di ako makatulog nung gabing yun. iniisip ko kung ano yung badong na pinagsasabi ng dimuhong yun. kaya naman nagbasa na lang ulit ako ng new moon at di ko na rin namalayan nakatulog na din pala ako.
itong month of july, an dami kong nalaman at naexperience. isa na dun ang pagtatapat sakin ni Ivann. ewan ko ba kung totoo siya kasi ngayon lang talaga ako naka-experience ng may nagtatapat sakin. sa mga natitirang araw ng july, tinambakan naman kami ng maraming quizzes,seatworks at homeworks. grabe.. nakakadepress!! argh!
wala pa rin namang pinagbago, lagi paring magkasama si Clarence at Max. hindi na rin kami masyado nagsasama ni Ivann dahil nagkakailangan kami pero syempre, magkaibigan parin kami. pero kami ni Ian, mas lalo ko pa siyang naging close kasi siya yung tipo na tao, na kaya akong intindihin. Sila Rei, JC at Lance naman ganun pa din. siguro nahahalata na din nila na may something na nangyayari samin pero siguro hindi na lang nila pinapansin. sa bawat araw rin na nagdadaan sa month na 'to, lalo akong nahuhulog para kay Max. lalo rin akong nasasaktan.
~August
August na. ang bilis din ng mga araw. ang bilis ng mga pangyayari. parang kelan lang ay, narealize ko na mahal ko na si Max tapos ngayon, parang ang daming nagbago. parang na ngang nalalayo na rin ako kay Clarence dahil palagi naman talaga ako nalayo. di ko kase kaya na makita sila na magkasama. siguro, dapat na ako sumuko....
isa ang August sa mga month na inaabangan ng mga estudyante lalo na ang mga seniors kasi ito yung month kung kelan may camping.HAHA. saya nu. lalo naman para sa amin, bago pa makapunta dun sa resort, na pagcacampingan namin, kailangan muna namin mag mountain hiking. bongga di ba?
dahil super boring na ng mga ibang araw, ifast forward natin dun sa gabi bago yung camping namin. nag-aayus na kami ng mga damit ni Max.
"Oi. sino katabi mo sa bus bukas?"
"wala pa... ikaw?"
"wala pa rin.."
napatigil din kami ng unti. grabe, moment of silence.. pero bigla siyang nagsalita.
"pwede ba kitang maging katabi bukas??"
lihim naman akong napangiti pero syempre ayokong ipahala. kailangang magpakipot.HAHA
"ha?! bakit ako??"
"bakit? masama ba? gusto ko ikaw eh.."
"sige na.. basta ba may pagkain eh"
tumawa lang naman siya dun. natulog na din kami agad ni Max, pero ako nagmuni-muni muna bago matulog. di ko maisip na siya pa talaga ang nagyaya. ayoko mang aminin to sa sarili ko. pero syempre kilegs naman ako.HAHA. 5:30 a.m pa lang, nagsimula na kaming lumarga. grabe 2 hours ding kaming nakaupo at syempre, antok na antok. pero ayokong matulog, ewan ko kung bakit. pero sadyang nagpapapikit-pikit na ang mga mata ko.
"alam mo, kung gusto mo matulog.. matulog ka sa balikat ko!"
"di naman ako inaantok eh" pero sa totoo lang, inaantok na talaga ako
inakbayan naman ako ni Max at sinandal ang ulo ko sa balikat niya. ewan ko kung anung nararamdaman ko. parang bumibilis na ang pagtibok ng puso ko. di ko rin namalayan, nakatulog na pala talaga ako. ewan ko kung ilang oras din ako natulog. basta ginising na lang ako ni Max nung tumigil na yung bus.
"grabe! ang tagal ng byahe natin noh!"
"oo nga eh! kaya kaya natin tong akyatin?" buti na lang at natulog ako kaya naman ang dami kong energy para akyatin tong bundok na 'to.
pero grabe, kadiri. an daming putek. converse pa naman suot ko kaya naman super putek neto.saklap eh.
"o? ano Chin, buhay ka pa??!!"
"grabe, naman to nakakapagod! malayo pa ba yung resort?!"
"ang alam ko malayo pa talaga" WATDAHEL?! pagod na pagod na ako. hanga ako kay Clarence kasi siya yung nangunguna samin. parang ngang di siya napapagod eh. dahil sobrang pagod na ako, sobrang sakit na ng mga tuhod ko parang anytime eh, magcocollapse na ako dito, parang bigla na lang bumigay ang tuhod ko. syaks! di ko na to kerriii!! inalalayan naman ako ni Max kaagad. grabe, eto na naman yung feeling. yung parang palpitation. nasosobrahan na ata sa dugo ang katawan ko.
"mag-ingat ka nga"
"oo na.." syempre pakipot pa din
after, 1 hour of walking sa sobrang putek na daan na yun, at last nakarating na rin kami. syempre, pilian 'to ng groupmates. grabe, ang liit nung kwarto pero dapat daw pagkasyahin ang 8 na tao. grabe ah! buti na lang sapat lang sa barkada namin.
"ang liit nung kwarto!!"
"oo nga eh.. pano tayo matutulog dito??"
"basta kayong mga lalake, dun na kayo sa double deck , kami na lang ni Clarence sa matress"
"oo nga.. dun na lang kayo"
mga 7 pm na rin nun, kaya naman kumuha na rin kami ng pagkaen dun sa food committee. grabe, ang ulam lang namin, sardinas. tipid.. grabe!
mga 8 pm na din nun, bumalik na kami sa kwarto
"o?! anong gagawin natin dito?!"
"malamang dapat ng magpahinga!"
"ang corny mo naman Lance..! di ba dapat enjoyin na natin 'to"
"oo nga.. minsan na lang 'to no."
"pero alam niyo ba....[bla bla bla]
syempre, nagchikahan naman yung apat.ayoko na rin makinig sa usapan nila.HAHA. eto namang si Max, andun sa balcony inenjoy pa ata yung view dun. pero ang ganda talaga. umupo na lang ako dun sa kabilang kama tapos tinabihan naman ako bigla ni Ian.
"bakit ka nagpapakasenti dyan?"
"di naman eh"
"ikaw talaga, masyado mong prinoproblema si Max" sinilip ko naman si Max dun sa balcony at napangiti na lang.
"grabe talaga ngiti ng babaeng 'to. in love ka talaga noh."
"sobra.." ewan ko kung yan yung sinabi ko pero yan talaga yung nararamdaman ko eh. may nakita naman akong `sign of disappointment` sa mukha ni Ian nung sinabi ko yun.
"bakit? anung problema?"
umiling na lang siya tapos biglang ngumite.
"paano kung ako si Robert Pattinson, anong gagawin mo??" nakakatawa naman 'tong tanong na 'to!
"malamang, magugustuhan na kita!!" syempre, Robert Pattinson eh!!
"sana na lang pala ako na lang siya.."
natahimik naman ako sa sinabi niya pero syempre nagtataka na rin.. hinawakan ko yung kamay niya tapos tiningnan ko siya ng seryoso.
"diretsuhin mo nga ako! may double meaning ba yang mga sinasabi mo?!"
"ha? anung ibig mung sabihin?!"
napaisip na rin ako kung may gusto ba sakin si Ian, kasi malakas talaga yung feeling ko na oo.
"may gusto ka ba sakin?! diretsuhin mo nga ako" makapal nga ang mukha ko dito pero siguro eto nga yung dapat kung gawin.
"ano bang magagawa mo kung oo?? maibabalik mo ba sa akin?? magugustuhan mo din ba ako??"
di na ako makapagsalita. parang kasing ang pangit sabihin na wala talaga akong maibabalik sa kanya.
"pero matagal ko naman na yung tanggap.. alam kong si Max. eh di siya na.. ayoko namang pilitin ka eh. kung hanggang friends lang talaga tayo, tatanggapin ko yun.. pero eto lang ang maipapangako ko sayo, pag isang araw, iniwan ka na ng lahat, wag kang mag-aalala, kahit na lahat ng tao humiwalay na sayo, hinding hindi ako hihiwalay sayo"
speechless na naman. di ko alam kung anung sasabihin ko.
"di ko na alam kung anu sasabihin ko.."
"pero.. sana.. ipangako mo sakin.. na magiging magkaibigan tayo habang buhay"
napangiti naman talaga ako sa sinabi niya. grabe, ang martyr pero alam ko sincere siya. siguro di niya na pinaglalaban yung love niya para sakin. ang pinaglalaban niya na lang yung friendship namin
"pero kung lokohin ka ng Max na yan, naku po. sabihin mo lang sa akin, ako mismo ang babatok sa kanya"
ibang klase talaga tong lalaki to. iba rin eh! kaya naman napangiti talaga ako ng sobra..
"salamat.. sorry kung eto lang ang masasabi ko"
"ang drama talaga neto eh!"
pinat niya yung ulo ko..
"matulog ka na.. maaga pa tayo bukas"
nahiga na naman lahat kami except kay Max. mabubulok na ata yun sa balcony eh. 1 am na nun, di pa rin ako makatulog. si Max, aba andun pa rin. kaya naman bumangon ako at pumunta sa may balcony.
"Oi.. kelan mo balak matulog?!"
"wala ata akong balak matulog"
tinabihan ko naman siya. kitang-kita mo talaga sa mata niya yung saya..
"ngayon ka lang ba nakapunta dito??"
"oo.. grabe.. di ko akalain sobrang ganda talaga"
"ganun ba.."
"bakit ka nga ba gising pa jan??"
"ayoko pang matulog eh.. bakit ba??!"
"gusto mo akong samahan noh.. ikaw talaga.. may Ivann ka na nga.. may MAX ka pa.."
"ang yabang mo.. kapal ng mukha eh"
nagulat naman ako, inakbayan niya ako tapos bigla siyang tumingin sa akin at binalin ang tingin dun sa may mga ilaw..
"ano na naman ang problema mo?! nakaakbay ka na naman sakin?!"
"alam mo ba ang pangarap ko sa buhay??!" aba, biglang iniba yung topic..
"o? ano?" gusto ko na matapos to.waa.. parang anytime kasi lalabas na yung puso ko.
"gusto ko kasi..
maka-akbay yung taong gusto ko habang tinitingnan namin yung mga magagandang ilaw na 'to"
sa mga oras na yun, lalo na talagang bumibilis yung bawat pagtibok ng puso ko.
bumulong siya..ewan ko kung totoo ba tong naririnig ko o hallucination lamang. di ko masyado kasing narinig pero batay sa pagkakaintidi ko.. ito yung sinabi niya..
"masaya rin ako dahil nangyari na ito"...
` a lil' bit untitled`
ChaptersPrologue Chapter 1 ^ Chapter 2 ^ Chapter 3 ^ Chapter 4 ^ Chapter 5 Chapter 6 ^ Chapter 7 ^ Chapter 8 ^ Chapter 9 ^ Chapter 10 Chapter 11 ^ Chapter 12 ^ Chapter 13 ^ Chapter 14 ^ Chapter 15 Chapter 16 ^ Chapter 17 ^ Chapter 18 ^ Chapter 19 ^ Chapter 20 Chapter 21 ^ Chapter 22 ^ Chapter 23 ^ Chapter 24 ^ Chapter 25 Chapter 26 ^ Chapter 27 ^ Chapter 28 ^ Chapter 29 ^Chapter 30 Chapter 31 ^ Chapter 32 ^ Chapter 33 ^ Chapter 34 ^ Chapter 35^Chapter 36 ^ Chapter 37 ^ Chapter 38 ^ Chapter 39 ^ Chapter 40 ^ Chapter 41 ^ Chapter 42 ^ Chapter 43
BONUS FEATUREChapter 44 ^ Chapter 45 EPILOGUE ♥
Wednesday, December 2, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
ang gnda tlga ng chapter ilibin!!! wahahahaha
ReplyDelete