na nakaakbay saken. aba, feel na feel naman niya ang umakbay. di naman kame close?! HAHA. pero parang naging close na rin nila Lance si Max eh. parang na nga rin siyang kasama sa tropa eh. Dahil super gutomers na kame, kumaen kame sa jollibee. HAHA. syempre, kwentuhan.tawanan.chikahan. pinag-titinginan nga kame ng mga tao dun. mukha na kase kameng mga baliw. HAHA. pagkatapos nun, umuwi na kami, * i mean pumunta na kame sa aming dorm school*.
nakakapagod talaga.napahiga na nga ako dun sa kama ko agad eh. tapos bukas klase na naman. MONDAY na eh. kabangag na naman.
"Oi" panira naman 'to si Max o.
"mamaya ka na! pagod na ko o!" ayoko nga siyang pansinin.pagkatapos niya ko pahiyain sa mga friends ko tapos kakausapin niya ako. kapal niya!! >:((
humarap naman ako sa may ding-ding malapit sa kama ko. pagod na talaga ako. parang anytime eh makakatulog na ako. pero naramdaman ko na lang parang may taong humiga din sa kama ko. napalingon naman ako. ANAK NG PITONG KALABAW naman o! ok, si MAX nga. pero nakakabigla din kase ang lapet lapet talaga ng mukha niya saken. nakakakaba. *dug.dug.dug.dug* sobrang lakas ng tibok ng puso ko.
"galit ka ba?" grabe.ang lapet talaga. napapa-speechless talaga ako. umiling na lang ako. di kase ako makatingin sa mukha niya eh. hinawakan naman niya yung mukha ko para itapat yung mata ko sa mata niya.di talaga ako makatingin sa kanya ng ayus.
"o ano? galit ka ba?" waaa. hindi ko kaya 'to. sana kunin na ko ni Lord!! waaaa. nakakakaba talaga. >.<
"baket ako magagalit sayo? may dahilan ba " LIE. syempre meron.
"LIE. syempre meron" oh may ghad! does he read minds?
"alam ko may nagawa ako.. ano yun?" di ko na alam gagawin ko pero natatandaan ko din kahit dati pag nag-aaway kame nung bata pa kame, siya rin yung nagsosorry pero di naman kasing `brutal` neto noh. parang pinapatay niya ko sa mga titig niya eh.
"nangaasar ka kase knina eh!" ok, an pikon ko talaga. nakakaines kase pag siya na ang nangaasar. hinde ko matake.
" baket ka kase affected?? baket ka kase guilty?? di naman totoo di ba? baket ka nagpapa-apekto??!" natigilan talaga ako dun. ang lakas ng impact saken ng titig niya. grabe. hanggang nagulat na lang kame kase bumukas yung pinto..kinabahan na ako, ang bilis nung mga pangyayari pero dumating sila at alam ko na rin na may padating na naman na bagong issue.










"Oh my ghad!! mukhang nakaistorbo ata kame ni Lance dito"
"syakersz! ganito pala ang ginagawa niyo pag walang tao!" DOOM's DAY >.<





No comments:

Post a Comment