Sunday, December 13, 2009

` Chapter 32

naligo naman ako at nag uniform tapos lumabas na ng room tapos bumababa na rin ako. nakita ko naman sila Clarence, Max, Ian, JC, Ivann , Rei at Lance na nakatambay dun sa bleachers sa may fields. napatingin naman sa akin si Ian.
"here comes the bride oh!"
"anung bride ka dyan?!"
"nagdeny pa oh!! yung groom mo andito oh!!"
tumingin naman ako kay Max. argh! nahihiya pa rin ako.
"nakaisip ka na ba??"
"wala pa.."
"wag na nga kayo magplano na paghiwalayin ang sarili niyo!! may gusto naman kayo sa isa't isa ah!"
naguguluhan ako ah! may gusto pa rin ba sa akin si Ivann?? hmmm..
"wala ah!!"
"defensive pa talaga oh??!!"
si Max naman. pangite-ngite lang.
"lika na nga.. punta na tayo sa rooms natin.."
"oo nga .. lika na!!"
tumayo naman na sila tapos naglakad kami papasok ng school. medyo naiwan kami ni Max.
"thanks nga pala.." binulong ko sa kanya..
"para san??"
"dun sa note.. nagandahan ka talaga sa akin eh.."
"di ba sabi ko sayo.. wag lalaki ang ulo.."
"di naman nalaki ang ulo ko ah!!"
tapos yun, pumasok na siya sa room niya. bago naman ako pumasok sa room namin, ngumite muna ako. grabe, nakakakileg talaga. pagupo ko dun sa upuan ko. tinabihan agad ako ni JC at Ivann. aba, anung problema ng mga 'to?!
"oh?! anung meron!?"
"may gusto ka kay Max noh?!!"
"wala ah!!"
"wag ka na nga magkaila!! may gusto ka dun ah!!"
"ha?! wala nga.."
"wag ka na magsinungaling sa amin.."
"di naman ako nagsisinungaling eh"
ang bad ko! >:))
"nagsisinungaling ka talaga.."
"bakit niyo ba gustong malaman?!!"
"wala lang.. nahahalata namin eh.."
"eh alam niyo naman pala ang sagot eh.. bakit niyo pa tinatanong?!!"
"so may gusto ka sa kanya?!!"
"meron.."
medyo hininaan ko yung pagkakasabi ko. nakakahiya kaya. grabe talaga ang convincing powers ng dalawang 'to. napilitan tuloy akong umamin!
"sabi na nga ba eh!!"
"at dahil dyan.. gusto mo bang ilakad kita kay Max??"
"ha?? "
"gusto mo naman eh.."
"medyo.. siguro.."
"sus.. pakipot ka pa!! gusto mo rin naman eh.."
"oo na.. ilalakad mo ba talaga ako??"
hmmm.. di ba may gusto sa akin si Ivann?? napapaisip ako ah!
"oo naman.. may isa nga lang kondisyon.."
"sige anu yun??"
"ilakad mo si Ivann kay Clarence.."
kay Clarence?!! gosh!
"akala ko sa akin may gusto si Ivann??"
"dati lang yun.. medyo nadedevelop ako kay Clarence eh.."
ohhh.. i see.. hmm
"sige.. ilalakad kita.. ilalakad mo ko.. deal na yun ah"
"oo DEAL.. ako bahala.."
napangite naman ako. HAHA. magwo-work out kaya tong lakaran na 'to. don't worry Ivann, hinde kita ililigaw!!! HAHAHA. "and oo nga pala.. birthday niya sa 29"
"oh?! talaga!! ngayon ko lang nalaman yun ah!!"
"may plano na kami.."
binulong sa akin ni Ivann at JC ang plano nila. oh my ghad! anung klaseng plano to?! grabe.. aba.. di ko muna sasabihin sa inyo para suspense. HAHA. malalaman niyo rin naman eh. pero grabe, kaya ko bang gawin yung planong yun.?!! WATDAHEL?! magbackout kaya ako?!
"di ko kaya yun?!!"
"anung di mo kaya?!! kayanin mo??!!!"
"eeehh?!!!!"
waaa.. di ko kaya yung pinagsasabi nila!! WATDAHEL?!
"pumayag ka na!! tutulungan ka naman namin eh!!"
"di ko talaga kaya!!"
"kayanin mo!! sige na please!!"
napabuntong hininga na lang ako. ano ba 'tong pinasukan ko?! tsk!
"sige na!!" huhuhu.. save me!! di ko kaya yung pinapagawa nila sa akin!! tapos tumingin sila sa akin at ngumite. di lang pala basta ngite. *evil smile*. mapagkakatiwalaan ba 'tong mga mokong na 'to!?! baka naman sabihin nila kay Max!! ugghh!!! nakakaines naman oh. bigla naman ng pumasok yung first period teacher namin tapos nagklase dahil boring di na ako nakinig. nakatatak pa rin sa isip ko yung plan . waa.. di ko talaga kaya yun?! alam ko di niyo alam yung plano at mukhang nao-OP na kayo.. pero ayaw ko pang sabihin sa inyo para surprise. HAHA. nung lunch break na namin, as usual nagkita-kita kaming magbabarkada tapos kumaen. nakita ko naman si JC at Ivann, nakikipagusap kay Max ng masinsinan. tinitingnan ko nga ng masama eh. ano kayang sinasabi nila kay Max??!! argh! di ko namalayan may kwinekento pala si Lance sa akin. di ko na napakinggan.
"Oi.. bruha.. nakikinig ka ba??"
"ha?! anu nga ba yung sinabi mo?!!"
"anak ng kulambo naman oh?! kanina pa ako kwento ng kwento dito, di ka man lang nakikineg.."
"sorry talaga Lance.. nawawala sa wisyo eh.."
"ugghh!! ayoko talaga ang ugali mo pag wala sa wisyo!!"
"sorry talaga.."
pagkatapos naman nung lunch break namin, dumiretso na kami sa classroom. nalaman ko lang na di aatend yung teacher namin. bwahaha :)) ang saya naman. dahil super boring sa classroom. tinext ko si Ian. siya lang naman kasi palagi ang natatakbuhan ko.

To: Ian
IAN!!!

sending..

SENT!

From: Ian
yes? anu un?

bilis ng reply noh?!! HAHA

To: Ian
usp 'let tau sa plyground..pls..

From: Ian
geh.dun n tau kita

ang lakas ko talaga kay pareng Ian. HAHA. pumunta naman agad ako dun sa may playground. aba, andun na siya. bilis din noh?! HAHA
"oh?! ano na namang problema mo??"
"wala akong problema ah!!"
"wow.. himala.. ang alam ko nagpupunta ka lang sa akin pag may problema ka.."
"ngak! anu ka ba?! friend kita di ba?! kaya naman magkasama tayo during bad times at syempre, di naman pwede na di kita isama sa happy times ko di ba?!!"
"masaya ka na ngayon?!"
"syempre!!"
ngumite talaga ako. grabe, ang saya ko eh!
"alam mo ba.. parang ngayon na lang ulit ako nakakita ng napakasayang ngite na yan?!"
"talaga?!! ganun ba talaga kahaba ang panahon na malungkot ako?!"
"di mo rin namalayan noh?!"
"oo nga eh... haaaaay.. basta ang saya ko talaga.. hindi dahil naengage ako kay Max pero isa na rin yun sa dahilan.. tapos wala na ring gusto si Clarence kay Max.. bongga di ba?! wala na akong pagseselosan?!.. tapos si Ivann may gusto na kay Clarence kaya naman ilalakad ko siya kay Clarence tapos ilalakad niya ako kay Max!! tapos birthday na ni Max sa 29, tapos may secret plan na parang ewan.. excited na nga ako eh! .. tapos sabi ni Max sa akin, nagandahan siya sa akin tapos natutulala siya sa akin.. grabe.. nakakatunaw pa yung tingin niya tapos yinayaya niya na ako ng date!! grabe, Ian! ang dami kong kwento sayo tapos ngayon ko lang nasabi.. grabe.. ang saya saya ko talaga.."
nahahalata ko naman na hindi nagsasalita si Ian samantala ako dada ng dada dito. ohh.. nasasaktan ba siya??..
"Ian.. sorry.."
"bakit ka nagsosorry??"
"nasasaktan ka ba??"
"wag mo na isipin yun ang importante masaya ka.."
parang naman nakokonsensiya ako. parang may mali ako dito?! mali bang tratuhin si Ian bilang kaibigan?! pero may gusto siya sa akin.. for sure.. may nararamdaman siya kahit na konting sakit. waaa.. ang bobo ko talaga.. dapat di na ako nagsasalita ng mga ganito sa kanya!
"sabihin mo na nga kasi yung totoo.. ano na ba kasi yung nararamdaman mo??"
"masaya ako.."
"ha?!"
"masaya ako para sayo.. masaya ako kasi masaya ka.. pero may isang tanong lang ako.."
lumapit naman ako sa kanya pero unti lang. di sobrang lapit.






























"panu na lang ako??"

No comments:

Post a Comment