Sunday, December 6, 2009

` Chapter 18

ini-spend ko ang mga natitirang days sa pagmemeditate at pagcoconcentrate sa pagalis ng feelings ko para kay Max. siguro, kaya ko na 'to. dahil dyan, napipilitan akong layuan siya at napipilitang iwanan siya kasama si Clarence. siguro, mas nagiging close talaga sila sa isa't isa at mas nadedevelop ang mutual feelings nila sa isa't isa. amf! halata naman eh, MU na sila. argh! kailangang tanggapin ang salot na outcome ng lahat na 'to.

~October
yan. october na. and its the month of my b-day. bongga nu?! October 25 b-day ko. regalo?! joke lang. HAHA.
ang status ko ngayun: even more frustrated!!
argh!nakakaines yung ganito. grabe, puro lessons kami kaya naman dagdag sa frustrations ko.tapos tambak ng seatworks,homeworks at activities. argh! para daw ready kami pag nagsem-break na, wala na kaming hahabulin. argh! nakakadugo ng ulo. October 18, seryoso kong hinahanap sa internet ang sagot ko sa science. HAHA. habang si Max ay matiyaga ding naghahanap ng sagot niya sa economics homework namin. dahil super bored na ako at sukong suko na ko sa kakahanap ng mga sagot, nagonline na lang ako sa ym. and thank God, online si dong0709.

cutechq09:hi!!!
dong0709: missed me huh?
cutechq09: nge.. musta?
dong0709: ganun p dn. halata ko linalayuan niya ako
cutechq09: owww. y naman??
dong0709: ewan ko dun. kalungkot nga eh
cutechq09: wag na sad :(
nagkwento na naman siya tungkol sa heartbreaking love story niya. ayoko ng isingit yung love story ko dahil alam kong magiging panira lang ako sa pag-eemote niya.

dong0709: musta naman puso mo?
ibang klase, may balak pa atang isingit ang lovestory ko..
cutechq09: ganun pa din.. tumitibok pa din..
dong0709: its damn like OBVIOUS!! hahaha
cutechq09: it's still beating for him
yung HIM n yun. syempre, sino pa ba?! eh di si Mark Xavier Soriano. ang tanging dahilan ng pagngiti ko, pagtibok ng puso ko at ang bawat pagluha ko.
argh! drama much! ayoko ng ganito. kornii.. err.
siguro, kailangan kong magenjoy mula ngayon..siguro yaya-yain ko si Ian bukas. txt ko na lang siya.

To: Ian
ui,gala tau bkas.

From: Ian
san?cnu ksma?

To: Ian
ikaw at ako lang..

From: Ian
ah.okok. sa mall?

To: Ian
nope. iba na 'to.

From: Ian
surprise me :)

ok. gala mode na ako bukas. tutal naman sunday eh. napabuntong hininga na lang ako. in-off ko na yung pc at humiga sa kama. si Max naman, seryoso sa pagsasagot nung homework.
"wala ka bang balak matulog??"
"hmm.. wala eh"
"tatapusin mo ba yan ngayun?"
"yep"
di ko na rin siya mapipigilan tsaka bakit ko ba siya kinakausap?! argh! kailangan akong matulog ng maaga. para bukas todo energy ako sa gala namin ni Ian.

~9 am
medyo late ako nagising. tinext ko naman kaagad si Ian.

To: Ian
ngaun n tau gala?

From: Ian
ge.goli muna ako. :)

dahil maliligo na siya. maliligo na rin ako tapos nagsuot ng shorts, converse at shirt. simple lang. nagising naman si Max , nakabihis na ako.
"san ka pupunta??"
"gala lang kami ni Ian..ge alis na ako.."
"bakit di ka nagpapaalam sa akin?!!"
ang sungit naman ng gising neto..
"tulog na tulog ka kaya.. ayaw ko ng istorbohin ka!"
"basta dapat before 5 pm andito ka na.."
"oo na!!"
"ay di pala!! make it 4 pm.."
"bakit?!"
"sumunod ka na lang..."
"si Ian lang naman yun eh!!"
"lang?! di siya ` lang` !"
inirapan ko na lang siya tapos lumabas na ng kwarto. ano na naman ba ang nasa kokote ng lalaking yun?! nakakaines ah!! nakita ko naman sa may fields si Ian
"tagal mo!"
"sorry naman di ba?!"
"anu bang ginawa mo?"
"kinausap pa kasi ako ni Max, sabi niya 4pm daw dapat umuwi na ako.. pero WATDAHEL??! di ko siya susundin"
"anung di susundin?! batukan kita jan eh!! iuuwi kita ng 4 pm!"
"bakit?! ayaw ko!!"
"basta.. `asawa` mo na ang nagsabi"
gusto kong marinig yung `asawa` na yun pero di ba nga, `kapatid niya lang ako`
"i love to hear that pero.. imposible"
"eto.. emote na naman.."
"lika na nga!"
hinila ko naman siya kaagad.
"san ba tayo pupunta??"
"sa park!"
yep, yung park! yung park kung san binigay sa akin ni Ivann yung ring. yung ring daw na isusuot ko sa taong mahal ko. yung ring na dapat naisuot ko kay Max pero di ko nagawa. pero na sa akin pa din yung ring. laging nakatago yun sa pocket ko. umupo naman kami ni Ian sa bench.
"bakit dito??"
"wala lang.."
linabas ko yung dalawang ring..
"anu ba yan?! fake ring?! cheap mo ah!!"
"cheap ka dyan?! yabang oh!!"
"joke lang.. kanino galing yan??"
"kay Ivann and sabi niya ibibigay lang daw to sa taong gusto nila.."
"kaya naman pala binigay niya sayo yung isa.. eh pano yung isa??"
"kay Max.."
"kelan mo isusuot sa kanya??"
"ewan ko.. i never thought of giving this to him.."
"ha?? bakit naman?!"
"kasi di naman kami meant to be eh.."
konting katahimkan.
"bakit mo nga pala ako yinayayang lumabas??"
"wala lang.. ikaw lang naman yung napagsasabihan ko neto eh.."
"sabi ko na nga ba eh, MAX na naman"
"yep, EVERYTHING is all about MAX.. "
"in short, He is your EVERYTHING"
"yep.. corny.. pero totoo.."
katahimikan na naman..
"nakamove on ka na ba??"
napailing na lang ako..
"malapet na birth day mo.. dapat ka ng sumaya.. 16 ka na sa October 25.."
"oo nga eh.."
syempre yun, nagkwentuhan lang kami ng kung anu-ano. dahil malapit na mag4 pm nun, hinatid niya na ako sa kwarto namin ni Max. pagpasok ko sa room, nakita ko si Max, nakahiga lang sa kama niya habang nagbabasa ng librong di ko naman alam. argh! nagbabasa pala 'to!
di ko siya pinansin. umupo na lang ako sa kama at napabuntong hininga.. alam niya kayang birthday ko sa 25?? grabe.. ang last time na nagcelebrate ako ng birthday with him ay nung prep kami. ang regalo pa nga niya sa akin ay lollipop. grabve, tuwang tuwa ako dun kasi first gift ko yun galing kay Max. siguro kahit dati nung bata pa ako, may feelings na talaga ako para sa kanya. pero biglang may kumuha ng lollipop ko, si IAN. inis nga ako sa kanya nun eh. argh! binilan nga niya ako ng 5 lollipop pero di ko kinuha. iba pa rin ang lollipop na galing ka Max. pero pagkatapos nun, naging mag friends naman talaga kami tulad ngayon pero di sila naging close ni Max. ngayun lang talaga..
"oo nga pala.. malapet na bday mo.. sa 25 na"
wow...naalala niya pa ba..
"ano plano mo??"
"ewan ko.."
"gusto mo ng regalo??"
"ikaw bahala.."
"gusto mo ulit ng lollipop???"
grabe, syakersz talaga!! LOLLIPOP. alalang-alala niya pa talaga..
"pero baka kunin ulet yun nung bata.. "
"si Ian yun.."
"siya pala yun!! di ko siya nakilala"
"yun kaya yung araw na pumunta ka ng..."
napatigil ako.. "C-Canada"
ngumite na lang siya..
"bakit?! babalik ka ng Canada??!!"
lumapit naman siya sa akin at tinabihan ako sa kama..
" hindi ah.."

tapos bigla niya akong yinakap. yinakap ng mahigpit at biglang sinabi..


















"kahit kelan di na ulit kita iiwan.promise ko yan sa'yo" 0_o


1 comment: