Friday, December 11, 2009

` Chapter 24

di ko akalain na yun pala ang pakay niya. ang batiin ako ng huli para special at memorable. grabe. nakakatouch. HAHA.
"salamat" sa dami-dami ng gusto kong sabihin sa kanya. eto na lang ata ang masasabi ko.
hinawakan niya yung kamay ko tapos hinalikan niya yung cheeks ko. grabe, nakakagulat ah. bumibilis na yung bawat pagtibok ng puso ko. argh!
"ehem.." syaks! si REI!!
"tulugan na po tayo.. sorry sa istorbo.." at si CLARENCE

bigla naman kaming humiwalay ni Max sa isa't isa.
"don't worry walang naistorbo.."
"oh ano, Rei, punta na tayo sa kwarto natin.."
nakangite naman si Rei. halatang nangaasar eh. nakakaines. pumunta naman sila ni Max sa kwarto nila. kami naman ni Clarence, natira dun.
"kayo ha! nakita ko yun!"
"sus.. wala yun.."
2nd kiss na namin yun. HAHA.
"pero grabe naman talaga yung ngite mo ngayon!!" ganun ba talaga kawide yung ngite ko?!!
"hay nako Clarence, punta na nga tayo sa kwarto.."
pumunta naman na kami ng kwarto namin. humiga na kami dun sa kama.
"Clarence.."
"ano yun??"
"di ba may gusto ka kay Max??"
"meron nga.."
"di ka ba nagagalit sa akin??"
"bakit naman ako magagalit sayo??!!"
"eh kasi.."
ano nga naman bang rason?! ayoko naman sabihing dahil may gusto sa akin si Max. di naman kasi ako umaasa at naniniwala dun. "anu nararamdaman mo ngayon??"
"sa totoo lang nasasaktan ako.."
umupo si Clarence sa kama. ako naman, umupo na rin.
"pero.. di ako nagagalit sayo.."
hinawakan ko yung kamay niya. "sorry talaga Clarence.."
"hindi mo naman kailangan magsorry eh.."
napapaluha naman si Clarence. grabe, parang gusto kong sisihin ang sarili ko. nakakaines. argh! yinakap ko naman si Clarence. nararamdaman ko talaga na naiyak siya.
"Clarence.." bakit ba kasi ganito?! argh!
humiwalay naman siya sa akin at pinahid yung luha niya gamit yung kamay niya.
"matulog na nga tayo.. baka bumaha na dito eh" grabe, kahit na malungkot siya. nakakaya niya pa rin magpakita ng smile. fake smile.

humiga naman siya dun sa kama.
"Clarence.. wag ka ng maging malungkot ah.." tumango na lang si Clarence. napabuntong hininga na lang ako. humiga na din ako sa kama. di ko namalayan, nakatulog na pala ako.

~October 26
nagising naman ako medyo late na. wala na si Clarence sa tabi ko. kaya naman bumangod ako kaagad at pumunta sa baba. nakita ko naman silang nag-aalmusal sa dining area, kaya naman nakisabay na lang ako.
"late ng gising mo ah!"
"siguro di na nakatulog sa sobrang kileg nung kiniss siya ni Max.."
"tsk.."
"tumigil nga kayo"
as usual, asaran. kelan pa ba nagbago?! normal na yan sa amin. HAHA.
"pasyal ulit tayo, guys.."
"oo nga.. san tayo pupunta??"
"punta tayong Nature's Park.."
"saan yun?"
"basta, nasa isang place lang yun kasama ang picnic groove..alam ko naman yung way.. si Ivann yung magdra-drive tapos turo ko sa kanya yung directions."
"sige ba.. lika na.."
syempre, naligo muna kami. tapos nagsuot naman ako ng shorts at simpleng t-shirt na naman. nagslippers na lang ako ngayon. HAHA. sumakay na kami sa van. si JC umupo dun sa may harapan para ituro kay Ivann yung directions.
mga 30 minutes lang rin kami byumahe. wala namang traffic eh. grabe, Nature na Nature nga. HAHA. umupo na lang muna ako dun sa may bench dun. habang sila Ivann naman, naglalakad-lakad kung saan saan. tumabi naman sa akin si Max.
"bakit ayaw mo dun sumama??"
"hindi naman sa ayaw.. tamad lang talaga ako.."
ang tamad na tao. HAHA.
kesa naman tumahimik, nagkwentuhan na lang kami tungkol sa kung anu-anong bagay. nagtatawanan kami tapos masaya talaga kami.sana palagi na lang ganito.
sa gitna ng aming kasiyahan, bigla na lang may babaeng nasa likod ni Max. maganda yung babae, maputi eh. tapos makinis. matangkad. maganda yung buhok pero syempre, mas maganda pa rin ako sa kanya. HAHA. tinapik nung girl si Max. napalingon naman si Max at grabe, gulat na gulat siya.
"hello Xavier!!" kilala niya si Max?!
"Chelsea?!!" magkakilala sila. and WHO DA HEL is CHELSEA?!!
"so Max... may bago ka na palang girlfriend ngayon!!"
"ahmm.. excuse lang po.. di ko-"
"aah.. oo.. girlfriend ko .. si Chin.. "
nagulat naman talaga ako sa sinabi ni Max. ano bang plano neto
?! bigla namang nagdatingan sila Ian.
"tapos sino naman sila??"
"sila.. Ian, JC, Ivann, Lance at Clarence yan.. mga kaibigan ko.."
"aahh.. ganun.. nice to meet you!!"
"miss.. sino ba kayo??"
"I'm Chelsea Ellise Skyler.. galing akong Canada.. and I'm Max's ex girlfriend.."
WATDAHEL?!! ex-girlfriend??!!! akala ko ba wala pa?!! argh!
"ex kita ??" so di alam ni Max. DAHEL?!!
"mali pala yung term ko.. I'm
Max's ex MU"
MU lang?! so hindi girlfriend!!
"MU??!!"
"yep.. kaso nga lang di naging kami kasi bumalik siya sa Pilipinas.. akala ko pa naman magiging kami na dito.. may girlfriend na pala siya.."
so ako pa ang sinisisi niya.
"lika na nga guys.."
"hindi niyo ba ako isasama??"
ISASAMA??!! DAHEL?!!! isasama ko siya sa impyerno?!!
"ha??!"
"why?! what's the matter??! friend niyo naman na ako ah.."
waaa.. sila na bahala kung isasama ba siya. decision na nila yun.
"ah.. eh.." ano decision mo Rei?? argh!!
"ano.. kase.."
"isama niyo na kasi ako.."
argh! ang kapal ng mukha niya!!! sino ba siya?!! WATDAHEL?!! DAHEL?!! PUTEK?!
oh ano. NO CHOICE.
"isama niyo na nga yan! napaka FC eh!" lumalabas na pag ka war freak ni Clarence. minsan lang yan magkameron ng kaaway and i think, parehas lang kami ng nagiinit ang dugo sa FC na babaeng yun. FC means feeling close. totoo naman eh, feeling close siya.
pumunta na kami dun sa van. kasama si Chelsea. syempre, tinabihan ko si Max. kakasabi niya lang na boyfriend ko siya. kailangan na lang makasabay. grabe, ang tahimik ni Max. ang lalim ng iniisip niya. samantalang si Chelsea, salita ng salita. akala mo naman may nakikinig sa kanya. ang tanging kwinekwento niya, years with Max at times without Max. DAHEL we care about her stories?!! argh! nung nasa tapat na kami ng bahay, pumasok talaga kami kaagad.
"ang ganda dito ah!" napaka mangmang!! WATDAHEL?!
umupo kami dun sa may sala.
"so anung gagawin natin dito,guys??" guys?!! napaka feeling close talaga oh!!
"ano ba gusto mong gawin??"
"truth or dare tayo.."
CORNY?! WATDAHEL?! bigla naman siyang kumuha ng bottle. ewan ko kung saan niya nakuha yan! bahala na siya!
inispin naman niya yung bottle and WATDAHEL?! kanino siya tumapat??!! the one and only.. kay CHESKA NAOMI SANDOVAL lang naman. the ever most byutipul person in the world.
"hmm.. truth or dare??"
"dare.."
ano kaya papagawa ng babaeng 'to?!!
"hmm... gusto kong iprove mo sakin na girlfriend ka talaga ni Xavier .." napatigil siya. argh!! ayaw pang ituloy eh. pasuspense?!














































".. by giving him a kiss.." WATDAHEL?!

No comments:

Post a Comment