Saturday, December 19, 2009

` Chapter 41

grabe, nagblush talaga ako dun sa sinabi niya. waaa. grabe, parang pwede na akong magcollapse any time. grabe. na tong nararamdaman ko para sa kanya!!
"oh?! kayo?! matulog na kayo!"
"sige po Tita.."
syempre derecho na kami sa rooms namin. kasama ko sa kwarto si Ate Maxine.
"sabi ko naman sayo di ba.. mahal na mahal ka talaga ni Max.."
"oo nga eh.. promise ko talaga sayo.. hinding hindi ko sasayangin yun.."
ngumite na lang siya sa akin. at syempre nagchikahan. HAHA. natupad nga ang plano nila mama, dito na rin kami nagnew year. napakanormal lang na new year ito. at syempre, nabuksan ko na din mga regalo ko. ang cute nung dalawang bear na magkayakap na gift sa akin ni Max. tapos yung pangalan nung isang bear "Chin" at yung isa naman "Max". ang sweet talaga :">
mabilis lumipas ang mga araw, nung january 4, todo handa na kami sa pagbabalik eskwela! yun excited na ako! miss ko na kaya ang tropa!! HAHA. next month, february na!! alam niyo naman kung anung mangyayare di ba.?!!

~January 4
as usual, sa fields ang meeting place ng tropa. and guess what?! andun si Charmaine!!
"waaaaa... namiss kita Chin!!!" sabay yakap sa akin ng mahigpit!!! close ba kami?!
"grabe.. tagal na nating di nagkita ah!!!!"
at syempre, todo chikahan. pero eto ang kinagulat naming lahat!! ang nangyare kay na Ivann at Clarence!! ohh.. grabe nakakagulat kasi...
"sa totoo kasi niyan guys..."
"kami na ni clarence.."
omg!
"kelan pa?!"
"nung saktong 25!!"
"grabe.. sweet niyo naman!!"
kita niyo naman yun.. si Clarence na at si Ivann. grabe ah, di ko pa nga sila nilalakad, sila na. an bilis naman! nung nagring yung bell, syempre inihatid ako ni Max. aww. sweet talaga eh! HAHA. nung papunta na kami sa classroom ko may sinabi sa akin si Max..
"kelan mo pa ba ako sasagutin?? nakakainggit na sila oh?!"
"basta unting hintay na lang.. malapit na"
ngumite na lang siya.
tumakbo ng normal ang araw namin ngayon. at syempre naging normal ang mga ibang araw. grabe, di na ako makapghintay sa february!! parang pagnaririnig ko yung word na february, kinikileg agad ako. waaa. halos araw-araw na rin kaming nakakapagchat ni dong0709. grabe, parehas kaming masaya sa takbo ng love story namin. masaya kami pareho..

cutechq09: excited na ako sa feb!!
dong0709: ako din!!!

grabe, excited din siya sa february. siguro, sasagutin na siya nung nililigawan niya! grabe ah. tumatakbo talaga ng bonggang bongga ang buhay love namin ni dong0709!!! wahahaha.
wala naman talagang nangyareng exciting sa january. pero habang tumatagal, lalo akong nahuhulog para kay Max. grabe, di na talaga ako makapghintay.

~February 1
at last! FEBRUARY NA!! HAHA. grabe, kinikileg na ako bawat araw. bawat araw na nakikita ko si Max. grabe talaga. 22 days na lang kami na!!
maghahanda na ako ng countdown! waaa. sana 23 na bukas!! HAHA. nung araw na yun, wala kaming pasok. may seminar chorva daw kasi yung mga teachers. si Max naman nagstay sa kwarto nila Ian at ako naman nasa kwarto lang. solong solo. syempre ang ginawa ko nagonline sa ym. pagkatapos ng mga 15 minutes, nagonline si dong0709. ang saya ko talaga! siya lang naman kasi ang hinihintay ko eh!
cutechq09: feb na!!
dong0709: oo nga eh!! excited na tlaga ako!!

syempre, kwentuhan ng sobra sobra. bongga talaga nu?! HAHA. pero nagulat na lang ako bigla siyang nagoffline ng hindi nagpapaalam. anung problema nun?! baka naman may something na urgent?! oh kaya naman sasagutin na siya nung liniligawan niya! swerte nga naman talaga nung lalakeng yun oh?!
after ilang minutes, dumating na si Max. mukhang kabado. anung nangyare sa kanya?!
"oh?! bakit ka ganyan?!"
"ha?! ewan ko ba.. may nafefeel ako eh.."
"ano yun??"
"basta.. magulo.."

di kaya naiinip na siya sa akin?? :(( wag naman sana. kundi di ko na makakayanang mabuhay sa mundo. waaa. :(( dapat tatagan mo ang loob mo Chin.. alam mo namang mahal ka ni Max!! so dapat magkameron ng faith kay Max. oo yan ang tama, FAITH. more faith!! kaya ko na 'to!! natulog naman siya kaagad at ako di ko na rin namalayan na nakatulog ako kahit na may something na bumabagabag sa isipan ko. haaay. :((

ilang days na rin yung nagpass. lagi kong kachat si dong0709. si Max naman laging ngapupunta kay na Ian tapos uuwi sa kin ng nerbyos na nerbyos kaya naman di na kami nakakapgusap. mahal pa kaya ako neto?! once tinanong ko siya..
"mahal mo pa ba ako??"
"oo naman.."
"eh kasi.."
"ano ka ba?! ayoko ngang sayangin ang 10 years na pagmamahal sayo! malapit na ako.. unting hakbang na lang kaya naman wag mo ng itanong kung mahal kita o hinde kasi super obvious naman na oo. na sobrang mahal na mahal kita.."
lagi siyang nakangite kaya naman napapangite na lang ako pero deep inside may something talaga na namumuo. may something. di ko alam kung anu yun?! pero basta. haaay :(


pagkalipas ng ilang days. February 20 na nun. 3 days na lng magiging kami na. kung willing pa nga ba talaga si Max. sana naman willing pa siya?! magisa pa rin ako sa kwarto. wala si Max eh. nakikipaglaro ng basketball kay Rei at JC. bigla namang pumasok si Ian ng walang paalam parang may urgent news siya para sa akin!!
"oh?! bakit ka andito?! wala si Max dito.."
"hindi si Max yung hinahanap ko.. kundi ikaw.."
"oh?! bakit?!"
"alam ko may kachat ka na dong0709"
"oh?! paano mo nalaman?! wala akong pinagsasabihan nun?!"
"basta kilala ko na siya.."
"oh talaga.. sino??"
"si MAX!!"
WATDAHEL?!
kaya naman pala ang gaan ng loob ko sa dong0709 na yun!!
"no joke?!!!"
"walang halong biro!!! promise nakita ko.. ginamit niya kasi before yung computer namin at nasulyapan ko ang pagchachat niyo.."
grabe, di ko matake ang lahat ng nalalaman ko ngayon. si Max rin pala yung pinagsasabihan ko ng mga problema ko tungkol sa kanya tapos siya rin yung pinagkwekwentuhan ko ng mga happy memories ko with Max. grabe naman oh?!
"alam na ba niya na ako yun?!?!"
"hindi pa ata eh.."
hinawakan ko yung kamay ni Ian. grabe, ang saya ko talaga . ako pala yung tinutukoy ni Max na crush niya talaga from the start. waaa. kinikileg na talaga ako!!
"salamat talaga Ian!!!"
kiniss ko si Ian sa cheeks. syempre ang saya ko talaga. token ko na lang siguro yun.. di ko lubos maisip na nanunuod pala sa amin si Max. pero and sadyang nakita niya lang ay yung pagkiss ko kay Ian.halata naman na gulat siya pero sana naman wag siyang magisip ng kung anu-ano.
"ay sorry.." palabas na si Max nun pero inunahan siya ni Ian.
"sige tol.. alis na ako.. pumasok ka na.." umalis naman kaagad si Ian. si Max pumasok na lang. humiga siya sa kama niya na parang walang nangyare. parang niya akong dinaanan na parang kalat lang ako sa paligid. parang naging wala na lang ako sa kanya. nagseselos ba siya?! napabuntong hininga na lang ako. tapos humiga sa kama ko.
"sorry Max.. wala lang naman yun eh.."
"tss.. matulog ka na..."
naiiyak na ako. ayoko ng ganito. galit ata sa akin si Max. kung kelan malapit na maging kami bakit nagkaganito pa?! nung nalaman ko na ang lahat?! bakit nagkakaproblema pa?! please.. sana naman magkameron kami ng happy ending.



~February 22
nahahalata ko naman na umiiwas sa akin si Max. oh my ghad! ano ba yan?! di ko kaya 'to!! please wag..pag kinakausap ko siya parang wala siya sa wisyo. tapos ang palagi niyang kinakausap si Chramaine. grabe, nagseselos na ako. nasasaktan na ako. ano na bang nangyayare sa kanya?! nagkakadevelopan na nga ba talaga sila ni Max?! haaay :((
buong araw akong wala sa wisyo. absent-minded. ang hirap pala ng ganito. kaya naman, di na ako nakipagchikahan pa sa barkada. pumunta ako kaagad sa kwarto namin. nagulat naman ako, may malaking bag malapit sa pintuan namin. kanino naman 'to?! wala na akong maintindihan. tiningnan ko yung closet ni Max. wala na yung damit niya. WATDAHEL?!
tiningnan ko yung loob nung bag. ang bilis ng tibok ng puso ko. nakita ko na lang yung mga damit niya naandun sa bag. san siya pupunta?! bigla naman bumukas yung pinto. andun si Max. di ko maiwasang umiyak. ayoko na ring itago kasi kahit dati pa man rin gusto ko na umiyak.
"s-san ka pupunta??"
"naconvince ko na si papa na...





























paghiwalayin tayo ng kwarto"
grabe. nashock talaga ako.mga walang kwentang words pero napakalaki ng meaning sa akin. ibig sabihin lang niyan, di ko na siya room mate. pangalawa, di na kami engage. pangatlo, pupunta na akong America this year at pangatlo,






















di niya na ako mahal.


No comments:

Post a Comment