Saturday, December 5, 2009

` Chapter 17

natigilan ako sa mga sinabi sakin ni Ian
"pero Ian, ayokong umasa.. kasi alam ko masasaktan rin lang ako"
"paano ka nakakasigurado??"
"basta.. mahirap masaktan Ian.. mahirap talaga"
tumayo na lang ako at pumunta dun sa may mga benches. parang na ngang di fieldtrip 'to eh. parang ka lang nagbakasyon pero siguro mabuti na rin ito, para makapagisip-isip ako ng mga nararamdaman ko. buti na lang at tahimik.
di lang naman swimming ang ginawa namin dito. i mean nila pala. di kasi ako nakijoin sa mga fun games eh. wala talaga ako sa mood. kaya naman tambay lang talaga ako dun sa may bench habang nagbabasa ng new moon. malapit ko na nga rin palang matapos. HAHA. buti naman. isusunod ko na ang eclipse.
bigla na namang tumabi sa akin si Max. argh! ayoko talaga ng ganito eh
"tahimik mo dyan?"
"bakit ba?!!"
"wala.."
konting katahimikan. walang umiimik.
"bakit ayaw mong magjoin sa fun games??"
"ayoko eh.. ikaw?"
"ayoko din.."
katahimikan na naman. argh! nakakabinge!! nakakaines.
"may problema ba tayo??" nagulat ako sa tinanong niya. seryoso kasi talaga yung mukha niya nun eh. di lang talaga to pang-aasar.
"wala.." medyo mahina kong sinabi sa kanya..
"kung di mo pa rin nakakalimutan yung sinabi ko sayo pagkatapos nung camping natin, sorry talaga.. di ko naman talaga sinasadya yun.."
"ano bang pake ko sa mga sinabi mo nun?!!"
argh! ayoko ng alalahanin pa yun..
napabuntong hininga na lang si Max.
"I thought you were affected..." weirdo talaga. nakakaines . argh!
"affected??!!! ASA!!" amf! kailangan kong magsinungaling.
"I just thought.. sorry"
"tss.. DAHEL?!"
ok.defensive mode.
"sana pala di na lang ako umasa sa akala.."
napatingin naman ako sa kanya. seryoso yung mukha niya pero nakangite siya. werid noh.
"ang hirap pa lang umasa.."
"bakit?! anu bang inaasahan mo sa kin.."
"i just thought.. you would understand all the crazy things I've done for you"
"ha?!"
ngumiti lang naman siya sa akin.
"nevermind na nga lang.." tumahimik na lang ako. ayoko ng marinig ang mga sweet words niya. argh! lalo lang akong umaasa. pinanuod na lang namin yung mga students na nagswi-swimming at nagbabasaan dun sa swimming pool. grabe, ang kukulet. tawa nga kami ng tawa eh.
mga 7 pm na rin kami lumarga. si Charm naman, natulog sa bus. knockout agad eh. ako naman, buhay pa rin, di naman kasi ako pagod.

naisip ko din yung sinabi ni Max sa akin kanina. alam kong may ginagawa siyang mga crazy at weird things pero para sa akin ba yun? tsaka ano ba ang dapat kong intindihin?! argh! eto na ba yung sinasabi sa akin ni Ian na pagkabulag ko sa pagibig. napabuntong hininga na lang ako. grabe, ayoko ng ganito. gusto kong maging normal ang lahat. ayoko ng may kung anu-anong sinasabi sa akin si Max. argh!
"Oi" grabe ah, si Ivann naninira na ng pag-eemote ko dito! HAHA
"bakit Ivann??"
"wala lang.."
nagkwentuhan naman kami ni Ivann tungkol sa kung anu-ano. nung mga time na yun, medyo nakalimutan ko yung mga weird na iniisip ko. buti na lang. after 2 hours ng byahe, at last nasa dorm na kami. sabay na kaming pumunta ni Max sa kwarto. binuksan ko muna yung computer. ayaw ko muna siyang kausapin. siya naman, parang wala ring balak kausapin ako. nag laptop na lang siya dun sa kama niya. syempre, inopen ko yung ym ko at nagsearch ng kung anu-ano. after mga 30 minutes, biglang nag online si dong0709.
dong0709: hi!!
cutechq09: long time no chat.. musta??
dong0709: medyo nalulungkot..
cutechq09: bakit naman??
dong0709: i'm still in love with her..
grabe, nakakagulat yung chika sa akin ni dong0709. in love pa rin siya dun sa kababata niya. nakakaawa talaga love story ng lalaking to. buti na lang di ko naikwento sa kanya yung tungkol kay Max. kasi ini-spend niya ang aming 2 hours of chatting sa pagkwekwento ng nakakaawa niyang love story. pagkatapos nun, bigla naman siyang nagoffline. yan.. boring na naman. si Max naglalaptop pa rin. argh! serious pa rin siya. nagbasa-basa na lang naman ako ng mga comments na kung sino-sino. dahil super boring na talaga, in-off ko na lang yung pc. pagkatingin ko naman kay Max, nakasarado na rin yung laptop niya, tapos nakahiga siya sa kama niya. kakausapin ko ba siya?? kung oo, anung sasabihin ko?? kaya siguro, wag na lang. lumabas naman muna ako ng kwarto at nagpahangin sa may balcony. grabe, ang lamig eh. tapos ang daming stars nakakamangha. di pa nga ako inaantok eh. ewan ko kung bakit.. bigla namang bumukas yung pinto namin pero di ko na pinansin, si Max naman yun for sure. bigla namang tumabi sa akin si Max. walang nagsasalita. napaka tahimik.
"di ka namamansin ah!" kailangan kong basagin ang katahimikan. nakakabinge na eh! HAHA
"ganun ba?! sorry naman di ba?!" napangiti na lamang ako..
"alam mo ba.. Max.." napatigil ako..
"di kita maintindihan..kung anu man yung gusto mung sabihin sa akin.. sana naman sabihin mo na lang ng diretso para di na ako maguguluhan kasi.. pag nagiisip ako, di talaga ako makatulog.. baka magkaeyebags na ako!! " syempre, pajoke pa din.
"ang dami ko kasing gustong sabihin sayo eh"
"eh di isummarize mo.."
"kung sabihin ko man sayo.. maniniwala ka ba??"
"depende.. kung kapani-paniwala.."
"kung isusumarize ko, maiintidihan mo ba??"
"oo naman!!"
"pero pag sinabi ko sayo, gusto kong wag ka ng magsalita pagkatapos nun.."
"bakit??"
"basta.."
napabuntong hininga na lang siya. ako naman, kinakabahan. parang anytime eh, lalabas na yung puso ko. bigla niya naman akong yinakap..then he said those words.. yung mga words na gusto kong marinig sa kanya





















"i love you and i hope you feel the same way too" oh my ghad?! syaks!
"wag ka ng magsasalita ah"
humiwalay naman ako sa kanya. maniniwala ba ako?? siguro oo.. kailangan ko na bang sabihin sa kanya yung nararamdaman ko. pero siguro, dapat na nga..
"Max, I-" bigla niyang tinakpan yung bibig ko.
"kakasabi ko lang wag ka ng magsalita" bigla niya naman akong hinila papunta sa loob ng kwarto
"matulog ka na.. sana naman makatulog ka na .."
tumango na lang ako. humiga na siya sa kama niya at humiga na rin ako sa kama ko. magkatalikod kami habang nakahiga.
di ko talaga makalimutan yun. masaya ako. sobra. may gusto din pala sa akin si Max. siguro, malapit ko na rin talagang aminin sa kanya ang tunay na nararamdaman ko. after all, siya naman ang gumawa ng first move. pero seryoso ba talaga siya?? napabuntong hininga na lang ako. hinwakan ko yung cellphone ko. itxt ko kaya si Max. kung tanungin ko naman kasi siya ng personal, baka di niya sagutin, kasi di ba bawal akong magsalita.

To: Max S.
cryos
o ka ba??

pgu-oo siya dito, masaya na talaga ako. eto na talaga ang pinaka masayang araw ko!!

From: Max S.
i'm kinda joking. hehe

ha?! joke?! lahat yun joke?! lahat yung kasinungalingan?!! WATDAHEL?!
ayoko na siyang replyan. SYAKS! ang sakit naman nun. joke yun? DAHEL?! di siya nakakatuwa.

unti-unti ng lumalabas yung mga luha ko. sabi ko na nga ba eh, tanga ko namang isipin na mahal niya ako. ang ambisyosa ko nga namang maniwala na mahal niya talaga ako. ang tanga ko talaga. di naman niya ako gusto eh. pinagtri-tripan niya lang naman ako eh. katangahan ko naman talaga! bakit ako nagpadala sa kanya?! bakit ako naniwala agad sa kanya?!! waaa
ayoko na talaga..
suko na ako..


























i'm finally closing the doors of my heart. wala na talaga. tapos na talaga. never na akong magpapapasok ng lalaki sa puso at buhay ko.

period. NO ERASE!

1 comment:

  1. labszx'q?!! huhuuhu lam mo nmn kung bkt aq naiiyk dba?? naikwn2 n sau dba?? :'[

    ReplyDelete