Sunday, December 20, 2009

` Chapter 44

kinakabahan ako pero kailangang ituloy na ito. napalingon sa akin si Charmaine at Max. lumapit ako kay Max ng kaunti.
"Max.. please.. magusap tayo.."
"anong paguusapan natin??"
"Let's talk privately.."
hahawakan ko sana yung kamay para hilahin siya palabas ng kwarto pero hinawakan ni Charmaine yung kamay ko. aba, anong problema ng babaeng 'to?!
"anong privately?! wala ka na ngayong karapatan hawakan si Max.."
"bangag ka rin noh?!"
loko pala siya eh! anung walang karapatan?!
"ano?! ako bangag?!" oo.. ikaw bangag!! ulol! putek eh! "mas bangag ka kaya.. di ka lang bangag.. tanga ka pa!! hanggang ngayon kasi nagpapatuloy magpakatanga kay Max.. alam mo namang wala na kayo di ba?! tsaka bakit niyo pa kailangang magusap.. bakit? relationship niyo ba ang paguusapan niyo?!!" bakit ganun?! hindi ako makaimik?!
"kung relationship niyo ang paguusapan niyo.. wag ka na mangarap kasi matagal na kayong wala.. di mo ba nahahalata.. ako na ang pinili ni Max.. hinde ikaw!" sasapukin ko 'to eh.
tumungo ako. ayaw kong marinig yung mga sinasabi ni Charmaine. hindi pwedeng siya ang pinili ni Max. :((
"tsaka magisip ka nga Chin.. alam mo ba kung bakit tinigil ni Max ang engagement.. dahil una, hindi ka niya mahal. sakal na sakal na siya sayo.. pinapaasa mo kasi siya.. tsaka gusto niyang lumayo ka na sa kanya.. gusto niya na hindi ka na makita kahit kelan.. kasi naman di ba.. magkaaway naman talaga kayo di ba?! tsaka di mo ba nahahalata.. pinagtritripan ka lang ni Max?!! "
anong pinagtritripan?! paano yung mga love letters at paintings?!
"tsaka eto ang itatak mo sa isipan mo Chin.. di ka mahal ni Max at never ka niya minahal.. kasi AKO lang at TANGING AKO lang talaga ang minahal ni MAX!!"
gusto ko ng maiyak. sana panaginip na lang 'tong lahat. tiningnan ko si Max. bakit wala siyang kibo?! di man lang niya ako kinakampihan?!
bakit di niya ako pinagtatanggol
sadya bang di niya ako minahal??
imposible. naramdaman ko talaga sa kanya yun pero bakit ngayon wala na siyang pakielam sa akin. tiningnan ako ni Max. at that moment, at last tumingin na siya sa akin. pero bakit ganun?! naawa ba siya sa akin?!
bakit ganun?! feeling ko magisa na lang ako.
"kaya Chin.. wag ka ng umasa na mamahalin ka ni Max! kasi akin na lang siya ngayon?!"
Max... bakit ayaw mong umimik?!
ipagtanggol mo ko Max.. bakit ayaw mong magsalita?! bakit ka ganun?!
tinanggal ko yung kamay ko kay Charmaine at lumapit kay Max.
"bakit ka ganun?! di mo na ba ako mahal?!"
"di ba sabi ko sayo.."
pinutol ko kaagad yung sasabihin ni Charmaine. satsat kasi ng satsat , hinde naman kasali.
"tumahimik ka.. hindi ko kailangan ng mga komento mo!"
tumingin ulit ako kay Max.
"ngayon.. mahal mo ba ako?? gusto ko nanggaling na sayo ang lahat?? sagutin mo na ngayon?! mahal mo pa ba ako?? kasi ako mahal na mahal kita.." please say yes. yes. yes. yes. please.

































"makinig ka na lang sa sinabi ni Charmaine..
I NEVER LOVED YOU..."
tagos! parang akong binaril ng isang milyong armalite. parang
binomba ako ng isang daang granada. parang nasa gitna ako ng dalawang grupo na nagegerahan. di ko na kaya 'to. hinawakan ko yung mukha ko. di ko na pala namalayan naiyak na talaga ako. sadya bang automatic ang lahat. di ko na alam ang gagawin ko. tiningnan ko siya. pero isa na lang ang naiisip kong gawin...






















ang umalis sa harapan niya. ayokong nakikita niya akong naiyak kaya naman lumabas agad ako ng kwarto. wala na akong pakielam kung sino ang sumunod sa akin basta naririnig ko na sinisigawan ni Clarence si Max sa loob nung kwarto. pumunta ako ng rooftop para ilabas lahat ng galit ko. grabe, napaka dakilang sinungaling talaga nung Max na yun tapos ako naman ang DAKILANG PALAASA!! ang DAKILANG TANGA!!
ang bobo ko kasi. ang tanga ko kasi. wala akong kwenta. :((

nabigla na lang ako tumabi sa akin si Ian. sinundan pala niya ako.
"Chin..."
napayakap agad ako kay Ian sa sobrang sakit na nararamdaman ko.
"di ko na kaya Ian..ayoko na ng ganito.. bakit kasi ako nagpakatanga?! gusto kong sisihin ang sarile ko.. napakatanga ko kasi eh.. ang bobo ko.. wala talaga akong kwenta.. umasa pa kasi ako.. alam mo sana ikaw na lang yung nagustuhan ko para hindi na ako masaktan.."
"alam mo Chin... nasasabi mo lang ang mga yan... paano mo ko magugustuhan?! kung nakapako na yung puso mo kay Max?? basta eto lang.. nagawa mo na ang dapat.. hindi na natin maibabalik ang nakaraan.. basta sundan mo lang ang puso mo at magpadala ka na lang sa kapalaran mo kasi kung kayo naman talaga ni Max ang magkakatuluyan sa huli, wala ng makakapagbago nun.. kahit si Charmaine o si Chelsea man.. kahit na pagpunta mo sa America .. wala yung magagawa.. kung kayo talaga.. babalik at babalik kayo para sa isa't isa kaya naman tatagan mo lang ang loob mo.. kaya mo yan"
humiwalay ako kay Ian. di na rin ako napapaluha dahil sa mga sinabi ni Ian. tama siya, siguro, di ko na lang talaga ipapaspipilitan ang sarili ko kay Max ngayon. siguro nga, hindi pa ngayong yung oras para sa amin. may dadating pa naman na ibang lalaki para magbigay sa akin ng saya di ba?! di naman nawawalan ng lalaki sa mundo. kinuha ko sa pocket ko yung dalawang ring.
"o yan.. sayo na lang baka balang araw kailanganin mo.."
binigay ko kay Ian yung ring...
"sakin na lang 'tong dalawa??"
"oo sayo na lang.. tutal naman wala pa akong pagsusuotan niyan.."


finally, sumuko na ako kay Max. I mean, as in wala na talaga. mahal ko siya pero kailangang tanggapin na hindi nga kami para sa isa't isa. mabilis na lumipas ang mga araw, syempre, di ko na pinapansin si Max. di ko na nga rin siya tinitingnan eh. ini-spend ko na lang yung time ko sa mga kaibigan ko kesa naman umiyak ako di ba?!
tsaka ayaw kong magpatalo. gusto ko mukhang masaya pa rin ako. gusto ko isipin ni Max na kahit wala siya, magiging masaya pa rin ako. patibayan na lang talaga kami. sa bilis ng paglipas ng panahon, graduation na namin. syempre, andun ang parents namin. alam ko nalungkot sila dahil naputol ang engagement namin pero eto naman talaga ang dapat. kailangang tanggapin ang mga nangyayari ngayon.
sa huli ng graduation, syempre, hinagis na namin ang aming mga academic cap (graduation hat). tanda ng paalam sa school namin.tanda na rin ng pagtatapos namin sa highschool at pagsisimula sa mas matindi at magulong college life. tanda rin para sa akin ng walang kasawa-sawang suporta sa akin ng mga kaibigan ko during may bad times. pagkatapos sana ng graduation namin ay ang prom pero hindi na ako makakasali. flight na kasi namin eh 6 pm . matatapos yung graduation namin 4 pm. kaya naman saktong 4 pm dapat umalis na kami. kaya naman hinatid ako nila Rei dun sa gate nung school namin para magpaalam. syempre, alis na namin 'to. huling tapak ko na 'to sa school namin at sa Philippine Land.
"ui,.. magingat ka sa America ah.."
"oo nga tsaka chat chat na lang tayo ah!!"
"oo.."
"ui.. pasalubong ah!!"
"nyek.. paano ko pa kayo mapapasalubungan kung di na ako babalik!??"
"basta magonline ka sa ym ah.."
"pag may nagbully sayo dun, sumbong mo sa amin.. pupunta kaming America para upakan sila.. haha"
"loko.."
"tsaka pasabi na ring kamusta kay Marge..."
sus. halata naman na may gusto kay Rei kay best friend Marge ko. HAHA
"oo na.. ako na rin magsasabi sa kanya ng i love you galing sayo.."
"ui.. wag!!"
tapos syempre, nagtawanan kaming lahat. huli na 'to. dapat sulitin. HAHA. nagulat naman ako na dumating si Max dun sa may gate pero malayo parin siya
kay na Clarence.
"oh?! andito yan?!"
"wait lang ah.."
lumapit ako dun kay Max.
"good luck and goodbye" yinayaya ko siyang makipagshake hands sa akin. tiningnan niya muna yung kamay ko.
"you don't have to do this.."
"I have too.. di ba kailangan lang maging sport sa karera.. lahat kasi kayo umatras eh kaya walang nanalo kaya naman yung prize niyo ipapadala na sa ibang lugar.. kaya naman last na 'to oh.. last hawak mo na sa prize niyo.."
tiningnan niya ako ng malalim. pero nakipagshake hands pa rin siya sa akin.
"ok then.. it's goodbye..."
nung humakbang na ako paalis, narinig kong bumulong siya.
"goodbye.. i love you..." napatigil ako pero pinagpatuloy ko pa rin ang paglalakad ko. goodbye na nga talaga. pumasok na ako dun sa kotse. nakatingin pa rin ako sa bintana para kumaway kay na Ian. Nagmove na yung car. ako nakatingin pa rin sa labas ng bintana. because this will be my...


last look on Rei
last look on Lance
last look on JC
last look on Clarence
last look on Ivann
last look on Ian

and my very last look on Max..













I'ts really goodbye...


No comments:

Post a Comment