"uhmm.. gusto ko lang sana magsorry sa mga inasal ko kagabi kaya naman bumalik ako.. sana naman patawarin niyo na ako.." nagpapakaanghel?! bwiset?!
"ayus lang yun.. siguro naman pwede na ulit tayo mag start over at maging friends ulit.." sinisimulan na ni Ian yung Oplan namin.
"oo nga.. kung gusto mo, magstay ka muna dito hanggang sa 30."
"really?! pwede ba talaga?!"
"oo naman, pwedeng pwede.." the plan is working good. bwahaha >:))
"i'm so happy talaga!!" ang arte. nakakaines!! "pero.. Clarence.. payag ka ba?"
"sure.. mas maganda naman kung friends tayo di ba?!" plastik si Clarence!! HAHA.. pero ayus lang yan..go lang!
"eh ikaw Xavier? ayus lang ba..??" malandi!! WATDAHEL?! tumango lang naman si Max. grabe, ngite ng ngite si Chelsea eh!
"wow talaga!! super happy ko talaga?!" halata nga eh. tss. "eh ikaw, Chin.. ayus lang ba??"
"sure" i'm a great liar :]
"grabe.. so happy talaga.."
pumunta naman kaming lahat sa sala. syempre, katabi ko si Max. eto naman si Chelsea, kwento ng kwento tungkol sa mga favorite ni Max
"di ba favorite ni Max yung kaldereta??!!"
"hindi talaga.. kare-kare yung favorite niya.."
"ay gnun ba.. di ba hindi ka mahilig kumaen ng spaghetti.."
"nahiligan niya na kahapon.."
"huli na pala ako sa balita.. di ba magaling ka magbasketball.."
"dati pa namin alam.."
wahahaha >:)) todo pahiya si Chelsea eh. kinokontra namin lahat ng sinasabi niya. samantalang si Max, pangite-ngite lang. halos 4 hours din ang tinagal ng pagbabara namin kay Chelsea kahit indirectly. HAHA. binuksan naman ni Rei yung TV at nanuod na lang sila ng kung anu-ano. dahil di naman talaga ako mahilig manuod ng TV,pumunta na lang ako dun sa may balcony.
"Oi.. bakit andyan ka??" nakakagulat naman 'tong si Max. parang pinaglihi sa kabute eh. sulpot ng sulpot. may balak ata akong patayin neto sa gulat. HAHA.
"ayoko dun eh.." grabe.. mukhang nagbabarahan si Clarence at Chelsea dun. HAHA. pero siguro, tinetake lang ni Clarence yun as a joke pero alam ko seryoso siya. init ng dugo niyan kay Chelsea eh. HAHA
"siguro.. nagdadalawang isip na yun.."
"na ano??"
"kung tayo ba talaga which is di naman talaga totoo.."
"anong plano mo??"
"siguro.. dapat na tayo mag.." napatigil siya..
"ano?"
"mag.. you know na.. gawin ang mga ginagawa ng mga magkarelasyon.."
napabuntong hininga na lang ako. argh!
"paano ba??"
"basta makisakay ka na lang.."
hinawakan naman niya yung kamay ko at hinila niya ako papunta ng sala.
"guys.. pasyal ulit tayo.."
"sige ba.. ako ulit magdradrive.. punta ulit tayo picnic groove"
ano bang balak ng lalakeng 'to?! argh! pumunta na kami ng van. katabi ko si Max. kanina pa siya nakahawak sa kamay ko. tiningnan ko naman siya tapos tumingin siya sa akin. bigla naman niya akong inakbayan. anung gagawin ko?! malamang dapat maki-ride. sumandal ako sa balikat niya.
"grabe.. ang sweet nung iba dyan.. baka langgamin na ah!!" si Rei talaga pang-asar.
pero ganito pala ang feeling na boyfriend mo si Max. yung maalaga siya sayo. kahit dati ko pa naman 'to nararanasan sa kanya. parang iba na 'to. parang napakaseryoso niya sa pagpretend na kami na. sana ganito na lang kami. pagdating namin sa picnic groove, as usual, nag-usap usap lang. puro kwentuhan. kami ni Max, patuloy ang sweetness. pero syempre, part of the PRETENDING drama lang naman yun eh. pagkatapos ng pagpasyal-pasyal, biglang nagyaya si Chelsea.
"guys.. gusto niyo ba munang mag overnight stay sa bahay ko??"
"bakit??"
"wala lang.. sige na please.."
"sige.. ayus lang.. andun ba parents mo??"
"sa totoo lang.. wala akong kasama sa bahay" ano daw?! magisa siya sa bahay. nakakatakot yun ah!
"sige.. ayus lang.."
sumakay naman na kami kaagad ng van. umupo si Chelsea sa unahan para ituro samin yung bahay niya. siguro ayus lang naman na magstay kami dun di ba?
mga 7pm na kami nakadating sa house niya, grabe, ang laki. kasya nga kaming lahat dito eh. tapos magisa lang siya. nakakaawa naman. pumasok kami sa bahay. grabe, ang lake. mas malaki pa ata 'to sa resthouse namin. wow talaga. tinuro sa amin ni Chelsea yung mga rooms namin. syempre, magkakasama kaming tatlo. ako, si Clarence at Chelsea.
"ui, Clarence.. Chin.. punta muna ako sa kitchen.. kukuha lang ako ng snacks natin.."
"sige lang.." lumabas na si Chelsea ng kwarto. "kainin ka na sana ng ref niyo?!!" ang kulet talaga ni Clarence eh. HAHA.
"grabe ka eh.."
pagkatapos ng ilang minutes, bumalik na si Chelsea. himala, medyo gentle siya at mabait. grabe, ibang iba eh. nagkwentuhan kami. for the first time in history, hindi na si Max ang pinaguusapan namin. HAHA. pagkatapos ng aming bonggang bonggang pagkwekwentuhan. natulog na kami. `i mean sila pala`. hindi kasi ako makatulog eh. 12 midnight na rin nun, bumangon ako at umalis muna sa kwarto. balak kong pumunta sa may balcony eh. pero malayo pa lang, si Max din pala.. naandun.
"di ka rin makatulog noh?!"
"parehas pala tayo.."
"ano ginagawa mo dito??"
"wala.." katahimikan. as usual.. normal na yan. HAHA. "lika.. samahan mo ako.."
"saan??"
"basta.." hinila naman niya ako kaagad pababa ng stairs. tapos pumunta dun sa garage.
"anung ginagawa natin dito?"
sumakay naman siya dun sa motor. "lika.. pasyal tayo.."
"sasakay ako dyan??"
"malamang..dali na.."
"di ba delikado yan..??!!"
"wala ka dapat ipag-alala kung kasama mo naman ako."
umupo na rin naman ako dun sa motor.
"wala bang helmet??"
"wala na.. ayus lang yan!"
WATDAHEL?! walang helmet. yinakap ko naman talaga siya ng mahigpit. tapos bigla na lang umandar yung motor. grabe ang hangin eh..
"saan tayo pupunta??"
"kahit saan basta kasama kita.."
` a lil' bit untitled`
ChaptersPrologue Chapter 1 ^ Chapter 2 ^ Chapter 3 ^ Chapter 4 ^ Chapter 5 Chapter 6 ^ Chapter 7 ^ Chapter 8 ^ Chapter 9 ^ Chapter 10 Chapter 11 ^ Chapter 12 ^ Chapter 13 ^ Chapter 14 ^ Chapter 15 Chapter 16 ^ Chapter 17 ^ Chapter 18 ^ Chapter 19 ^ Chapter 20 Chapter 21 ^ Chapter 22 ^ Chapter 23 ^ Chapter 24 ^ Chapter 25 Chapter 26 ^ Chapter 27 ^ Chapter 28 ^ Chapter 29 ^Chapter 30 Chapter 31 ^ Chapter 32 ^ Chapter 33 ^ Chapter 34 ^ Chapter 35^Chapter 36 ^ Chapter 37 ^ Chapter 38 ^ Chapter 39 ^ Chapter 40 ^ Chapter 41 ^ Chapter 42 ^ Chapter 43
BONUS FEATUREChapter 44 ^ Chapter 45 EPILOGUE ♥
Friday, December 11, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment