Friday, December 11, 2009

` Chapter 28

~October 30
parang nagblackout talaga yung utak ko kagabi. waaa. nakakaines talaga! argh! di na pala dapat ako sumama kay Chelsea. bumangon naman ako sa kama ko. walang tao sa kwarto kundi ako pero nasa resthouse ako. buti naman. napabuntong hininga na lang ako. lumabas ako ng kwarto. nakita ko sa baba na sinesermonan ni Max si Chelsea.
"bakit mo kasi siya dinala dun?! sira ulo ka rin noh?!"
"sorry talaga Max.. di ko naman alam na ganun pala ang kahihinatnan nila eh.."
"pwede ba lumayo ka na nga kay Clarence lalong lalo na kay Chin.. ikaw talaga may kasalanan kung bakit muntik na silang mapahamak. paano kung marape sila?! palibhasa ikaw.. ayus lang sayo kahit marape.. wag mo nga sila idamay sa kalandian at kalokohan mo!! at sa susunod kung may gagawin kang katarantaduhan, wag mo na sila isama!"
ang sama magsalita ni Max. galit na galit talaga siya. iyak na nga ng iyak si Chelsea eh.
"sorry talaga Max.."
"tigil niyo na nga yan.."
tumingin naman sa akin sila Rei.
"oh.. ikaw naman.. bakit ka kasi nagpakatanga na sumama sa Chelsea na 'to??!!"
"nagyaya siya.. malay ko ba na yun ang pupuntahan namin tsaka tapos na ang lahat.. wala namang masamang nangyare sa amin ni Clarence eh.."
"Di mo kasi nakukuha yung point eh! "
"anu ba kasi yung point mo?! kung sinasabi mo naman kasi eh di sana naiintindihan ko!"
"di mo ba alam kung gaano ako nagaalala para sayo .. para sainyo..! di lang ako... pati sila Rei, si JC, Ivann , Ian at Lance.. oh ano.. naiintindihan mo na ba?!"
di ako makapagsalita. grabe, napapaluha ako.
"PUTEK!" pumunta naman na siya sa kwarto niya at nagkulong. napabuntong hininga na lang ako. naiinis ako sa sarili ko.
"guys.. sorry talaga.."
"ayus lang yun.. hayaan mo muna si Max na magpalamig ng ulo niya.."
"Chin.. ayus ka na ba??"
tumango na lang ako. inakbayan ni Ian si Clarence at ako.
"kayo talaga.. next time.. wag niyo na yun gagawin ah!!"
"oo nga.. alam mo namang pag napahamak kayo.. makokonsensya kami!!"

napapaluha talaga ako. di ko akalain ang dami palang tao na nag-aalala sa akin. natutuwa ding isipin na nagaalala rin sa akin si Max.
"basta magusap na lang kayo ni Max mamaya ha.." andito nga pala si Chelsea kaya naman kailangan magpretend na kami na. pero yung nangyari kanina, parang di na siya pretend. grabe, ganun na lang ba niya ako kamahal?? mali pala ang tanong ko.. mahal niya rin ba ako?? tsk. ayokong magisip ng ganyan kasi sa huli magsisi rin lang ako. tumango na lang
ako kay JC. nagulat naman ako, pagkatingin ko sa labas, aba.. gabi na!!
"bakit gabi na?! ilang oras akong natulog?!"
"ngayon mo lang nalaman!! ang tagal kaya ng tulog mo.. nasobrahan ka ata sa alak.."
"ganun ba yun??!!! first time ko kasi eh!!"
di ko maexplain ah! ang late ko na talagang nagising. shet! nakakaines! lumabas naman muna ako sa may balcony para makapagisip-isip pero ngayon ibang tao na ang tumabi sa akin. si Chelsea.
"Chin.. sorry talaga ha.. ako ang may kasalanan kung bakit nagaaway na kayo ni Xavier.."
"ayus lang.. kakausapin ko siya mamaya.."
"alam mo ba nung una ko kayong makitang magkasama.. nagkameron na talaga ako ng doubt na hindi naman talaga kayo at nagprepretend lang talaga kayo.."
WATDAHEL?! pano nya nalaman?!!
"ha?!!"
"pero ngayon, i realized na kayo talaga.. parang feel na feel ko kasi talaga yung intense love niyo sa isa't isa.."
intense love?!!
"from the start naman kasi ang plano ko ay sirain ang relationship niyo.. and nangyari nga pero lalo akong nalungkot kasi.. nasira ko yung napaka thick na bond between you and Xavier.. kaya sorry talaga.."
"di ko akalain planado pala yun.."
"sorry talaga.. lalayo na talaga ako.. promise.. sorry talaga.. pababayaan ko na kayo ni Xavier.."
napabuntong hininga na lang ako. nagmumukha na kasi siyang tanga eh. wala namang thick bond between me and Max eh.
"may aaminin ako sayo.. pero sana wag kang magalit.."
"sige anu yun??"
"from the start naman, di talaga kami ni Max eh.. may special feelings ako para sa kanya pero sya wala para akin.. sa pagkakaalam ko.."
napatigil ako.. "ginawa lang namin yun para maprove sayo na hindi kayo MU at never kayong naging MU"
"alam ko naman yun eh.. ako lang ang may feelings para sa akin.. masyado ko lang ginawang ilusyonada ang sarili ko.."
alam naman pala niya eh! "matagal ko na ring alam yun.. sinabi sa akin dati ni
Xavier yun na may gusto siyang iba.. pinakita pa nga niya sa aking yung picture eh pero yung picture na yun `bata` eh kaya di ko na marecognize yung mukha.." hmmm.. sino kaya yun?! tsaka kung alam naman pala ni Chelsea na di sila MU,bakit kailangan pa namin magpretend?! for sure, alam ni Max na alam ni Chelsea na wala talaga siyang special feelings para dito. argh!
"ganun pala.."
"so siguro.. di yung pagpro-prove sa akin ang dahilan ng pagyaya sayo na magpretend.. siguro may deeper reasin pa yun.."
tumango na lang ako.
"kausapin mo na siya.. baka hinihintay ka lang niya.."
"aaahh.. sige.."
iniwan ko naman siya dun. aba, maraming ieexplain sakin si Max noh?! aba... magsisinungaling pa ata yun sa akin! pumasok agad ako sa kwarto niya. di man lang ako kumatok eh?! HAHA. nakita ko siya nakaupo dun sa kama, tinabihan ko naman siya.
"Oi.. alam mo bang ang dami kong itatanong sayo?!!"
aba.. hindi namamansin!!
"mamansin ka nga!!"
aba.. wala pa rin!!
"pinagpretend mo pa ako na girlfriend mo para maprove na di kayo MU ni Chelsea eh.. pero matagal na palang alam ni Chelsea na di talaga kayo MU??!! aba.. explain mo naman sa akin yun??! pinahirapan mo lang ako na magpretend.. ang hirap kaya nun?!!"
"ha?!?!!"
at last, nagsalita na din!!
"inamin ko na kay Chelsea ang lahat.. sabi niya dati pa niyang alam na di kayo MU!! ikaw pa nga nagsabi sa kanya?!! so ngayon?!?! bakit kailangan pa natin magpretend.."
di siya kumibo..
"sabihin mo nga bakit??!!!"
"wala lang.."
"anung wala lang??!! baliw ka rin noh?! pumayag ako na magpayakap at magpaakbay sayo.. napilitan na nga rin akong halikan ka tapos ngayon wala lang!! aba, magbigay ka naman ng respeto..!!"
"may gusto lang naman ako maexperience eh.."
"ano naman yun ah??! siguro naman may other ways di ba?!!"
"eto lang ang way.."
"bakit ??! ano ba yun??!!"
"gusto ko kasi maexperience na maging girlfriend ka"
parang tumigil yung oras. pero tumitibok pa rin yung puso ko. grabe..
"eh di sana niligawan mo na lang ako?!?!!"
"bakit?! sasagutin mo ba ako?!!"
di ako makapagsalita..
"bakit ?!papayagan mo ba ako.."
speechless...
"tsaka naexperience ko naman na eh, so no use na rin.." napapaluha ako.. grabe.. ang sakit.. parang sinasabi
lang niya na parang wala ako sa kanya. grabe, ayaw ko ng magsalita.. ayoko na.. ayoko ng maramdaman 'to.

"wala ka talagang kwenta??!!"
"ha?!!"
"nakakaines ka talaga!! putek ka!! experience lang ba kailangan mo??!! bakit ako pa?!! pwede namang si Clarence.."
"di ko pwedeng gawin yun kay Clarence.. may gusto siya sa akin.."
argh! ang sama!! "kaya ikaw na lang.. wala ka namang gusto sakin di ba?!!"
"paano mo nasasabi yan na parang wala lang sayo?! bakit?! anu bang alam mo?! wala ka namang alam tungkol sa akin di ba?! kelan mo pa ba binuksan yung mga mata mo??!! di mo lang kasi alam..."
siguro eto na yung tamang oras para sabihin sa kanya. pero yinakap niya ako bigla..
"ako ba ang sinasabihan mong walang alam??" di na ako makapagsalita kasi iyak ako ng iyak. "ikaw din kaya.. wala ka ring alam.. di mo man lang alam na maraming nag-aalala sayo." napabuntong hininga na lang siya."di ba sabi ko naman sayo kahit dati pa..














































..pagawa mo na lahat sa akin wag lang ang pagaalalahin ako"
humiwalay ako kaagad sa kanya,
"pwede ba.. Max.. wag mo na akong sabihan ng mga ganyang bagay??!! please.. itigil mo na yan.. kung di mo rin lang naman kayang iparamdam sa akin?!?!"
"anong ibig mong sabihin?!!"
"kasi kahit kelan?! never kong naramdaman lahat ng sinasabi mo sa akin?!! wag mo naman ako paasahin.."
tumayo naman ako tapos hinawakan niya yung kamay ko.
"sorry kung di ko kaya.."
humarap ako sa kanya. pinilit na ngumite.








































"ayus lang yun.. sanay na naman ako.. lika na.. baba na tayo.. kanina pa ata nila tayo hinihintay"
halatang nanibago siya sa kinilos ko. pinahid ko naman yung luha ko.
"ok na ba tayo?"
"oo naman.. kelan pa ba hinde??!!"
lumabas na kami ng kwarto. di ko pa rin nasabi sa kanya na mahal ko siya. nakailang attempts na rin ako pero puro failed. siguro, di lang talaga kami meant to be. siguro, di ko na dapat isipin na magtapat sa kanya. di ko naman na nakita si Chelsea
"asan si Chelsea??"
"umalis na siya.. umuwi na.."
"ganun ba.."
tumahimik ang lahat.
"umalis na kaya tayo dito.. gusto ko ng umuwi eh.. masyado ng nakakastress yung tagaytay vacation natin" nagulat talaga sila
"sure ka??! gusto mo ng umuwi?! may 3 days pa tayo oh!"
"ayoko na talaga dito.. please.."
"sige.. tatawagan na namin yung driver."
pagkatapos naman ng mga 1 hours, dumating na yung driver. grabe, at last, makakauwi na rin kami! sumakay na kami dun sa van. as usual, nagkwentuhan except sa akin. wish ko sana..
maging normal na ang lahat
sana di ko na lang minahal si Max
para di na ako nasasaktan
para di na ako mahihirapan na magtapat sa kanya
para di na ako nadedepress
para di na ako nagseselos
para wala na akong kalungkutang mararamdaman

mas masaya pa yun. mas masaya pa ang buhay ko nung wala si Max kaso nga lang dumating siya.
yan tuloy.. nagulo na ng bonggang bongga ang buhay ko.


No comments:

Post a Comment