Sunday, December 13, 2009

` Chapter 31

si Max.. andito?!! anung ginagawa niya dito?!
"Max.. ikaw ba yan?!!" grabe.. nakatitig siya sa akin. anu na naman bang meron sa akin?!! umupo naman na ako sa tabi ni Mama.. kasama ni Max si Tito Bryan.. yung dad niya na school director namin...
"teka bakit ka andito?!"
"di ba dapat ako magtanong niyan?!"
grabe.. anu bang meron?!!
"tumigil nga muna kayo.. have some coffee.."
"ma.. anu bang gagawin natin dito??"
"basta Chin.. may sasabihin kami sa inyo.."
"ano ba kasi yun, dad??"
"mamaya ko na sasabihin sa inyo.."
uminom naman kami ng coffee. habang yung dalawang matanda nagkwekwentuhan tungkol sa kung anu-ano. grabe, nakakaines eh. nao-OP na tuloy kami ni Max dito. di kami nagpapansinan ni Max. ewan ko kung bakit.. pero halatang naiilang siya. anu bang nangyayare sa lalakeng 'to?! anu bang mali sa akin?! nakakaines ah!
"uhmm.. Ma.. Tito Bryan.. Max.. excuse me lang ha.. may pupuntahan lang ako.."
"sige lang hija.."
wala naman talaga akong pupuntahan eh.. gusto ko lang talaga makawala mula dun. grabe eh.. parang kasi yung dalawa lang yung nagkakaintindihan.. pumunta muna ako dun sa 2nd floor nung coffee shop. grabe, ang hangin, infairness. kahit tanghaling tapat.. mahangin pa rin. HAHA. at last, peace and quiet. haaaayy
"ayaw mo dun noh?!" sumulpot na naman oh?!
"ikaw rin naman ah.. ayaw mo din noh?!"
"oo naman.. kung anu-anu pinaguusapan nila dun eh.."
"sa tingin mo.. anung sasabihin nila??"
"ewan ko dun.. malalaman na rin naman natin eh.."
"bakit mukha kang naiilang kanina?? ayaw mo mamansin??"
"wala lang.."
"lagi naman.. anu na kase yun??"
tumingin na naman siya sa akin. argh! nakakatunaw!
"parang iba ka kasi ngayun eh.."
"ako?? nagiba??"
"i mean.. hindi sa actions.. sa itsura mo??"
"bakit?! nagmukha na ba akong tao ngayon?! nakakainsulto ka ah!"
"hinde.. i mean.. kasi ano.."
nauutal pa eh!
"sige.. anu kasi yun?!!"
"ang hirap iexplain!"
siguro.. nagandahan 'to sa akin..hmmm
"siguro.. nagandahan ka sa akin noh?! kaya super tulala ka sa akin noh?! aminin!!"
"di ah!!"
defensive siya. HAHA. pero nakita ko naman na namumula siya. HAHA. grabe, ang cute!!
"ayaw mo pa kasing aminin na gusto mo ako?!" di naman ako seryoso nung sinabi ko yan?! joke ko lang naman talaga!!
"paano mo nalaman?!!" ha?!
"ha?!"
"ah.. eh.. i mean paano mo naman malalaman yun kung di ko sinasabi sayo??!!.. ang kapal naman ng mukha mo para sabihing may gusto ako sayo.."
"joke lang naman.."
akala ko may gusto na siya sa akin... wala pala. iba pala ibig sabihin nun. mga 3 hours na din kaming naandun sa 2nd floor. grabe, ang tagal magkwentuhan nung dalawang matanda. after ilang minutes, dumating na yung dalawang matanda sa 2nd floor. kasi ba naman kung magchikahan parang walang bukas!
"ma.. ano na po ba yung sasabihin niyo??" excited?? di naman talaga!! gusto ko na lang talagang umuwi!
"uhmm.. kasi we planned na.." pasuspense na naman!!





























"iENGAGE KAYO ni Max.."
WATDAHEL?!
"ENGAGE???!!"
"aba.. Ma.. anung klaseng kalokhan 'to??!!"
"nagjojoke ba kayo??!!!"

"di kami nagjojoke Max.. seryoso 'to.."
"Pa.. di ba napagusapan na natin 'to.. di niyo na ako ieengage ulit.. di ba dapat si Chelsea na ang last ko.."
"alam mo namang ayaw ko kay Chelsea nun kaya tinigil ko yun.. mommy mo lang naman ang may gusto kay chelsea para sayo.."
"Ma.. alam ba 'to ni dad..??!!"
"of course my dear.. and approve talaga siya.."
"DAD?!! itigil niyo na 'to?!"
"masyado pa po maaga para kami magpakasal?!?!"
"ano ba kayo?! kung makapagreact kayo, parang bukas na ang kasal?! di pa naman bukas eh!!"
"Ma.. naman!!"
argh!! kahit may gusto ako kay Max.. ayoko pang magasawa noh?!
"tsaka dad.. di ba sabi ko sayo.. pag magaasawa ko.. gusto ko mahal ko yung taong yun" so ibig sabihin di niya ako mahal?? argh! ang sakit!
"bakit?! di ba dati mo pa namang mahal si Chin?! oh ayan na siya sayo oh?!" mahal ako ni Max?!!
"huh?!!"
"ay.. sori bakit ko sinabe?!!"
"DAD.. Chin.. di yun totoo... sorry.."
sana totoo na lang!!
"what a LIAR?!"
"DAD?!"
"isa lang ang magagawa niyo para itigil ang engagement na 'to.."
"ano yun??"
"you need to convince Bryan to change your rooms.. pag naconvince niyo si Bryan na paghiwalayin kayo ng kwarto.. then putol ang engagement at pupunta si Chin sa America with me.."
WATDAHEL?! "at kung magroomates pa rin kayo hanggang graduation, then magpapakasal kayo this summer.. okay?! that's the deal?!"
"DAHEL?!! anung klaseng deal yun?!!"
"its a safe deal Chin.. a very safe treaty.."
ang weird talaga ng nanay ko kahit kelan!! argh!
"tsaka mukha naman talagang nadedevelop na kayo sa isat isa eh.."
"huh?! anu ba naman yan DAD?! paano niyo nasabi yan?!"
"nakapgkiss na daw kayo according to the driver, kay Chelsea at sa mga friends niyo and nagkakamabutihan na rin kayo!! tsaka di ba kahapon ng date kayo?!"
"dad?! misunderstanding lang lahat yun?!"
"walang misunderstanding dun?! di ba sabi mo sa akin dati ang kiss ay binibigay lang sa taong mahal nila.. dahil hinalikan mo na si Chin.. it means may special feelings ka sa kanya.."
"pero.. Tito Bryan.. wala naman po talaga kaming special feelings sa isa't isa eh.."
"meron yan.. di niyo lang talaga alam.."
"Ma.. anu bang pinagsasabi niyo??!!"
"It's a really great thing na pinagsama ko kayo sa isang kwarto.. para madevelop kayo sa isa't isa.."
"so plano niyo talaga na inengage kami?! bakit di niyo sinabi kaagad??!!"
"pag sinabi ba namin.. papayag kayo?? hindi naman di ba?"
natahimik na lang kami. siguro, di na namin mapipilit sila Mama na icancel tong engagement na 'to.
"so tapos na ang meeting natin.. okay??"
"ma..."
"kung may ihihirit ka pa para icancel ang engagement na 'to.. wag ka na magsayang ng laway.. di mo ako macoconvince.."
argh! i hate my life!!
"oh?! Max.. ihatid mo na si Chin ah.."
tumango na lang si Max. sabay-sabay na kaming bumababa ng 2nd floor. sumakay na sa kani-kanilang kotse sila Mama at Tito Bryan. kami naman ni Max, natira dun. bagsak ang mga mukha. grabe.. mahal ko si Max pero di ko akalain na may ganitong bagay na mangyayari sa amin. naglakad lang kami ni Max papunta ng Campus. grabe, walang nagsasalita sa amin hanggang dun sa dorm room namin. umupo siya sa kama niya tapos tinabihan ko siya. napabuntong hininga na lang ako.grabe, ang tahimik. nakakabinge. di ko kaya ng hindi nagsasalita..
"oh? paano nating ititigil yun??"
"kanina ko pa yan iniisip.. wala talaga akong maisip.."
grabe.. yun pala ang iniisip niya. so wala talaga siyang balak na.. haaaaayy...
"buntisin kaya kita?!!" anung klaseng suggestion yan!?!! WATDAHEL??!!
"ha?! wag ka nga ganyan?!!"
"nahihibang na ako.. ayoko talaga ng ganito eh!"
"ako rin naman eh.. hinde ako sanay ng ganito.."
"layuan kaya natin ang isa't isa.."
"huh?!"
"di ko nga pala kaya yun.."
argh!! paano ba ititil 'to?! hmmm.. "sorry ha.." bakit to nagsosorry??!
"sorry?! bakit ka nagsosorry??"
"dinamay kita dito eh.."
"ngek.. ayus lang yun.. malulusutan din natin 'to.."
nakangite pa talaga ako nung sinabi ko yan.
pagkatapos nun, nagpalit na kami ng damit. pero di sabay huh?! baka kung ano isipin niyo jan! natulog naman na kami. monday na bukas. grabe. lessons na naman. argh!

~ November 22 Monday
6:30 am ako nagising. aba, wala na si Max. aga naman niyang magising. may note na naman na malapit sa kama ko. pangalawa na 'to ah.

ang ganda mo kahapon kaya natutulala ako sayo..
o yan na ah.. pinuri na kita..wag lalaki ang ulo.. hehe :)
-Max


nagandahan siya sa akin?? wow naman. kinikileg na naman ako. HAHA.
ano ba naman yan?!


































wag naman sana ako tratuhin ng ganito ni Max baka mahulog na ako ng tuluyan eh..

No comments:

Post a Comment