tama ba ang naririnig ko? seryoso na nga ba si Max?? sampalin niyo nga ako. o upakan niyo na?! baka naman panaginip lang 'to. grabe, speechless talaga ako. di ko alam kung anung sasabihin ko.
"wala ka man lang reaksyon??" tiningnan ko na lang siya. di ko akalain aabot sa ligawan stage kami ni Max. oh di ba bongga?! HAHA. "matulog ka na nga dyan.." humiga na siya dun sa kama niya tapos ako humiga na rin sa kama ko. waa. hanggang ngayon, kinikileg pa rin ako. ang saya kayang malaman na yung mahal mo mahal ka rin. yun ang pinakamasarap na feeling na naramdaman ko sa buong buhay ko. di ko na rin namalayan nakatulog na rin pala ako. kinabukasan, ang ganda ng gising ko. yung tipong nakangite na parang ako yung pinaka swerteng babae sa buong mundo. tulog pa si Max nung nagising ako kaya naman for a change, ako na ang nagiwan ng note sa kama niya. nakalagay dun:
gudmorning :)
-Chin-
plain and simple. HAHA. wala naman na kasi akong maisip na isulat noh?! naligo muna ako at nagdamit tapos lumabas. syempre, ang punta ko sa fields. yun naman kasi ang palaging tambayan ng barkada eh. normal na dun ko sila makikita. and i'm right, andun nga sila sa may bleachers pero andun yung Charmaine.. anung ginagawa niya dito?!
"oh?! bakit naandito si Charmaine??"
"magkakilala na pala kayo.."
"hindi talaga kami magkakilala.. sinabi sa akin ni Max kung ano name niya eh.."
"aah.. ganun ba.. alam ko rin yung name mo.. ikaw si Chin di ba??"
"aahh.. oo.. bakit??"
"lagi ka kasing kwinekwento ni Max sa akin eh.." ohh. so close sila?! hmmm..
"nga pala... anung ginawa niyo kahapon?!"
"niligawan ka na ba?!!" nahihiya pa akong tumango. akalain niyo yun, may hiya pa pala ako sa mga ganitong bagay!!
"so kelan mo siya sasagutin??"
"ewan ko.."
"di ba parang kayo naman?!"
"iba naman yun eh.. basta mahirap iexplain ang mga pangyayari.."
"hindi niyo na nga ata kailangan magligawan eh kung magiging magasawa na rin naman kayo!"
"anu ba yan??! ang bata pa kaya naming para maging magasawa.."
"engage na kaya kayo?!"
"kahit naman maging kami ngayon, ititigil pa rin namin yung engagement kasi syempre, ang bata pa talaga namin tsaka marami pa kaming gustong magawa.. gusto ko pang magtravel at libutin ang buong mundo which is isang bagay na baka di ko na magawa pag may asawa na ako.."
"hala.. baka mamaya.. agawin ko sayo yan!" nagulat naman kami sa reaksyon ni Charmaine. ano ba naman yan?! ano 'to?! second Chelsea?! palibhasa kapatid naman niya si Chelsea eh!
"ha?!"
"hinde .. joke lang.."
"pero nga pala.. bakit ka andito??"
"dito na kasi ako magpapatuloy ng pagaaral ko.."
"oh?! talaga.. sino room mate mo?!"
"wala akong room mate... di ako dito nagdodorm.. may sarili akong condo pero malapit lang dito.."
"anung section mo??"
"basta kasection ko si Ian.." ohh. buti na lang di siya kasection ni Max kundi magseselos ako ng bonggang bongga! HAHA. at buti na lang di ko siya kasection baka landiin niya si Ivann eh kay Clarence na yun. pero dahil kasection niya si IAN. oh my ghad! lalandiin niya ang bestfriend ko!!!
after ilang minutes, dumating si Max..
"oh?! bakit ka andito?!"
"dito na kasi ako magaaral.."
"section..??"
"basta kaklase ko si Ian.." ohh.. pati rin pala si Max, di rin niya alam na dito magaaral yung Charmaine na yan. siguro, kanina lang nalaman nila Ivann na dito na siya magaaral. medyo may bad feeling ako sa pagaaral niya dito. isipin niyo yun, malapit ng magtapos ang year na 'to, bakit pa siya mag-aaral dito kung pwede naman niyang ipagpatuloy dun sa dati niyang school. tutal naman, malapit na rin grumaduate. isa lang ang naiisip ko dyan, may purpose sya. may something na plano. ayaw ko na magisip ng negative things about her. baka mali ako tapos mapahiya lang ako. mahirap na rin. pero there's something about her na something "evil-ish" ewan ko ba. nung nagring yung bell, sabay sabay na kaming pumunta sa respective rooms namin. aba, eto namang si Charmaine nakikipaglandian na kay Ian. si Ian halatang nandidire. HAHA. di kasi siya sanay na may nagpapansin sa kanya na babae. gwapo yang si Ian pero suplado sa girls. kaya nga wala pang girlfriend eh. at wala pang liniligawan. isipin niyo yun, yung mga girls yung nanliligaw sa kanya! HAHA. hanep din noh?! and as usual, ang naghatid sa akin sa classroom ko, si Max... HAHA. kinikileg ako pero ayaw kong ipakita. shy-type?! HAHA. naging normal ang takbo ng mga araw. di na nga namin namalayan december 16 na pala at 3 days na lang christmas party namin. grabe, ang bilis pala ng takbo ng panahon. tambak rin kami ngayon sa mga seatworks at homeworks. tapos tambak din ang cellphone ko ng mga text messages s ni Max tulad ng:
From: Max S.
Men always want to be a woman's first love - women like to be a man's last romance
you're my last romance :) ilysm :)
tapos mga notes pa na iniiwan niya sa kama ko. tulad ng:
pag may "ikaw" my "ako".
di aalis c "ako" kc mahal nya c "ikaw".
pag wala n c "ikaw" la na rin c "ako"..
bakit? kc c "ikaw" ang buhay ni "ako"..
ingat c "ikaw" dhil nag-aalala c "ako"..
-Max-
HAHA. oh di ba kinikileg ako?! tapos palagi niya pa akong inihahatid sa classroom namin. ang saya ko talaga. kelan ko nga ba siya sasagutin?! hmm.. pagiisipan ko na yung date! siguro sa 23. alam niyo kung bakit?! kasi una, favorite number yan ng author! HAHA. pangalawa, di ba yan yung monthsary ng aming "joke relationship". oh di ba?! bongga?! HAHA.pero ayokong sagutin siya ngayong december 23 kasi malapit na ang Chritmas. ayoko ng ganito. siguro February. HAHA. abangan niyo yan?! HAHA. may mga nakakatuwa rin naman na messages galing kay Ian.. tulad ng:
From: Ian
waa. bez, rescue mo q d2.
prang stalker ko si Charmaine
lagi akong sinusundan
nakakatuwa naman! HAHA. pero ano pa nga ba ang magagawa ko?! sadyang napakagwapo ng best friend ko kaya naman nagugustuhan ni Charmaine?! pero hmmm.. napapaisip ako.. may gusto nga ba si Charmaine kay Ian?? napabuntong hininga na lang. wala kaming pasok ngayong december 16 hanggang 18 para daw may time kaming bumili ng gifts tsaka para may time na yung teachers na magprepare para sa Christmas Party namin. kaya naman ngayon, pumunta ako ng SM para mamile ng regalo.
regalo ko kay Clarence, teddy bear lang galing sa bear cuddler. tutal naman, collection niya yun. sa mga lalaki naman except kay Max, t-shirt lang na simple. tapos kay Charmaine (aba, may regalo ako sa kanya?! mabait ako eh!"), keychain lang galing sa ME! HAHA. mura lang yun pero at least may regalo di ba?! ngayon, ang problema ko na lang. ang regalo ko kay Max. pero pwede namang t-shirt na lang di ba?! kaso nga lang napaka common. tsaka gusto ko extra special. HAHA. namile na rin ako ng regalo para kay na mama at papa. money burn na nga eh! HAHA.
nung december 17, di na ako nagpunta sa SM. nagiisip pa kasi talaga ako ng regalo kay Max eh. solo ko ang kwarto naming ngayon, nasa SM kasi siya eh, namimile rin. ano kayang regalo niya sa akin?! hmm nag-online muna ako sa ym and online si dong0709. aba, ang dami kong kwento dito! HAHA
cutechq09: hellloooooo!!
dong0709: mukhang happy ah!!
cutechq09: syemps!!
syempre, kwentuhan kami. kwinento ko naman na nanliligaw na sa akin yung lalaking love na love ko. HAHA. tapos sabi niya masaya rin siya kasi at last daw, nasabi niya na rin yung feelings niya para sa girl. tutal, lalaki naman siya, itatanong ko na lang sa kanya kung anung pwedeng iregalo sa lalaking mahal mo.
cutechq09: ano bang mgandang regalo para dun sa gusto ko??
dong0709: hmm.. iba iba kasi ang ugali ng mga lalake eh pero para sa akin, kung ako yung lalaking yun, siguro jacket na binile sa tribal..
medyo may pagkamahaln yun ah.. pero siguro, yun na lang yung ibibigay ko kay Max..
cutechq09: yun na lang siguro yung ibibigay ko sa kanya..
dong0709: ang swerte naman ng lalakeng yun..
swerte talaga siya! at ako syempre mas swerte sa kanya. HAHA.
kinabukasan, ako naman ang nagpunta ng SM para bumile na nga jacket. mahal nga siya. pero ayus lang. special naman eh. sigurado akong magugustuhan niya 'to! si Max naman solo ang kwarto namin, magbabalot pa daw siya ng mga regalo niya. samantalang ako, pinabalot ko lang dito. HAHA. di ako marunong magbalot eh!! HAHA.
~December 19
ayun. CHRISTMAS PARTY NA! and start na rin ng Christmas Break! HAHA. tapos January 5 na ang pasok namin. haaay. buti naman. makakasama ko na ulit ang family ko! HAHA.
syempre, may program chorvaness ang school namin pero wag na natin yun pansinin. mga freshman lang ang nagenjoy nun kasi di pa nila na eexperience yung mga sayawan kaek-ekan ng mga teachers which is every year sinasayaw nila yun. paulit-ulit lang. walang pinagbago. kaya naman kami, pumunta dun sa mga bleachers ng fields. sa gym kasi nila ginagawa yung program eh.
"dito na tayo magexchamge gift!!"
"sige.."
at syempre, nagbigayan ng regalo. grabe, nagulat ako sa regalo sa akin ni Ian. medyo malaki siya tapos galing bear cuddler pa. pero mas malaki ang binigay sa akin ni Max. ano 'to palakihan?! HAHA. binuksan na nila yung gifts nila pero ako hindi pa. nakita ko naman ang unang binuksan na gift ni Max ay yung kay Charmaine.ang laman isang t-shirt lang. maganda nga yung t-shirt eh pero mukhang nadismaya siya. binuksan niya rin yung iba, pero nadismaya pa rin siya. sa akin yung huli niyang binuksan. waaa. sana magustuhan niya?! and nung nakit niya yung jacket.. napangite agad siya. ang cute. HAHA
"paano mo nalaman na ang wish ko ay tribal jacket??" syempre, i sought advice from dong0709. HAHA.
"i guessed.." syempre, pa impress ako! HAHA
"nice guess ah.."
nginitian ko na lang siya. di ko pa rin binubuksan yung regalo ko. ayoko pa kasing buksan pag hindi pa Christmas eh. basta tradisyon na nga pamilya ko yun. HAHA
"nga pala... Chin.. anung plano mo this Christmas??"
"hmm.. tutal naman andito si mama.. siguro bonding time na lang kami.." kasulukuyang nasa condo si mama pero malayo dito. sa alabang pa siya eh. and dadating na si papa this 21. oh di ba?! happy family ulit kami! HAHA. syempre, kwentuhan kami at tawanan. kasama na si Charmaine. HAHA. parang na ngang kasama siya sa barkada eh! eto na yung barkada Christmas Party namin. di na kami nakihalubilo dun sa school's Christmas Party. corny eh! kaya naman sinusulit na namin ang pagtatawanan at chikahan. dapat daw befor 9pm, wala ng students na matitira sa campus kasi Christmas Break na daw eh. HAHA.
"ui.. sige babaye na sa inyong lahat!!"
"ingat kayo ah! kitakits na lang sa pasukan ah!!"
at syempre, yung iba sumakay dun sa kotse nila. sinusundo sila ng mga parents nila. si Max naman nag-stay sa campus. andun naman dad niya eh. exception na siya dun sa mga "students" na tinutukoy. pumunta naman na ako sa condo ni mama sa alabang. 1 hour din yung byahe. medyo natraffic eh. HAHA
nung nasa condo na ako, syempre nag door bell. walang nasagot
nag doorbell ulit ako.. wala pa rin nasagot..
nagdoorbell ulit ako.. ang at last binuksan na ni mama yung pinto...
"oh?! Chin..sorry kung natagalan.. nagluluto ako eh.. pasok ka.. gabing gabi na eh.."
"anung linuluto niyo ma??" pumasok naman na ako. grabe, not bad. malinis yung condo ni mama. HAHA.
"kare-kare" then pumunta siya sa kitchen para ituloy ang pagluluto niya.
"ma.. kelan nga pala ang balik ni dad dito??" umupo muna ako dun sa malambot na sofa.
"di ba sa 21?? pero baka maging 23 pa.."
"ngek.. mapapatagal na naman ba?!"
"don't worry anak.. pupunta naman yun dito.."
wii. happy family ulit talaga. miss ko na rin yung ganito..
"oo nga pala... nasabi na ba sayo ni Max??"
"ang ano??"
"His family will spend Christmas and New Year with us.." may sinabi ba siyang ganun??!!
` a lil' bit untitled`
ChaptersPrologue Chapter 1 ^ Chapter 2 ^ Chapter 3 ^ Chapter 4 ^ Chapter 5 Chapter 6 ^ Chapter 7 ^ Chapter 8 ^ Chapter 9 ^ Chapter 10 Chapter 11 ^ Chapter 12 ^ Chapter 13 ^ Chapter 14 ^ Chapter 15 Chapter 16 ^ Chapter 17 ^ Chapter 18 ^ Chapter 19 ^ Chapter 20 Chapter 21 ^ Chapter 22 ^ Chapter 23 ^ Chapter 24 ^ Chapter 25 Chapter 26 ^ Chapter 27 ^ Chapter 28 ^ Chapter 29 ^Chapter 30 Chapter 31 ^ Chapter 32 ^ Chapter 33 ^ Chapter 34 ^ Chapter 35^Chapter 36 ^ Chapter 37 ^ Chapter 38 ^ Chapter 39 ^ Chapter 40 ^ Chapter 41 ^ Chapter 42 ^ Chapter 43
BONUS FEATUREChapter 44 ^ Chapter 45 EPILOGUE ♥
Friday, December 18, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment