salamat sa araw na yun. salamat sa driver na yun. salamat sa mga nangyari nung araw na yun at maraming salamat sa kiss na yun dahil narealize ko na talaga ang mga bagay-bagay na dapat pala ay narealize ko na dati pa. ang tanga ko talaga! puro lessons lang ang ginawa namin ngayung august at syempre, exams. pero wag na natin paabutin pa dun kasi parang wala lang yun. sure naman ako na pasa ko lahat ng exam. yabang noh. HAHA. nadalian lang naman talaga kasi ako eh. kaya ifast forward na lang natin ang lahat ng nangyari nung September
~September
at last, september na. ang tanong: mahal ko pa ba siya?
yan, ang tanong na di ko pa rin masagot hanggang ngayon. kasi, kahit ngayon, di ko pa rin alam ang sagot. di ko pa rin maintindihan ang sinasabi ng puso ko. mas mahirap pa nga ang tanong na 'to kesa sa mga tanong sa exam namin nung august. argh! ayoko talaga nung ganito. ngayung week, wala kaming masyadong ginawa dahil naging busy ang mga teachers sa meeting at preparations sa aming fieldtrip next week. bongga di ba?! ang fieldtrip namin: syempre, surprise. mga pakulo kasi ng school namin eh, dapat daw hindi alam ng students para daw masha-shock na lang daw sila. HAHA. ayus din noh?! ewan ko kung ma-eexcite ako. di ko rin talaga maintindihan yung feeling eh. ngayun, wala talaga akong magawa kaya naman tinext ko si Ian.
To: Ian
bc ka?
From: Ian
hinde.ket?
bilis magreply eh! HAHA. hanep!
To: Ian
punta tayo playground.usp tayo.
From: Ian
ah.. cge.. kta tyo locker ngaun
agad naman akong umalis ng classroom at pumunta dun sa mga lockers. nakita ko naman kaagad si Ian.bilis din niya noh! HAHA
"oh?! lika na!"
"bakit na naman ba??"
naglakad na naman kami papunta dun sa playground.
"wala lang.. gusto ko lang makapagisip-isip"
"makapagisipisip ka dyan?!! halos araw-araw ka ng nagpupunta sa may playground, para magisip ng isip pero parang wala pa rin nangyayare sa mga iniisip mo"
"kaya nga kailangan ko pa magisip"
napabuntong hininga naman si Ian. sa playground, umupo kami sa swing
"alam mo.. matagal ko na rin 'tong pinaiisipang tanungin to sayo,.."
"ano yun?"
"ano ba ang pinagiisipan mo?"
"di mo kailangang malaman.."
"bakit naman? kay MAX na naman noh?!"
tumango na lang ako. nakakahiya nga eh. siya yung pinagsasabihan ko ng mga problema ko kay Max. ang sama ko talaga. di ko man lang ba naisip na nasasaktan na din si Ian kasi di ba.. may gusto siya sa akin.
"bakit di mo ako kinausap agad?"
"Ian, naman kasi.. iba na ngayon.."
"anung iba??"
"amf! di mo ba gets?? may feelings ka sakin, pero ako.. wala para sayo.."
"oh?! sus yun lang eh!! what's your point?"
"di dapat ako masyado nagsasabi sayo ng mga ganitong problema"
"bakit naman??"
"feeling ko kasi... parang wala akong considerasyon sayo.. di ko man lang ba naiisip na nasasaktan ka rin"
"di naman ako nasasaktan eh"
"seryoso ka?"
"oo,.. nasasaktan lang naman ako pag nasasaktan ka"
"ha?!"
"kaya nga yan yung rason kung bakit kita tinutulungan kay Max eh.. kaya linalakad kita kay Max"
napayuko naman ako. di ko akalain na may ganitong tao sa mundo. ibang klase talaga..
"kasi kung ipapaglalaban ko pa 'to... baka masira ang friendship natin" napatigil naman siya ng unti. "I'd rather be friends with you than nothing"
ibang klase talaga tong lokong 'to. grabe, di siya makasarili. di tulad ng iba kaya naman sobrang na touch talaga ako sa mga pinagsasabi niya.
"ang drama mo!!" medyo naluluha naman ako.HAHA
"wag ka lang talaga umiyak.. masaya na ako" yung mga words ni Ian...
yun yung mga words na gusto kong marininig galing kay Max.
sana siya na lang yung nagsasabi sa akin ng mga yan.. sana talaga.
anu ba yan?! napaka selfish ko naman kung ganun! napabuntong hininga na lang ako. tumambay lang naman kami ni Ian sa may swing tapos nagkwentuhan na rin.
ang bilis din ng mga araw.HAHA. sa wakas, fieldtrip na. katabi ko si Charm, classmate ko siya. naging seatmate ko siya sa bus dahil nabunot ko pangalan niya. HAHA. masaya naman siyang kasama eh. enjoy din akong kakwentuhan siya. masaya din ako kasi buo yung section namin. di kami nahati. HAHA. pero nakakaines pa rin kasi napasama samin yung kalahati ng section nila MAX. argh! kasama si Max dun kaya naman magjabus kami. nakakaines. argh! buti na lang wala si Clarence. si Ivann,JC at Max naman, nagkwentuhan na naman. buti na lang kasama ko si Charm. HAHA.isang place lang daw ang destination namin, nakakaines. argh! pero sabi naman daw ng mga teachers, enjoy naman daw yun. HAHA. 2 hours ding nakadikit ang mga pwet namin sa upuan ng bus. HAHA, at 2 hours na din akong nakikinig sa mga paulet ulet na kwento ni Charm. 2 hours na ding pasulyap-sulyap kay Max. grabe, pag tinitingnan ko siya, may feeling pa rin sa loob ko.
nagulat naman ako, tumigil na yung bus. ibig sabihin. at last, andito na kami
"ui, Charm, sama na ako ka na JC'
"cge"
sumama naman na ako kay na JC,Ivann at Max. nakita naman namin yung ibang mga katropa na kakababa lang dun sa bus nila. syempre, picture taking muna sa entrance gate. HAHA. muntik ko na nga pala makalimutan kung san 'to, kasulukuyang nasa isang private pool resort kami. grabe ang laki. parang 1 olympic size na pool at isang ordinary size na pool ang naandun. grabe ah. swimming na naman!! HAHA
"hala.. swimming na naman!!"
"oo nga eh!! pero maganda dito!!"
"ang laki nga ng swimming pool dito eh!"
wala ng rooms dun kasi isang day lang naman ang stay namin dito. wala naman talagang gagawin dito. parang ngang di ito fieldtrip eh. parang swimming party na ewan. hanep din noh. HAHA.
dahil tamad akong magswimming, tumambay na lang ako sa ilalim nung may bubong. siguro, di na ako lalapitan ni Max dahil ayoko na talaga maulit yun. grabe, hanggang ngayon, nakatatak pa rin sa isipan ko yung mga pangyayari na yun. pero sa di nalalamang dahilan, andun siya, tumabi na naman siya sa akin.
"alam ko na naman ang sasabihin mo.. di na naman ako nagswiswimming"
"alam ko na rin ang isasagot mo.. wala ka na naman sa mood"
tinawanan ko lang naman siya. at pilit na tinatago na may kalungkutan din sa aking mga byutipul eyes. HAHA
"halata ko nung august pa,.. di ka masyado namamansin"
"ganun ba.. di ko naman nahahalata" totoo naman talagang nilalayuan ko siya pero dapat magsinungaling.HAHA
"kung may problema ka sa akin, sana maayus na tin.. ayokong layuan mo ako"
eto na naman yung mga words niya. dapat na nga akong lumayo dito kasi pag kinakausap ko siya ng ganito, kung anu-anong kaweridohan ang sinasabi niya. yung mga bagay na nagsasabi sa akin na `umasa pa sa kanya at wag sumuko`. pero ayoko na talaga. last month, sinuko ko na talaga ang lahat.
"wala naman tayong problema eh"
"sana nga eh.."
tahimik din kami dun. inenjoy ang panunuod sa pagbabasaan nila Ian at Lance. pasaway eh. HAHA
"ayaw mo bang makijoin sa kanila??"
"ayoko.."
"bakit??"
"mas gusto kitang samahan"
nakakapagtaka yung mga ganitong pinagsasabi niya. lalo naman kasi akong umaasa pag nakakarinig ako ng mga ganitong phrases galing sa kanya eh.
"alam mo Max.." napatigil ako. nagdadalwang isip kung itutuloy ko pa ba.. pero kailangan "wag ka nang magsalita na kung anu-anu dyan.. ayoko ng ganun, baka kasi mainlove ako sayo at umasa pa.."
alam ko nagulat siya sa mga sinasabi ko. di na nga rin siya nakapagsalita eh. tumayo naman ako kaagad.
"sana naman wag mo na akong paasahin, kung maari lang, diretsuhin mo na lang ako kung may sasabihin ka" tama.. dapat dati ko pa to sinabi para di na ako masaktan. naglakad naman ako papunta sa pool at binabad ko lang yung paa ko sa tubig. tiningnan ko naman si Max, malalin yung iniisip. ngayun naman, may kakaiba na sa kanya. may something na di ko maintindihan. sadya ba talagang bulag lang ako.. at siya ay pipi kaya di maayus ang feelings namin para sa isat isa kaya dapat sikapin ko na makita ko yung mga ginagawa niya para sa akin. pero ayoko pa ring umasa kung ganun. lumapit naman sa akin si Ian pero nasa pool siya.
"oh?! ano pinagusapan niyo dun?"
"masyado na kasi yung mga sweet words na sinasabi niya sa akin eh, lalo lang akong umaasa.. ayoko pa naman nung ganun"
"oh tapos?"
"eh di sinabi ko sa kanya yun?!"
"ha?!!! bakit naman?!! walanjo ka din noh?!!"
"baket?!! dapat niya ng malaman yun para marealize niya na wag na akong paasahin pa"
"dapat di yan yung sinabi mo, dapat sinabi mo na yung tunay na nararamdaman mo para sa kanya.."
"di ko kaya yun"
"bakit??"
"natatakot ako.."
"bakit naman.? di naman yun nangangain eh!!"
"paano kung di niya ako mahal?! pano kung friend niya lang talaga ako?! ayokong marinig yun!! kasi masakit talaga!!" parang gusto kong umiyak pero di dapat. argh!
"kung ganyan palagi ang rason mo, walang mangyayari sayo.."
napabuntong hininga na lang ako. pero tama siya kaso nga lang, kailangan ko pa siguro ng mahabang oras para sa aking preparation para umamin sa kanya.
"ano na ba ang feelings mo para kay Max?"
"di ko alam.." napayuko naman ako.
"mahal mo pa ba siya?"
di ko masagot yung tanong niya. ayoko ng ganitong tanong. ang hirap. ang dami kong naiisip. naguguluhan ako. ayoko pa naman ng ganito..
"kaya mo bang sagutin?"
"di ko alam.."
medyo magulo na talaga ako kausap. ayoko ng mga usapang ganito..
"ano ba naman yan?! palagi ka na lang `di ko alam`..
.. kung habang buhay kang magpapakatanga at magpapakabobo sa nararamdaman mo ngayon, di ka magiging masaya.. kung ipagpapatuloy mo ang pagpapakamanhid sa feelings mo, wala kang makukuha kundi pain. kung ganun, you will end up being loveless"
` a lil' bit untitled`
ChaptersPrologue Chapter 1 ^ Chapter 2 ^ Chapter 3 ^ Chapter 4 ^ Chapter 5 Chapter 6 ^ Chapter 7 ^ Chapter 8 ^ Chapter 9 ^ Chapter 10 Chapter 11 ^ Chapter 12 ^ Chapter 13 ^ Chapter 14 ^ Chapter 15 Chapter 16 ^ Chapter 17 ^ Chapter 18 ^ Chapter 19 ^ Chapter 20 Chapter 21 ^ Chapter 22 ^ Chapter 23 ^ Chapter 24 ^ Chapter 25 Chapter 26 ^ Chapter 27 ^ Chapter 28 ^ Chapter 29 ^Chapter 30 Chapter 31 ^ Chapter 32 ^ Chapter 33 ^ Chapter 34 ^ Chapter 35^Chapter 36 ^ Chapter 37 ^ Chapter 38 ^ Chapter 39 ^ Chapter 40 ^ Chapter 41 ^ Chapter 42 ^ Chapter 43
BONUS FEATUREChapter 44 ^ Chapter 45 EPILOGUE ♥
Saturday, December 5, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment