Saturday, December 19, 2009

` Chapter 39

pumasok ako dun sa kwarto. grabe. kitang-kita talaga sa mga mata ko ang amazement.nagtataka kayo siguro kung anu ang nasa laman ng kwartong yun o kung ano yung bagay na dapat bilangin. ang laman ng kwartong ito ay napakaraming paintings ko. halos lahat puro paintings nung bata ako. tapos may 3 paintings na mukha ko na talaga ngayon. yung una, nakaakbay sa akin si Max(remember: yung picture sa mall). yung pangalawa, kami ni Max na nakaupo sa chair tapos ang background ay ang Taal Volcano (remember: yung picture taken from the coffee shop sa Tagaytay). yung pangatlo, ako at si Max na nagsasayaw (remember: nung birthday ko.). napapangite naman talaga ako. di ko napansin si Maxine sa sobrang tuwa ko. ganito niya pala ako kamahal. HAHA. nakita ko naman may mga notebook sa isang desk. binuksan ko yung isang notebook, parang siyang scrapbook. puro pictures namin ni Max na magkasama. una nga puro pictures taken from our childhood days tapos bandang mga huli, yung pictures na talaga namin presently. HAHA. ang sweet. may isang page na kulang sa picture pero may caption na agad. ang nakasulat: "OUR WEDDING PICTURE"
grabe, ready na talaga siya sa wedding picture namin kahit wala pa. may kinuha pa akong notebook. dun sa unang page, parang love letter pero ang daming bura tapos pang bata yung sulat. sulat ni Max 'to for sure. may nakasulat dun:

Dear Chin,
di mo ba halata na crush kita? ano kase

mahal na pala kita pero mahal mo ba

gusto ko aminin sayo 'to pero

I Love You na nga lang
-Max

ang sweet. love niya na ako bata pa lang kami. dun sa ibang page, may iba't ibang love letters tapos mga love quotes. napapaluha ako kasi ang saya ko talaga...

Chin,
To be your friend was all I ever wanted; to be your lover was all I ever dreamed.


ano kasi

di ko alam kung

I Love You na lang ulit

-Max

di ko talaga akalain. parang ibang Max yung nagsusulat neto. waaa. ang sweet. tapos may dalawang pages na punong puno ng ganito:

Cheska Naomi Sandoval Soriano
Cheska Naomi Sandoval Soriano
Cheska Naomi Sandoval Soriano

He's been very busy replacing my surname with his. aww. di ko akalain talaga. nabibigla ako. may isa pang notebook akong binuksan, puro pictures naman. teka, mga pictures ko 'to sa friendster ah! ohh.. so sinearch niya pictures ko sa friendster. shet! bakit ganun si Max?! mas nauna pa pala siyang nainlove sa akin. akala ko ako yung nauna. grabe, this is too much. sobra sobra talaga yung pagmamahal na binibigay sa akin. lahat pala ng mga sinasabi niya sa akin totoo. lahat pala walang bahid ng kalokohan. lahat pala ng "joke" and "I'm just kidding" phrases niya ay mga bagay para maitago ang feelings niya.

"pakinggan mo yung bawat pagpintig ng puso ko.. sana maintindihan mo kung ano ang sinasabi niyan"
"i love you Chin"
"gusto ko kasi..
maka-akbay yung taong gusto ko habang tinitingnan namin yung mga magagandang ilaw na 'to"

"masaya rin ako dahil nangyari na ito"
"oo, maganda nga"
"sana naman malaman niya na mahal na mahal ko talaga siya"
"gusto ko sanang malaman niya na mahal na mahal ko talaga siya.."
"sana makita niya kung ano yung mga bagay na ginagawa ko para lang mapakita sa kanya na mahal na mahal ko talaga siya"
"can i be her destiny??"
"i just thought.. you would understand all the crazy things I've done for you"
"i love you and i hope you feel the same way too"
"kahit kelan di na ulit kita iiwan.promise ko yan sa'yo"
"sana rin ako lang ang nagiisang taong minamahal mo.."
"kahit saan basta kasama kita.."
"pero don't worry masarap para sakin mahalin ang taong tanga.."
"..pagawa mo na lahat sa akin wag lang ang pagaalalahin ako"
"maniwala ka na ngayon.. kasi nagseselos na talaga ako.."
"i love you baby.."

Di ko akalain na sobrang bulag, manhid at napakabinge ko sa feelings niya. grabe talaga. lalo akong naiinlove sa kanya. napaupo na lang ako sa sahig. parang sobra naman tong regalo sa akin ni Lord. napakaswerte ko talaga.
may folder na nahulog sa lap ko. ano naman laman neto?! may nakita akong isang letter, nasa stationary pa. HAHA. pink pa yung stationary tapos may mga heart. basta cute yung stationary. binuksan ko ito, aba letter pala: maikli siya. eto yung nakasulat..


Chin,

aalis na ako bukas. sorry kung araw pa ng birthday mo ah. sorry kung iiwan kita. promise ko pa naman sayo hindi kita iiwan. gusto ko lang malaman mo...

Je t'aime in french
Palangga ko ikaw in Ilonggo
Aishiteru in Japanese
Sarang Heyo in Korean
Te amo in Latin
namumuot ako sa imo in Bicol
143 in math language
mahal kita in tagalog
Ily sa SMS
I LOVE YOU IN ENGLISH..

nahihiya akong sabihin sayo eh na I LOVE YOU INFINITY PLUS 1. for short, 1438+1.cge. ingat palage. :)
-Max-

aww. parang gusto kong umiyak sa mga letters niya. grabe, pero bakit di ko nabasa 'tong last letter na 'to. natatandaan ko nung birthday ko, may inabot siya sa akin na letter pero di ko na nabasa, linagay ko sa bag ko. pero pagtingin ko sa bag ko, nawala na yung letter. eto ba yung letter na yun? hmm.. nagulat na lang ako may tumapik sa likod ko. it's definitely Maxine pero paglingon ko...






























si Max...































"pasaway ka talaga! kung saan saan ka nagpupunta?! andito ka lang pala" nakangite siya habang sinasabi sa akin.

No comments:

Post a Comment