Friday, November 27, 2009

` Chapter 3

nagulat talaga kame ni Max nun(or ako lang??!). Sabay nga kameng napa-upo sa kama eh. as usual, di talaga maalis ang asaran noh.. napabuntong hininga na lang ako samantalang si Max, pangite-ngite lang, parang walang nangyari eh.WEIRD. sobra. >.<

"oh my ghad talaga!!" nagsalita na si Clarence. kailangan ko na sila ilayo dito. kaya naman, tumayo na lang ako at hinila ang `tulalang` si Lance at Clarence sa labas. parang kaseng balcony yung labas nung room eh. pero hallway lang talaga siya. mahangin pa, kaya naman medyo giniginaw na ako. share lang naman. HAHA
"baket ganon ang posisyon niyo?! grabe ah. an chaka niyo?!!" ok, lumabas na ang pagkachorba ni Lance. bibigay na ata 'to eh. di lang naamin. syempre, di ako sumagot. nakakahiya kase.
"ang WEIRD talaga. ano ba kaseng meron sainyo?!!"
"wala namang meron samin eh" Defensive Mode. pero promise, wala naman talagang meron eh.
"eh baket naman ganon?! di naman yun napaka normal noh!!"
"ou nga naman, kayo na ba??"
"ui, di ah!!" ok, super defensive talaga. "tsaka teka, baket naman kayo napabisita??" kailangan kong baguhin ang topic noh.
"itatanong ko lang sana sayo kung baket ka badtrip eh" buti naman at hindi nahalata ni Clarence na binago ko ang usapan. wahahaha >:))
" ah. yun lang naman pala. di ko nga pala naikwento sayo kanina noh. Dahil kay.." medyo napatigil lang ako. parang pagbabanggitin ko kase pangalan niya, naalala ko yung mukha niya na one-inch lang ang lapit saken."M-Max lang yun, kase di ko talaga akalain na andito siya."
"baket ba?! ano ba kaseng meron sa inyo dati?!" umiiral ang pagkachikadora ni Lance. "naging kayo ba date?"
nabigla ako sa tanong na yun. pareho naman silang nakatingin sakin na parang may sinasabi yung mata nila sakin na `may tinatago ka noh?! naging kayo noh?!`.
" pramis, di talaga. I Swear! naging super kaaway ko lang talaga siya nung pre-school ako. and all my life, naging pahamak lang siya sa buhay ko. nung umalis yun at pumunta ng Canada, natuwa din ako nun. pero bumalik siya. room mate ko pa! yun talaga ang ayaw ko" mukhang speechless naman sila.di naman ganoon kahaba yung sinabe ko.
pero grabe, ang sagot nila pwede ng pangnobela.HAHA
"ok" .. grabe. haba noh.! pero parang may hidden meaning rin yan na hindi ko maintindihan.

syempre, pinaalis ko na sila noh tsaka malapet na rin mg8 pm nun, curfew hour na. magiinspect na ang mga SC. eh syempre ako naman, pumasok na din, nakita ko naman si Max. tulog na. parang bata. ang cute. teka, bakit ko ba 'to naiisip?! kadordor kaya.pero natutulog siya sa kama ko. nakakabigla nga eh. syempre, dun ako matutulog sa kama niya. alangang tabihan ko pa siya noh. eh di yun, SLEEP MODE muna ako.

~next day~ Monday , 6:00 a.m.
ok,. kakagising ko lang. nakita ko naman wala na si Max sa kama `ko`. syempre, time na maligo at mag ready for school. start na naman ng isa pang year. syempre, pagkatapos kong gawin ang mga bonggang preparation ko, pumunta na ako kaagad sa labas at yun nakita ko ulet si Max. nagsesenti mode na naman. lumingon naman siya saken and ito na naman ako, naalala ko na naman yung nangyare samin kagabi. tsk.
"pupunta ka na sa classroom niyo?" ok, parang wala lang sa kanya. di man lang niya naisip yung.. tsk. nevermind.
" ahh.. oo eh. " please sana wag ka na sumabay. !! pls!!
"sabay na ko sayo." oh. watdahel?! tsk. nakakaines. syempre, tumango na lang ako. sabay na kaming pumunta sa kabilang building. and bawat mga taong madaanan namin ay nagchi-chismisan tungkol saken at sa kanya.

"ui, tingnan mo yung dalawa oh. an sweet noh. bagay sila noh" eww.. kadiri naman itong mga pinagsasabi ng mga chikadora na 'to.
"grabe, ang gwapo nung lalake.tapos yung babae, ang ganda din.sila na kaya?!" ewan ko kung mafla-flatter ako sa sinabi nila. pero di talaga kame! ewwness!!
"grabe o, magkasama pa talaga. balita ko, yung lalaki yung anak nung director, gwapo noh" ok, nasusuka na ko sa pinagsasabi ng girlaloosh na 'to.

at buti na lang natanaw ko na yung mga kaibigan ko,
"grabe, Chin, instant celebrity ka na dito. nakasama mo lang sa paglalakad si Max. sikat ka na agad." bumanat pa talaga si Rei eh!
"oo nga, grabe. sikat na sikat ka na! hahaha" singit pa 'to si Ian eh.
"ang bilis naman kumalat ng balita. pagpasok lang namin sa pintuan eh, halos bulungan na agad naririneg ko"
"si Max naman kase ang kasama mo di ba?! syempre. kaintriga talaga yun!!"
eto naman si Max, ngumingite na naman. nakakaasar yung ngite nito eh.
"oo nga pala, sige alis na ako. punta na ko ng classroom ko." buti naman at aalis na 'tong si Max.
"o sige.. di naman namin gagalawin si Chin, DONT WORRY" ok, nabigla ako dun ah. mabatukan nga! wahahaha >:)) eto naman si Max. parang wala talagang pakielam. hmf! buti naman at umalis na siya.

"wala pa si JC noh. asan na naman kase yun?!" binago ko ulet yung usapan. wahahaha >:))
"oo nga noh, wala pa si chong. masyado ata sa pagiging busy maging SC"
"kung ganon naman pala, wala akong kasabay pumunta ng classroom.tsk. ge. punta na ako sa classroom ko"
"sige. babaye!!" bading na ata talaga 'tong si lance. wahahah >:))

4th floor pa room namin kaya super hirap naman ang pag-akyat. parang kang umakyat ng mount everest. wahaha :)) . nasa 2nd floor pa lang ako ay hirap na hirap na ako. tsk. at sa di ko malamang dahilan, naalala ko si Max habang papunta ako ng 4th floor. naiisip ko rin na siguro may kabaitan din itong tinatago. syaks! nagugulantang ako sa mga sinasabi ko. HAHA. pero di ba, may chance. pero dalawa pa lang talaga ang alam ko sa kanya. una, mayabang siya. SUPER. at pangalawa...
syaks! nadulas ako sa stairs. di ko rin alam kung baket. basta naisip ko na lang `syakersz! papangit na ang super byutipul peys ko nito!` ng biglang napapansin ko rin na mga 5 seconds na rin ang nagdaan ay di pa rin ako nahuhulog and dun ko lang nalaman, sinalo na pala ako ni...











"baket ba ang clumsy mo?!" Max... at para ituloy ko sa inyo yung sinasabi ko kanina..pangalawa..






"he always do WEIRD things" in a way, na sobrang WEIRD talaga.
syempre, kumalas naman ako sa kanya agad. gumawa na naman ako ng kahihiyan.
"ano ba naman yan?! parang kang bata?! pano kung wala ako?! eh di sana nahulog ka dyan?!" syempre di na ako nagsalita.linigtas na nung `tao` yung super byutipul peys ko eh.tumungo na lng ako
tapos bigla na lang niyang ni-pat ang ulo ko.
"grabe ka talaga, pwede mo ng gawin lahat sakin. wag lang ang pagalalahin ako" syaks! gulat naman ako sa mga sinabi niya. syakersk naman o!
"sa susunod, magingat ka" at yun, umalis na siya. di man lang ako nakapag-thank you. o di ba, sobra niya talagang WEIRD. syempre, nagmadali naman akong pumunta sa classroom namin. at aba, naunahan pa ako ni JC, and guess what?! may kasama siyang new student. syaks! di ko madescribe yung feeling nung nakita ko yung new student na yun. kase parang bang kung idedescribe ko siya ngayon, hinde ko magawa kase pag ang tinanong mo saken ay `Define Gwapo`. siya na yung sagot! grabe ang pogi. ang puti. ang kinis ng balat. di siya matangkad. di rin siya maliit. katamtaman lang. at ang lakas ng appeal. syaks! maaliwalas ang mukha. oh may ghad! and napaka cool niyang tingnan. grabe.. natutulala ako.

"CHIN! anjan ka pala!" ok, sumira ng moment si JC. HAHA.. napatingin naman sakin si `fafa pugee` .waaa. kinikileg ako. HAHA. hala, lumande ang bida.
" Hi JC!" pabait epek ako..
"ou nga pala , chin, may bago tayong school mate and classmate natin siya. si Jan Ivann Alcaraz" ngumite naman ako dito kay `fafa pugee`. Jan Ivann pala pangalan neto.
"Hi Chin! nice to meet you" syaks! nagsalita na si `fafa pugee`. "Ivann na lang itawag mo saken" grabe, ang cute ng smile niya. eh di syempre ako, ngumite din. grabe ah. kinikileg naman ako. wahahah :
*RRIIINNGG*
syaks! ngbell na. wrong timing pa o. nakakaines. HAHA. nakikipagmoment pa ako dito kay `fafa pugee` eh.
kaya naman sobrang boring talaga ng klase namin ay

*ifafast-forward na lang natin hanggang sa may lunch break namin* HAHA.

syempre, dahil super feeling close ko kay `fafa pugee`. inimbitahan ko siya, maglunch with ME and my friends syempre. wahahaha :)) tatabihan ko na nga sana siya nung..












"Hi Guys!" sumingit na naman ang epal! nakakaines talaga! panira. hmf!

2 comments:

  1. oi labszx'q? waaah!!! wla lng kinilig lng aq d2 ng super!! hahah

    ReplyDelete
  2. dpt danielle na lang ung si ivan!!! hahahah ^^v

    ReplyDelete