` a lil' bit untitled`
ChaptersPrologue Chapter 1 ^ Chapter 2 ^ Chapter 3 ^ Chapter 4 ^ Chapter 5 Chapter 6 ^ Chapter 7 ^ Chapter 8 ^ Chapter 9 ^ Chapter 10 Chapter 11 ^ Chapter 12 ^ Chapter 13 ^ Chapter 14 ^ Chapter 15 Chapter 16 ^ Chapter 17 ^ Chapter 18 ^ Chapter 19 ^ Chapter 20 Chapter 21 ^ Chapter 22 ^ Chapter 23 ^ Chapter 24 ^ Chapter 25 Chapter 26 ^ Chapter 27 ^ Chapter 28 ^ Chapter 29 ^Chapter 30 Chapter 31 ^ Chapter 32 ^ Chapter 33 ^ Chapter 34 ^ Chapter 35^Chapter 36 ^ Chapter 37 ^ Chapter 38 ^ Chapter 39 ^ Chapter 40 ^ Chapter 41 ^ Chapter 42 ^ Chapter 43
BONUS FEATUREChapter 44 ^ Chapter 45 EPILOGUE ♥
Saturday, December 19, 2009
` Chapter 42 (..cont of Chap.41)
[ Max's POV]
"I love you.. Merry Christmas" eto na ang pinakamasayang pasko na naranasa ko. Christmas with myfuture wife.
"oh?! kayo?! matulog na kayo!" my future mother in law. haha
"sige po Tita.." dumiretso na ako sa room ko at nagmuni-muni.
di ko akalain na makakarating na ako sa stage na 'to. kung saan nililigawan ko na yung babaeng sobrang minahal ko, walang iba, syempre si Chin di ba?! kung dati hanggang love letters lang ako at paintings niya, ngayon, nasasabi ko na talaga sa kanya. ang sarap ng feeling na ganun.
nagcelebrate kami ng new year ng magkasama. syempre, di mawawala ang mga fireworks at kung anu-anung paputok pero naging normal talaga ang takbo ng aming celebration patungo sa isa na namang panibagong taon. di na rin ako makapaghintay sa february. syempre naman, month yun ng Valentines. oh di ba mas maganda kung sa February niya ako sasagutin.
mabilis na dumaan ang mga araw, minsan nga di namin namamalayan na January 4 na pala. at last, magkikita-kita na kami ng mga katropa. nakakamiss na sila eh.
~January 4
syempre, sa fields kami nagpunta. meeting place ng barkada eh.
"waaaaa... namiss kita Chin!!!" sabay yakap kay Chin ng mahigpit. ang galing naman. friends na sila agad.
"grabe.. tagal na nating di nagkita ah!!!!"
at syempre, nagkwentuhan kami tungkol sa kung anu-ano. ang daming balita naming nalaman. biruin niyo yun, si Clarence at si Ivann na. nakakagulat naman yun.
"sa totoo kasi niyan guys..."
"kami na ni clarence.."
"kelan pa?!"
"nung saktong 25!!"
"grabe.. sweet niyo naman!!"
ang galing nung Christmas pa sila naging. napaka special talaga ng araw na yun noh?! nung nagring na yung bell, syempre inihatid ko si Chin sa classroom nila. kasama na yan sa pangliligaw ko sa kanya yan noh?! love na love ko yan eh.
"kelan mo pa ba ako sasagutin?? nakakainggit na sila oh?!"
"basta unting hintay na lang.. malapit na" nginitian ko na lang siya. grabe, di na ako makapaghintay para marinig ang kanyang "sweet yes". naging normal naman ang mga araw ngayong january. grabe, wish ko sana bukas pagkagising ko february na. alam niyo naman na kasi di ba?! yun na ang magiging favorite month ko sa buong buhay ko dito sa mundo. haha
~February 1
ngayon, wala kaming pasok kasi wala yung mga teachers. may seminar sila tungkol sa education at kung anu-ano. kaya naman, pumunta na lang ako sa kwarto nila Ian para makipagkwentuhan.
"tol.. peram ng pc.. paonline lang ako sa ym.."
"sige lang tol.."
binuksan ko naman yung pc at nagonline sa ym. at ayun, online si cutechq09. sa totoo lang, di ko naman siya kilala eh. pero wala akong pakielam. gusto ko kasi tong palaging kachat. nakakarelate kasi ako sa kanya eh.
cutechq09: feb na!!
dong0709: oo nga eh!! excited na tlaga ako!!
oh di ba. parehas naming favorite month ang february. siguro, eto na yung month na sasagutin niya yung nanliligaw sa kanya. swerte nga naman talaga ng lalakeng yun oh. sana ako na lang siya pero di ko na kailangan yun. nasa akin na si Chin eh. enough na yun para tawaging akong pinakaswerteng lalaki sa mundo.haha.syempre ayun nagkwentuhan kami ng kung anu-ano. nakita ko naman na parang nakatingin si Ian sa pagchachat namin ni cutechq09. kaya naman nagoffline ako kaagad ng di nagpapaalam. mahirap na. baka marami siyang malaman. kinakabahan na tuloy ako
"oi tol.. sige alis na ako..."
"sige lang rin tol.." nakangite niyang sinabi sa akin. iba yung ngite niya. yung tipong may something siyang alam.
kaya naman pagpunta ko sa room namin. pawis na pawis talaga ako.
"oh?! bakit ka ganyan?!"
"ha?! ewan ko ba.. may nafefeel ako eh.."
"ano yun??"
"basta.. magulo.."
di naman ako naguguluhan eh. kabado lang talaga ako. parang may something na mangyayare sooner or later. wish ko lang na sana maganda yung mangyayare kundi naku po. sana naman hindi ako masaktan sa mga mangyayare this week. sana walang mangaagaw kay Chin. kasi kung mangyari man yun baka di ko na makayanan.
mabilis na lumipas ang panahon. lagi ko ngang kachat si cutechq09 tapos lagi akong nagstestay kay na Ian para makipagkwentuhan. may something na akong nahahalata kay Ian. parang lagi siyang nakatingin sa screen ng computer pag kachat ko si cutechq09. weird din eh. isang beses, nung nasa warto kami ni Chin, may tinanong siya sa akin
"mahal mo pa ba ako??"
"oo naman.."
"eh kasi.."
"ano ka ba?! ayoko ngang sayangin ang 10 years na pagmamahal sayo! malapit na ako.. unting hakbang na lang kaya naman wag mo ng itanong kung mahal kita o hinde kasi super obvious naman na oo. na sobrang mahal na mahal kita.." nakangite kong sabi sa kanya. syempre, mahal ko yan eh. pero kasi may something ako na nararamdaman na may mangyayaring masama. pero ayaw ko ng isipin yun. think positive dapat.
~February 20
nakikipaglaro ako nun ng basketball ka na Rei at JC. syempre, nung napagod na ako. umupo muna ako sa may bleachers para magpahinga. dahil tinamad na akong maglaro, magpapaalam na lang rin ako sa kanila
"Rei.. JC.. taas na ko ah!"
"oh sige tol!"
tumaas naman ako. nakakapagod kayang maglaro ng basketball. pero syempre masaya ako. gusto ko pagpunta ko sa kwarto hihiga agad ako. haha. pagbukas ko naman ng kwarto. nagulat ako sa nakita ko. si Chin kiniss si Ian sa cheeks. lumakas yung pagtibok ng puso ko. eto na nga ba yung dati kong nararamdaman na mangyayare na hindi maganda. oh ano?! in love na si Chin kay Ian?! ang tanga ko kasi. napaka bagal ko kasing kumilos. sana pala kasi dati ko pang binigay sa kanya yung love letter . ang tanga tanga ko talaga.
"ay sorry.." dapat lalabas na ako eh pero inunahan ako ni Ian sa paglabas niya
"sige tol.. alis na ako.. pumasok ka na.."
inaamin ko naman na sobra akong nagselos. makita mo naman yung babaeng pinakamamahal mo hinalikan sa cheeks yung lalaking kaagaw mo sa kanya. sino bang hindi magseselos dun?! siguro, natalo nga ako sa karera naming tatlo. si Ivann kasi umatras kaya naman kami ni Ian na lang nagpapaunahan sa finish line. pero naunahan na pala ako ni Ian. parang yung the tortoise and the hare lang eh. ako yung hare siya yung tortoise kaya naman siya yung nanalo. masakit pero kailangang tanggapin na nanalo si Ian at natalo ako.
humiga ako dun sa kama. tapos nakita ko naman na nag-sigh siya. tapos humiga na rin
"sorry Max.. wala lang naman yun eh.."
"tss.. matulog ka na..."
hindi naman ako galit sa kanya eh. pero yun yun tono ng pagsasalita ko. kasi naman, parang sinagasaan ako ng sampung tren kanina. di ko na rin namalayan na nakatulog na ako. basta alam ko na kung ano ang dapat kong gawin at gagawin ko yun.
~February 22
umaga pa lang, inayus ko na lahat ng gamit ko sa bag ko. tapos sa mga nakaraang araw, iniiwasan ko na si Chin. ewan ko kung bakit ko 'to ginagawa basta ang alam ko eto yung tamang dapat gawin. kasi nga di ba "if you love someone, set it free". kahit na mahirap, kailangang magtiis para lang maging masaya yung mahal mo. dahil mahal ko si Chin, gusto ko siyang maging masaya kahit na hindi ako yung tao na pwedeng magbigay sa kanya ng enough na kasiyahan. masakit talaga na isipin si Ian pala yung taong nagbibigay sa kanya ng dahilan para ngumite at hinde ako. lagi ko na rin ngayon kinakausap si Charmaine. siguro, she deserves, ay hinde pala. WE (our relationship) deserves another second chance. siguro, kailangan ko ng ibalin ang tingin ko sa kanya. mahal naman ako ni Charmaine sabi niya, at ako kailangang kong matutunan na mahalin din siya. ngayong araw, hinde ako nakihalubilo sa barkada. nagpunta kasi kaagad ako sa director's office para kausapin si dad para sa "engagement pull out" na gagawin ko. alam niyo naman ang ibig sabihin niyan, pipigilan ko na ang engagement. tsaka parang alam ko na yung reason para maconvince si papa eh.
"oh?! Max... bakit ka andito??"
"pa.. gusto ko sana.. putulin na yung engagement.." nakakalungkot isipin na ako pala ang magpuputol ng engagement na 'to.
"are you sure??"
"opo.. I'm very sure.."
"di ba mahal mo naman na si Chin at nagkakamabutihan na kayo...tsaka liniligawan mo na siya di ba.. why stop the engagement kung mahal niyo naman ang isa't isa!?!"
"pa.. you don't understand.. hindi ako mahal ni Chin.."
"ha?! halata naman na mahal ka ng batang yun eh.."
"mahal niya si Ian.. kaya naman gusto ko ng itigil 'to. kasi baka mamaya mainlove ako sa kanya ng tuluyan. yung tipong di ko na kayang magmahal ng ibang babae.. yung tipong super obssess na ako sa kanya.. kaya habang maaga pa, gusto ko na sanang itigil 'to.. gusto ko ng alisin si Cheska Naomi Sandoval sa buhay ko.. kasi kung itutuloy pa 'to.. masasaktan lang ako.. oh pa.. naiintindihan niyo na ba?!"
"ok.. fine..I understand.. pero ikaw ang nagdesisyon ne 'to.. so no regrets.. bawal na 'tong bawiin.. dahil naconvince mo na ako.." kinuha niya yung contract ng engagement pull out. so handa na talaga sya kung sakaling may engagement pull out nga na mangyayare. "o yan.. kung sure ka na sa desisyon mo sa engagement pull out.. isign mo ang contract.. ibig sabihin niyan, ititigil niyo na ang engagement, tapos hindi na kayo magroom mate at pupunta na siya ng America.." napaisip ako ng sandali kung dapat ko bang isign. pero kung kami naman na talaga ang para sa isa't isa.. magkikita ulit kami. kaya naman sinign ko na yung contract.
ibig sabihin lang nun.
goodbye Chin
pumunta ako ng kwarto. ewan ko ba kung ano ang nararamdaman ko ngayon. tama nga ba yung ginawa ko?? haaay.. pero sa ikabubuti rin namin 'to. tutal naman, hahantong rin naman sa engagement pull out di ba?? kasi masyado pa kaming bata para magpakasal. binuksan ko naman yung pinto. nakita ko si Chin, tinitingnan yung bag ko tapos naluluha.
"s-san ka pupunta??"
"naconvince ko na si papa na...
paghiwalayin tayo ng kwarto". di na kami magroom mate. di na kami engage. pupunta na siyang America. pero sana naman wag niyang isipin na hindi ko na siya mahal kasi...
..ginawa ko 'to dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kanya..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment