Friday, December 11, 2009

` Chapter 25

"KISS?!!" WATDAHEL?!
"oo.. bakit anung problema dun?? magkarelasyon naman na kayo.. siguro naman, nagawa niyo na yan.." nagawa na nga namin pero di naman talaga kami magkarelasyon eh. argh! nakakaines!!
"so gagawin mo ba o hinde?? kasi kung ayaw mo.. ako na lang ang gagawa" WATDAHEL?! ang lande!!
"Chin.. gawin mo na!" halatang ayaw ni Clarence na halikan ni Chelsea si Max eh. napabuntong hininga na lang ako. hinawakan ko yung kamay ni Max. pinikit ko na lang yung mata ko. at binulong sa kanya "sorry" ewan ko kung baket ako ng sorry. the next thing i knew, we were kissing. as if, walang nakapalibot na tao sa amin. then, humiwalay siya. oh my ghad! halos hindi ako makahinga dun ah.
"halatang ninenerbyos ka Chin??" halatang di siya nagulat samantala sila Rei halos malaglag na yung panga nila sa sobrang gulat. waa.. kinakahiya ko na sarili ko. grabe! WATDAHEL?!?! kelan pa ako natuto makipaghalikan?!!
"ah.. eh.."
"di kasi sanay si Chin makipaglandian sa boyfriend niya!"
nice catch Clarence. whew.!
"ang corny niyo naman.. 4th yr highschool na kayo.. dapat ng lumandi.."
"sorry ha.. pero wag mo kaming itulad sa kalandian mo.."
"so ako pa ang malandi.. tingnan mo nga yung kaibigan mong si Chin, nilalandi si Xavier. kaya nga di kami naging ni Xavier eh!"
nagulat naman talaga kaming lahat. aba, upakan ko 'to eh! ako pa talaga malande!
"oh?! ano gusto mo?! sapakan?!!" hinawakan ni Max yung kamay ko.
"napaka war freak mo pa! what a MORON!"
WATDAHEL?! kung ako moron , siya IDIOT. dumbass. hmf!
"yabang mo ah!"
"oi kayo.. wag nga kayo magsigawan.."
"panira ka lang dito Chelsea! alam mo ba yun?!"
"yun naman talaga yung pakay ko eh, sirain si Chin at Xavier"
syakersz?! WATDAHEL?! di ko akalain may taong ganito. waaa.. ilulubog ko 'to sa impyerno.
"Chelsea.. umalis ka na.."
"oo nga.. umalis ka na dito!"
"pero Xavier.."
"pag sinabi kong umalis ka .. UMALIS KA NA!"
napasigaw talaga si Max nun. galit na galit talaga siya. napaka bruha naman kasi talaga nung Chelsea na yun. nung ginawa ni Max sa kanya yun, medyo napapaluha siya. parang mahal na mahal nga niya si Max. bigla na lang siya.ng umalis at lumabas ng gate. buti naman wala na yun

"paano uuwi yun??"
"bayaan mo siya.. malaki na yun.."
may iba sa kinikilos ni Max. parang meron siyang di sinasabe. pumunta naman siya kaagad sa kwarto niya. sumunod sa kanya sina JC. kami naman ni Clarence, pumunta na rin sa room namin. umupo kami dun sa kama.
"grabe talaga!! ang sarap patayin nung impaktang si Chelsea!!"
napapangite na lang ako.
"grabe eh.. kung di lang talaga kasalanan ang pumatay ng tao.. kanina pa siya nakalibing!!"
"pero alam mo Clarence.. naawa ako sa kanya.."
"ha?!! sinabihan ka na nga ng malandi?!! maawa ka pa dun?! pwede ba ipagpaliban mo muna yung pagiging anghel mo?!"
"nakakaawa talaga.. may gusto talaga siya kay Max eh.."
"then so what?! may gusto naman sayo si Max eh.."
"wala kaya.."
"ang manhid mo talaga kahit kelan!"
napabuntong hininga na lang ako.
"tsaka.. you're pretending to have a relationship with him di ba?"
"ah.. eh.. oo"
"so abangan mo ang PDA madness"
"WATDAHEL?! ayoko nga.."
"nagkiss na nga kayo kanina eh.."
nagblush ako dun ah. grabe naman kasi.. nakakasuffocate. wahahaha >:))
"speaking of the kiss.. how was it??"
"di ko maexplain.."
"halatang di ka na makahinga kanina eh.."
"medyo..."
waaa.. ang lande kong bata!! nakakaines! argh!
"grabe kanina.. imbis na masaktan ako.. kinikileg ako.." napangite naman ako. "hay nako.. pag inagaw ni Chelsea si Max sayo.. lagot sa akin yun.. mas gugustuhin ko pang maging kayo kesa sa impaktang yun!"
"tumigil ka na nga.. for sure naman di na yun babalik..."
"wag na talaga siyang bumalik!"
humiga naman na kami sa kama at natulog na.


~October 27
halos magkasabay na kami ni Clarence magising. bumababa naman na kami at pumunta na dun sa dining area para sa almusal.
"Max.. sino ba kasi yung Chelsea na yun??" at last.. malalaman ko na din kung sino siya!
"galing siya sa Canada.."
"so MU kayo dati??"
"di naman talaga eh.. akala lang niya.."
"ha?! kwento mo na nga lang.."
"kasi dati we were engaged.."
WATDAHEL?!
"engage?!! bakit di natuloy?!"
"ayaw kasi ni papa eh sa kanya eh.. si mama lang ang may gusto kaya naman pinauwi ako dito ni papa sa pilipinas para matakasan ang engagement na yun.."
"pero masyado pa yung bata para maengage.. 3rd year highschool yun di ba?!"
"yep.. yun na nga yung point ko eh.. ayaw ko pang magasawa ng maaga tsaka kung magaasawa ako, gusto ko yung mahal ko.."
"so bakit niya naisip na MU kayo??"
"lagi kasi siyang pinapaasa ng mama niya.. palagi na lang sinasabi na gusto ko daw siya pero hinde naman talaga. kaya naman ganyan ang nangyare sa kanya.."
"pero sa tingin ko Max.. ang alam niya pa rin hanggang ngayon ay MU pa rin DAW kayo.."
"yun na nga rin yung isa kong point eh.. kaya nga kailangan ko ng tulong niyo.."
"anung tulong??"
"para maprove sa kanya na di kami MU and di ko talaga siya mahal from the start.."
"bakit ayaw mo na lang diretsuhin siya??!! mas madali yun.."
"di ako magaling sa aminan eh.. tsaka di ba action speaks louder then words.."
aba, may nalalaman pang ganyan.
"so anung balak mo??"
"magpanggap na boyfriend ako ni Chin.."
"WATDAHEL?!!!! anong klaseng pagpapanggap?!!!"
"eh di parang mag boyfriend at maggirlfriend..!!"
"mahirap yun!!.. pwede bang si Clarence na lang.."
"wag mo nga ako isama dyan!"
"hindi yun pwede.. sinabi na kasi natin na tayo na eh!"
"anung natin?!! ikaw lang nagsabi niyan?!!"
"ok.. fine.. whatever! basta magpapanggap tayo.."
"so anung gagawin namin??"
"basta.. makikisakay kayo samin.. for sure.. pupunta yun dito at babalik anytime from now"
"WATDAHEL?!!"
"sa ayaw at gusto niyo.. babalik yun.. and ang balak ko.. ipag stay natin siya dito hanggang October 30"
"3 days ang 1 night?!! WATDAHEL?!! di ko kaya yun?!"
"makiride ka na lang Clarence.. ayaw mo nun.. makakaganti ka..."
napabuntong hininga na lang ako habang si Clarence naman, nagiisip ng evil plan niya na gagawin kay impaktang Chelsea! nagulat na lang kaming lahat may kotse ng nagpark sa harap ng bahay namin.
"speaking of the devil"
si Chelsea. eto na siya. ghad! papalapit na siya sa pinto namin at nagdoor bell.

"ako na magbubukas ng pinto para sa kanya.."
pumunta kaagad si Rei sa may pintuan at unti-unting binuksan ang pinto. bumulong naman bigla si Ian at Clarence.






























"Let the OPLAN CHIN-MAX relationship begin.." hanep planado!
"lagot ka sa akin Chelsea.. ibabaon kita sa lupa!!"
grabe si Clarence. siguro nag *evil laugh* yan sa isip niya. bwahahaha >:))


No comments:

Post a Comment