Tuesday, December 8, 2009

` Chapter 19

eto na naman yung palpitation. parang anytime talaga, lalabas na yung puso ko. ayoko ng ganito. humiwalay naman siya sa pagkakayakap sa akin. napayuko na lang ako. hindi ko alam kung anung sasabihin ko. tapos tumayo naman siya at humiga na lang sa kama niya. nakatalikod siya sa akin.

"salamat" argh! yan lang ang masasabi ko. ewan ko kung anung reaksyon niya pero sa tingin ko napangite naman siya. humiga na rin ako. at natulog. grabe, ewan ko. parang kinikileg ako. pero syempre, ayaw kong umasa. i should learn from my mistakes na noh.

marami na rin ang days na nakalipas. tadtad na naman kami ng homeworks kaya naman lagi akong online at palagi ring online si dong0709. according sa kanyang buhay love, maganda naman na ang kanyang pakikitungo sa kanyang kababata pero siguro, nagkamali na rin ako ng advice sa kanya na mahalin ang best friend niya kasi bawal namang diktahan ang puso di ba? kaya naman binawi ko na sa kanya yun. he should follow his heart.

~
October 21
umagang-umaga, binulabog na agad ako ng tumutunog kong cellphone. argh! gusto ko pa namang matulog kasi saturday nun at sa 23 , pwede ng lumabas ng campus dahil sembreak na! HAHA. kinuha ko naman agad ang cellphone ko.. and guess who's calling.. it's my mom.

"ma.. bakit kayo napatawag??"
"parang ayaw mo ata akong patawagin ah!"
"hinde ma.. ano ba kasi yun??"
"di ba sa
23 na start ng sembreak niyo..?"
"yep.."
"malapit na rin birthday mo.. anung plano mo?"
"wala pa ma.."
"buti naman.."
"bakit ma?"
"may plano na kasi ako sa inyo.. bawal ka na tumanggi kasi naayus ko na yung resthouse at yung para sa transpo niyo!"
"ha?! ma.. di ko maintindihan!! san ako pupunta??"
"hindi lang ikaw daughter! kasama mo barkada mo.. pupunta kayong tagaytay.. bongga di ba?!"
"tropa?!! ilan?! bakit di niyo sinabi kaagad??!'
"basta ikaw na bahala kung sino isasama mo.. basta sa 23 ang alis niyo.."
"bakit di niyo sinabi ng maaga?!!"
"basta!! sige.. bye na.. may meeting pa kami dito"
"ma?!!"
di na umabot ang last kong hirit. napabuntong hininga na lang ako. gumising naman si Max.

"oh? sinong tumawag??"
"si mama.."
medyo nakakaines yung itsura ko niyan!
"anong sabi?"
"magbabakasyon daw.. sa tagaytay.. sa 23 daw"
"paano na transpo? paano yung tutuluyan??"
"ready na daw lahat.. as in wala na daw aalalahanin.."
"sino isasama mo??"
"pakipot ka pa gusto mo din naman sumama!!"
"malamang..!!"
ang kapal ng mukha ng lalaking ito! pero isasama ko naman talaga siya..
"oo na!! parang naman may choice pa ako.."
"isama na lang natin si Ian, Rei, JC, Lance at Clarence"
argh! CLARENCE??! pero sige na rin. amp!
"sure.." NO CHOICE. argh!
"inform na natin sila.."
"sige.. ikaw na bahala dyan"
bigla naman niyang kinuha yung cellphone niya. di rin halatang excited siya noh! HAHA. tinext niya sila Ian para inform sila. pumayag naman sila! ang saya! grabe, magandang birthday celebration 'to.

~October 23
ayun. obtober 23 na.. pupunta na kaming tagaytay. syempre, nagimpake na kami ni Max maaga pa lang. hapon kasi ang paglarga namin. pagdating nung mga 3 pm. grabe ah, halos wala ng laman ang campus, masyadong excited ang mga students na makalabas na ng campus. nagkita-kita naman kaming lahat sa may fields.
"grabe ah! bongga ka Chin! tagaytay!!"
"dala niyo ba mga digicam niyo?!"
"syempre, kelangan ng pictures dun noh!!"
"picture muna tayo ngayon!!"
sinet-up naman ni Rei yung digicam sa tripod at in-on yung timer ng digicam for 5 seconds. syempre, kami todo pose. katabi ko nga si Max nun eh. HAHA. grabe, first picture. pagkatapos nung pictire taking na yun, lumabas na kami ng campus.
"at last! nakalabas na din!!"
nakita naman namin kaagad yung van. at pumasok na dun. pinaggitnaan ako ni Lance at Clarence tapos syempre chikahan. si Max naman malapit lang dun sa may bintana.
mga 2 hours din yung byahe namin, dahil nakailang stop over din kami dahil kay Lance na palaging naihe! nakakaines ah! HAHA. nagulat naman ako, ng parang may nakita si Max na something na nagpapangite sa kanya pero di ko ma-gets kung anu yun. pero wala na akong pake dun. HAHA. pagkatapos nung mahabang byahe, nakarating na kami dun sa resthouse. 2 floors siya tapos mukhang elegante talaga. sa totoo lang, sa tito ko 'to, hiniram lang ni mama.
"wow.. Chin, bigtime ka ah!"
"di ah!!"
"bongga!! may swimming pool!!"
may 3 rooms siya tapos swimming pool. kitchen, dining at living. ang galing nasa isang bahay lang talaga kami ng tropa. pero may problema kami..
"OI.. GUTOM NA AKO!! sinong magluluto??!!" yan.. sino ang magluluto??!!
"hala.. di ako marunong magluto.. chin?! ikaw marunong ka ba?!!"
"hindi eh!!"
"di bale marunong ako!"
PROBLEM SOLVED

wow. si IVANN marunong. galing ah!!
syempre, pagkatapos ng 45 minutes niyang pagluluto, aba, ang kinalabasan kare-kare. yum! ang sarap grabe!! kaya naman kumain talaga ako ng marami. grabe. busog ako dun ah.

"movie marathon tayo!!" hay nako. ayoko ng ganito. mga horror movies kaya ang pinapanuod nila. kaya naman di na ako nanuod. di ko matake kasi yung mga patayan chuvaness kaya naman pumunta ako dun sa rooftop. grabe ah, ganda ng view. ang daming ilaw. gabi na kasi eh! grabe talaga. bigla na namang may lumapit sa akin.

"Oi.."
si Max. palagi naman..
"ano?"
"ang ganda dito ah!! bigtime ka pala eh"
"oo na!"
katahimikan. palagi naman..
"ano nga pala yung nakita mo kanina habang nabyahe tayo?? nakita kasi kitang napangite nung nagstop over tayo eh.." curious ako! HAHA
"uhmm.. yun ba.." waiting for his answer.. napapatitig ako sa kanya..



























"it's just something that will make you happy.." napangite ako agad eh. :)

No comments:

Post a Comment