"ha?! anu yun?" something na magpapasaya sakin?? hmmm.
"basta.. secret ko na yun!"
"wusshuu,, may nalalaman ka pa dyang pasecret secret .. arte mo! anu kase yun?!!"
"basta nga.. malalaman mo rin naman eh!"
"sige na nga!! basta dapat masusurprise talaga ako ah!"
napangite na lamang siya. tapos wala naman kaming ginawa dun kundi ang magtinginan. HAHA. astig din noh. ang tahimik. nakakabinge nga eh. pagkatapos ng tinginan time together namin , bumababa na kami. aba, pagkakita namin sa may sala, tulog agad ang tropa eh.sa sahig pa natulog! pinapanuod pa nga nila yung Saw eh. ewan ko kung anung part yun. kaya naman pinatay ni Max yung DVD at TV. ako naman inayus lang yung mga pinagkainan nila. grabe, ang dumi.
"gigisingin pa ba natin sila??"
"wag na.. ang himbing ng mga tulog nila oh.."
umupo na lang ako dun sa may sofa. tutal naman, walang natutulog dun. siguro dito na lang ako matutulog para naman fair sa iba. sila kase natulog sa sahig, dapat ako matutulog din dito. HAHA
"dyan ka matutulog?"
tumango na lang ako. kumuha na lang ako ng unan tapos humiga na dun sa sofa.
"san ka matutulog??"
napabuntong hininga na lang siya. umupo na lang siya dun sa sofa. malapit sa ulo ko.
"dito na lang rin.." linagay niya yung unan sa lap niya tapos pinat niya ito. "dito ka na matulog.."
"ha?"
"wag ka na maarte.." nagmamagandang loob naman na 'to siguro. kaya naman hiniga ko yung ulo ko dun sa unan na nasa lap niya. tapos siya naman, matutulog daw siya ng nakaupo. aba, galing naman niya. nung mga oras na yun, di ko rin namalayan na napapatulog na pala ako. ayoko pa kasi matulog nun kasi gusto kong maramdaman ng mas matagal ang paghiga sa lap niya. HAHA
~October 24
nagising naman ako ng maaga. sa totoo lang, ako pinakanaunang magising. nagulat naman ako si Max, tulog pa din. siguro, nahirapan talaga 'to sa pagtulog. pagtayo ko naman, siguro nakaramdam na rin sila Rei. kaya naman tumayo na rin sila.
"aga ng gising mo Chin ah!"
"grabe kayo!! nacarry niyung matulog sa sahig?!"
"ayus lang naman yun, ang saya nga eh!!"
"ano bang gagawin natin ngayon? ang panget naman kung tutunganga lang tayo dito di ba?!"
"eh di mamasyal tayo.. sinong marunong magdrive?"
"AKO!" Ivann to the rescue na naman. HAHA
"grabe, pare, marunong ka na ngang magluto. marunong ka na ring mag drive!! hanep!!"
"san naman tayo pupunta??"
"basta.. kung saan man tayo dalin ng mga gulong ng sasakyan. hahaha"
nagising naman si Max. grabe, halatang puyat eh.
"bakit ngayon ka lang nagising?!"
"pinuyat ako ni Chin eh?!"
"yiiieee!! eto na naman.. ano kayang ginawa ng mga 'to?!"
"tumigil na nga kayo.. mangaasar na naman eh!"
tapos yun, tawanan na naman. dumiretso naman kami sa mga room namin. may CR naman bawat room kaya dun na kami naligo. unang naligo si Clarence, grabe halos 30 minutes siyang naligo. pagkatapos naman niya, ako naman. tapos nagdamit na rin, shorts lang at shirt tapos syempre dinala yung digicam,wallet at cellphone ko. grabe, mas nauna pa yung mga lalaki. to think na mas marami sila ah. pumasok naman kami kaagad sa van. tapus syempre, ang nagdrive si Ivann.
una, pumunta kami dun sa Picnic Groove. syempre, naghorseback riding kami tapos nagstay rin dun sa mini park. HAHA
"dapat pala hinulog ko si Lance kanina sa kabayo!!"
"ang sama mo Rei!!"
kwentuhan lang naman. pagkatapos naman nun, pumunta kami sa isang coffee shop. pwumesto kami dun sa malapit sa bintana. kaya naman tanaw talaga namin yung Taal Volcano. ang ganda grabe. as usual, nagkwentuhan.
sila Rei, Lance, Clarence, Ivann at Ian naman, napgpicture-picture dun sa labas nung coffee shop. parang mga baliw lang eh. pero syempre, iniwanan naman nila kaming dalawa ni Max. medyo naeexcite na ako sa mangyayari bukas.. syempre, may surprise sa akin si Max eh. tapos 16 na rin ako bukas, saya di ba?
"iniwan na naman nila tayo.."
"eh di pumunta ka rin dun.."
"ayoko.."
"sus.. gusto mo lang talaga akong samahan noh?!!" asar na naman eh!
"ang yabang mo! magpakabait ka naman.. bukas na kaya birthday ko!!"
"bukas na lang ako magpapakabait!!"
"ikaw talaga.. nakakaines eh.."
bigla namang sumeryoso yung atmosphere niya. parang may gusto siya sa akin sabihin..
"Chin.." tumingin naman ako sa kanya.. "What if.." natetense ako anu yun..
".. bukas wala na ako.." grabe, ano ba 'tong sinasabi ng lalaking 'to?! "pano kung bukas.. nasa Canada na ako??"
ewan ko kung anung mararamdaman ko.. lalong bumibilis ang pagtibok ng puso ko.
"siguro magiging masaya ka na noh.." MASAYA?!! di ah!! "kasi wala ng mangaasar sayo.. wala ng mangungulit sayo at wala ng magyayabang sa 'yo.."
di pa rin ako makapagsalita..
"pero.. pano nga kung paggising mo bukas.. wala na talaga ako??"
katahimikan. anung isasagot ko??!!
"anung mararamdaman mo??"
anung sasabihin ko?! speechless ako..
napapaluha ako sa sinasabi niya. siguro, matinong pagsagot na ang pagiyak ko. pero pupunta na ba siya ulit ng Canada?! argh!
"umiiyak ka??" tumango na lang ako. siya naman ngumite.. tapos biglang sinabi..
"ang saya namang malaman na isa rin ako sa mga taong iniiyakan mo pag-aalis na.. sana naman isa rin ako sa mga taong nagpapangite sayo.." sana dati pa niya alam di ba?!
"sana rin ako lang ang nagiisang taong minamahal mo.."
WATTAJOKE??!! it's definitely a joke. pero sana dati pa niya alam..
pero remember Cheska Naomi Sandoval: WAG NG UMASA.
joke lang naman yan. for sure..
` a lil' bit untitled`
ChaptersPrologue Chapter 1 ^ Chapter 2 ^ Chapter 3 ^ Chapter 4 ^ Chapter 5 Chapter 6 ^ Chapter 7 ^ Chapter 8 ^ Chapter 9 ^ Chapter 10 Chapter 11 ^ Chapter 12 ^ Chapter 13 ^ Chapter 14 ^ Chapter 15 Chapter 16 ^ Chapter 17 ^ Chapter 18 ^ Chapter 19 ^ Chapter 20 Chapter 21 ^ Chapter 22 ^ Chapter 23 ^ Chapter 24 ^ Chapter 25 Chapter 26 ^ Chapter 27 ^ Chapter 28 ^ Chapter 29 ^Chapter 30 Chapter 31 ^ Chapter 32 ^ Chapter 33 ^ Chapter 34 ^ Chapter 35^Chapter 36 ^ Chapter 37 ^ Chapter 38 ^ Chapter 39 ^ Chapter 40 ^ Chapter 41 ^ Chapter 42 ^ Chapter 43
BONUS FEATUREChapter 44 ^ Chapter 45 EPILOGUE ♥
Thursday, December 10, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment