Sunday, December 20, 2009

EPILOGUE

Pagdating ko sa America, I felt happy. I saw Marge. I saw Tita Lynn and Tito Carl. buti naman at maayus na ang sitwasyon ni Tito Carl. grabe, ang dami kong kwinento kay Marge. simula nung kay Max hanggang ngayon na wala na talaga kami. pero ang sarap nga talaga ng feeling na mainlove. masaya kahit magulo. masaya kahit na nasasaktan ka. pero sa love naman kasi, hindi mawawala yan. hindi pwedeng masaktan ang taong nagmamahal. isa yan sa mga natutunan ko habang minamahal ko si Max noon. nagaral ako ng college dito sa America na ang course ko ay HRM. well, kailangan na yan. ako daw kasi ang magmamanage ng ibang business namin. studies ang naging first priority ko. binasted ko lahat ng mga lalaking nanliligaw sa akin basta ang sinasabi ko sa kanila..

"my heart is STILL beating for someone else.." nakaemphasize pa yun STILL. ibig sabihin lang nun, na kahit hindi ko na siya nakikita. siya pa rin yung gusto ko. siya pa rin yung naandito sa puso ko. kelan pa ba magbabago?!

syempre, nakikipagchat pa rin ako kay na Clarence, Ian, Ivann, Rei, Lance at JC. but i lost contact with Max. hindi na rin kasi kami nakapagchat ni dong0709 which is him. siguro nalaman niya na rin na ako si cutechq09.

dito na rin ako nagtapos. masaya naman dito kahit nga lang di masyado complete yung nararamdaman ko. 4 years akong nag-aral dito. then tapos na ang paghihirap ko sa pagaaral. kaya naman I'm really staying for good. balita ko magasawa na daw si Clarence at Ivann at buntis na daw si Clarence sa magiging first child nila. Si Rei naman, nanliligaw na sa aking bestfriend Marge. at last, nagkameron na rin siya ng lakas ng loob na ligawan si Marge. Si Lance naman aba may seksi at maganda na girlfriend!! aba, himala. nagpakalalaki na pala to!. si Ian naman, ayun, may asawa na rin. ganda ng asawa niya noh?! bestfriend niya nung nagcollege sila. si JC naman balak pa lang magpropose sa girlfriend niya kasi 3 years na silang nagsasama noh?! at ako, wala pa rin. Max pa rin eh. kaming magkakaibigan, iba't iba ang mga naging takbo ng buhay namin. iba-iba yung naging kapalaran namin. iba-iba yung mga nangyare sa lovelife namin.
ang galing nung love story nila Clarence at Ivann. kung ako lang ang author ng love story nila ang title ng storya nila ay "Unexpected Love". kasi naman di ba.. unexpected talaga.
tapos yung kay Rei naman at kay Marge. hmmm. "Destiny's Choice" kasi wala lang. parang kasi kahit dati pa destined na sila para sa isa't isa.
kay Lance at dun sa girlfriend niya. siguro "Complicated Love" kasi naman Complicated naman talaga eh!! HAHA
kay JC at dun sa soon to be fiance niya. hmmm. "True Love" kasi naman di ba. 3 years na sila. malamang totoo na talaga.
kay Ian naman at sa bestfriend niya. hmmm. siguro. "never ending love" kasi naman. parang ang cool nung love story nila. from bestfriends naging lovers kaya naman for sure never ending talaga yan.
yung sa amin ni Max.. it remains "untitled".

untitle nga talaga. wala naman kasing nangyari eh.
"ui.. Chin kain na tayo sa baba..."
"sige.. susunod na lang ako.."
It's time for our dinner na pala kaya naman bumababa na ako. pagdating sa dining area. lahat sila tahimik. ano kayang meron?!

"uhmm.. Chin.. "
"ano yun ma??"
"kasi... sorry kung ngayon lang namin 'to sasabihin sayo.. bukas na kasi flight mo pabalik ng Pilipinas.."
"WATDAHEL?!! ang bilis naman nun.."
"urgent talaga siya.. dapat mo kasing pumunta dun sa important meeting mo para sa business natin"
"bakit hindi na lang kayo?!"
"magiging busy kami bukas marami kaming appointments so ikaw na lang.."
ugh! NO CHOICE. tahimik ako buong gabi. di ako makapaniwala na babalik pa pala ako sa Pilipinas. ugh! ano ba naman kasing klaseng business yun?! aba teka, wala naman kaming business sa pilipinas ah! aba, pinagloloko ba ako neto?!
pero baka naman meron na.. hindi ko lang alam. pero bahala na. wish me luck na lang.

~February 23
eto yung day na tumapak ulit ako ng Pilipinas. grabe, ako lang magisa. basta may binigay sa akin si mama na address. eto daw yung address nung "important meeting". kaya naman sumakay na lang ako ng taxi at binigay ko yung papel kung nasaan yung address.
"manong pakidala na lang ako sa may address na yan.."
"sige po..."

habang nasa byahe, parang familiar ako sa lugar na 'to ah. parang bang nanggaling na ako dito. nakikita ko yung park. yung mall. yung figaro. oh my ghad! please don't stop! then the taxi stopped.
guess what?!
nasa tapat ako ngayon ng dati kong school. sa dorm school ko dati nung highschool. anung klaseng kalokohan 'to?!
"manong, yung school ba yan??"
"opo.. ma'am."
syaks! eto nga. ano ba naman 'to?! anu ba namang klaseng meeting 'to?! putek ah!!
binayaran ko muna si manong at umalis na dun sa kotse. kinakabahan ako bawat step ko pagpasok sa school na yun. kinakabahan ako sa mga makikita ko. nagulat naman ako. bakit ganun walang estudyante?! tuesday ngayun ah. kung walang pasok dapat nasa dorm room sila pero bakit ganun?! wala talagang tao.
pumasok ako dun sa may gym. yung place kung saan ginanap yung prom namin dati. grabe, di ko akalain dadalhin ako dito ng tadhana. nagulat na lang ako may anim na tao na naglalakad papunta sa akin. pero madilim nun kaya di ko sila makita ng maayus. pero nung medyo lumiliwanag na. oh my ghad.!

"Ivann?? Clarence? Ian? Rei? JC? Lance?" it's them!!
yung mga highschool friend ko!! tumakbo agad ako sa kanila at syempre naggroup hug.
"ang laki ng pinagbago mo Chin.."
"masaya ka ba ngayon??"
"oo naman... grabe.. hindi ako makapaniwala!! magkikita pa pala tayo..!!"
"ano ka ba?! eto kaya yung important meeting!!"
asus eto lang pala yung important meeting!! kung sinabi lang talaga sa akin ni mama na eto yun, eh di sana super excited talaga ako. tsaka anung business naman ang sinasabi niya?! pero whatever! ang importante kasama ko dito mga kaibigan ko.
"pero hindi pa 'to tapos.. may tao ka pang dapat makita..."
"ha?!"
hinawakan nila yung kamay ko at dinala nila ako dun sa may garden tapos sinarado nila yung pintuan. ano ba naman yan?! bakit dito pa?! lumapit ako dun sa may bench. and may nakita akong nakatalikod na lalaki. oh my ghad! it can't be him. Lord, please wag. ayoko na talaga siyang makita. lumingon sa akin yung lalaki. at hindi nga ako nagkakamali.
























"Hi Chin.." It's Max. nakangite pa rin siya. ako, naiiyak. di ko alam kung anung nararamdaman ko.
tumayo siya sa akin at humarap sa akin. "di ka ba masaya na makita ako ulit??" tumungo na lang ako. syempre, masaya ako. di ko nga maexpress by words yung sobrang kasiyahan ko eh.
grabe, akala ko it's forever goodbye na nga. hindi pa pala. kasi andito siya ngayon sa harapan ko eh. may kinuha siyang something sa pocket niya. yung dalawnag ring.
"oh?! bakit na sayo yan?!"
"eh di ba binibigay lang 'to sa mga tao na mahal nila.."
sinuot niya sa akin yung ring pero dun sa pinky finger ko lang. di na kasya sa ring finger ko eh. kinuha ko yung isang ring at linagay sa pinky finger niya rin. HAHA.
"sorry kung hindi pa engagement ring yung sinuot ko sayo kasi parang I find this ring more special than any other silver rings.. syempre malaki ang meaning neto sa buhay natin eh..."
tumango na lang ako.
"pero teka.. mahal mo ba talaga ako??"
"oo naman.. kaya nga sinuot ko na 'to sayo eh!!"
"no joke??"
"promise.. mahal nga kita!"
"ows??"
"oo nga.. adik ka rin noh?! tatanungin mo ako tapos hindi ka maniniwala.."
tinawanan ko na lang siya. di ako makapaniwala, all this time mahal niya talaga ako. so parang 15 years niya na akong minamahal. :))
"eh ako mahal mo pa ba ako??" gusto kong sabihin na oo. sobrang mahal na mahal ko siya. pero di ba nga, di ko kayang iexpress through words.
"ewan ko.."
"ha!? alam mo ba pinaghirapan ko ang lahat na 'to tapos ngayong tinatanong kita kung mahal mo ako.. yan ang sagot mo.. tss.."
"ano ka ba?! wala naman akong sinabi na hindi kita mahal eh.."
"so mahal mo pa ba ako??"
"ewan ko nga..."
"kelan mo pa malalaman ang sagot?!!"
"ngayon..."
"nyek.. eh di paghihintayin mo pa ako dito.."
"hindi naman.. pwede na nga natin malaman ngayon talaga kung mahal ba kita o hinde..."
"sige nga ... paano?!"
"di ko kayang magisa.. kailangan ko ang tulong mo.."
"sige... dali na.. paano??"
"kiss me..."
nginitian ko siya. ngumite rin naman siya sa akin.


at that time, nagkakaintindihan na ulit kami. hinawakan niya yung right hand ko then hinawakan niya yung leeg ko with his left hand and kissed me. he gave me a passionate kiss...















the I knew HE was the ONE
























minsan may mga lovestory na unexpected tulad ng sa amin. siguro naman kasi, destiny na namin talaga na kami na forever. so it's just destiny's choice. We also experienced complicated stuff pero lahat yun naovercome namin kasi syempre true love eh and it's really never ending. it may sound corny pero eto na yun eh. This is how Destiny set us up. ngayon, ang love story namin ay hindi na untitled dahil medyo...

















a lil' bit untitled na lang siya ngayon. kung sa tingin niyo eto na ang katapusan. hindi pa because..

















Real love stories never have endings. kaya naman tuloy-tuloy pa rin :)


END ♥

No comments:

Post a Comment