Wednesday, December 16, 2009

` Chapter 34

grabe ah! nakakagulat namang yung tanong na yan!!
"ano namang klaseng tanong yan?!!"
"sagutin mo na lang kasi.. ano nga?!"
aba, namilet pa!
"asawa
..hahaha" nge. anu ba tong sagot ko?! pero di ba fiancè ko naman siya so may possibility na maging asawa ko nga siya in the near future. HAHA "pero joke lang yun!!" malamang.. alangang totohanin ko di ba?! HAHA
"ano na kasi?!"
"hmmm.. ewan ko.."
hmm.. ano ba?? "eh ikaw? ano ako sa kasal mo??" ibabalik ko lang sa kanya tanong ko! HAHA
"akala ko ba asawa ako??" 0_o weird na naman oh?!
"ha?!"
"sagutin mo muna yung tanong ko, aba.."
ugh!
"uninvited ka!" bwahahaha >:))
"aaahh.." no reaction??!
"ikaw namang sumagot ng tanong ko.."
"eh di asawa.."
"eh?! uninvited ka nga eh! tapos ako asawa?!!"
weird naman yun di ba?! HAHA
"di ba uninvited ang bride?? kasi ikaw at ako yung ikakasal so uninvited tayo" ohh.. may point siya pero di pa rin noh?!
"bride ka dyan?! asa ka.." pero deep inside syempre, gusto ko pa rin.
"sus.. gusto mo naman!"
"ang yabang mo! di kaya "
kaasar talaga 'to eh! nakakaines!!
"baka mamaya mahimatay ka pag kasal na natin!" aba, ubod talaga ng yabang oh?!
"oh?! tapos?! iiwanan mo ko?!"

"hinde.. hahayaan ko ba ang bride ko??" ohh.. weird ulet!

"bakit ba kasalan agad ang iniisip mo.. masyado pa kayang maaga.." dapat ilihis ang topic!
"mas mabuti na ng maaga.."
eh?!
"loko ka rin noh?!"
"anung loko dun?!"
ang bano naman oh?!
"alam mo ba.. bago magpakasal ang dalawang tao, dapat mahal nila ang isa't isa tapos dapat may special commitment sila sa isa't isa.. yung kumbaga may relationship na sila.. yung may thick bond sila.. tapos yung tipong mag girlfriend at magboyfriend sila.. naiintindihan mo ba yun?!"
"oo naman.."
"so bakit kasalan na agad ang iniisip mo?!"
" para maitanong ko sayo yung tanong ko.."
"anu ba yung tanong mo?!"
sana naman kasi kanina pa niya tinanong para wala nang kachorbahan ang nangyare. o di ba?! may point ako! HAHA
"gusto mo talaga malaman??" aba.. suspense ah!
"ano na kasi yun?!" di naman halatang atat no! HAHA

















"kelan pa ba magiging tayo??"
eh?? speechless ako dyan ah! "para mapagplanuhan na.." di pa rin ako makapagsalita. parang ngang di na rin ako makagalaw eh. parang tumigil lahat ng nangyayare sa paligid ko.
"di ba sabi mo.. bago magpakasal ang dalawang tao, kailangan maging sila muna.. kaya naman tinatanong ko sayo.. kelan pa ba magiging tayo?? para legal na tayo maging magasawa next year.." eh?? ano ba 'tong sinasabi ng mokong na 'to?!
"bakit naman napakasigurado mo na magpapakasala tayo.. ano ka ba?! di ba icoconvince natin si Tito Bryan na paghiwalayin tayo ng kwarto para di matuloy yung wedding??"
"asa namang maconvince natin yun.."
"ha?! sumusuko ka na ba?! ano ba naman yan?! dapat hindi tayo sumuko.. dapat mas maging matatatag tayo na kuhanin yung goal natin! at yung goal na ay iconvince si Tito Bryan na paghiwalayin tayo ng kwarto at sa gayon, di matuloy ay kasalan...eh di masaya ang lahat!!"
parang nagspeech lang eh! HAHA
"pero for the mean time.. fiancè pa rin kita.. so.." medyo napatigil siya.. "dapat maging girlfriend kita ngayon.."
"ha?!"
"girlfriend kita.. boyfriend mo ako.. ibig sabihin may special commitment na tayo sa isa't isa.. may relationship na tayo.. may thick bond.. eh di legal na tayo.."
"nahihibang ka na ba?!"
"hinde.. ginagawa ko lang ang dapat at ang legal at eto na yun.. ang tama at legal..."
napatigil na naman..
"kaya naman from now on.. tayo na.." eh?! ano ba naman 'to?! kami na.. seryoso ba sya?!
"seryoso ka ba?! wag ka nga magjoke?!"
"seryoso ako! at mukha ba akong nagjojoke??"
di nga siya mukhang nagloloko kasi seryoso talaga yung aura at mukha niya eh. pero nakangite pa rin siya. basta kakaibang emotiong. ganun na yun. HAHA
"eh.."
"basta.. tayo na..23 ang monthsary natin ok?"
ha?! ngayon ay 23. ohh.. seryoso ba talaga 'to??
"ha?! nagloloko ka naman eh?!"
"di ako nagloloko basta tayo na.. wag ka na umangal..kundi uupakan kita.. hahaha"
uupakan pa ako eh!
"kaya naman pag may kasama kang iba, iexpect mo na magseselos ako.."
"ha?! alam mo ang loko mo talaga!"
hinampas ko namang siya ng unan sa ulo. dapat makalog yung utak neto?! kung ano-ano na yung naiisip eh. "itulog mo na nga lang yan baka kung sakaling magbago isip mo!" humiga naman ako kaagad at tumalikod sa kanya. nagulat na lang ako, gumalaw yung kama ko. yung tipong may tumabi sa akin tapos may yumakap sa akin. waa.
"Oi.. ano MAX?! HINDI ITO KAMA MO.. YUNG KABILA KAMA MO?!!" hysterical mode
na ako dito!!!
"bakit ba?! masama bang tabihan ang girlfriend ko??" waa.. ayaw ko na magsalita! ewan ko ba! di ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko. ang kiligin ba? mailang? o maweirdohan?!
waa.. parang di na si Max to ah! iba talaga!!! waaa... gusto ko na matulog tapos magising ng di ko siya kasama. waaa.
di ko na rin namalayan nakatulog na pala ako. pagkagising ko, aba, katabi ko pa rin siya. tinitigan ko pa siya. haaay.. ang gwapo niya ! WATDAHEL?! ang kinis. wahaha >:)) ang sarap titigan eh. anu ba yan?! lumalandi ang protagonist niyo! HAHA. bumangon namang ako kaagad. naramdaman na ata ni Max na bumangon ako kaya naman medyo nagising na siya. naligo ako kaagad at nagbihis. ayoko na makasabay yan pagpunta ng classroom ah! paglabas ko ng banyo.. syempre, nakauniform na ako nun.
"oh sige.. Max.. alis na ako.."
"bawal ka pa umalis ng di ako kasama.. remember.. girlfriend na kita mula kagabi.."
" ha?! eh hindi mo nga ako niligawan?! tsaka di nga kita sinasagot dyan?!"
"wag ka na nga maingay basta kasunduan na yun!"
eh?! wala namang kasunduan na nangyare eh?!! pumasok naman siya dun sa banyo at naligo. waaa. kailangan pa ako maghintay sa kanya. nakakaines naman oh?! after 15 minutes, lumabas na siya ng banyo syempre nakauniform na rin noh?!
"oh?!lika na.." tumango na lang ako. sabay na kami na pumunta dun sa may mga lockers kung nasaan sila Clarence.
"oh?! magkasama na talaga oh?!"
"kayo na noh?!"
di naman to kumibo si Max. siguro, joke joke lang naman talaga yung sinabi niya kagabi noh?! kasi super imposible yun! HAHA. syempre, tuloy ang kwentuhan at tawanan. syempre, chikahan. di naman mawawala yan noh?! HAHA. nung nagring na yung bell, sabay sabay na rin kaming pumunta ng 4th floor. hinatid ako ni Max sa classroom namin. syempre, kasama namin si JC at si Ivann nun noh?! nung nasa tapat na kami ng pintuan, take note: nakabukas yung pintuan tapos andun na mga classmates ko. halos lahat sila naandun. , bigla niyang hinawakan ang kamay ko tapos hinalikan yung cheeks ko at sinabi na..



































"i love you baby.." the next thing i knew, all of the people around me were shouting `yiiiieeeeee`.
0_o

No comments:

Post a Comment