ang epal talaga kahit kelan ni Max. nakakaines. syempre silang lahat nagkwekwentuhan at nagtatawanan maliban saken. ines na ines kasi ako at sana naman mapansin nila lahat, wag lang si...
"o? Chin, nananahimik ka ata dyan?!" Max. watdahel?! nakakabadtrip talaga tong lalakeng 'to.
"baket ba?!" ok, syaks! an taray ko.
"ang taray mo naman! nakakahiya sa new friend natin o" alam ko naman na nangaasar yan eh.
syempre napatingin naman ako kay `fafa pugee` este kay Ivann. pero ngumite lang siya. grabe. an cute
"tumahimik ka na nga dyan" kelangan kong pairalin ang katarayan ko dito.
"eto talaga si Chin, mula nung dumating si Max, naging moody na?! hahaha" grabe. si Ian nangasar pa. hmf.
"ou nga noh! pansin ko yun! ikaw ah" ok, start na naman ng tuksuhan! amp tlga o.
"ui, may something na noh!!" ui, gulat din ako dun ah.
" wait.. teka lang.. di ako masyado makarelate, anu bang meron kay Chin at kay Max??" ou, tama `fafa pugee` .. ipagtanggol mo ko. napapangite naman ako. HAHA
"kase ganito yan pareng Ivann... si Chin at si Max ay parang MU na.. hahaha" di ako makapaniwala na sinabi yan ni Rei. oh my ghad. napangaga ako dun pero si Max, nakikitawa na lang siya.
"MU??!! ewwness!! ano ba kayo?!!" medyo mataas boses ko nun ah.
"pero baket ka naman guilty?!" si JC talaga. suminget pa. DoSPORSANToS. napagkakaisahan na ako ng mga kaibigan ko. tsk . tsk. tsk.
"siguro nga di pa sila MU..." whew! savior ko din naman pala si Ian. "kase magiging MU pa lang sila.hahaha" NOT. nakakaines si Ian. syaks!!
"sayang naman.." okay, so nagulat ako dun. i mean hinde lang ako, lahat kame including Max.parang tumigil ang ikot ng mundo.ultimo ang pagpintig ng puso ko tumigil din "akala ko available si Chin, hindi na pala" oh my ghad! may gusto saken si `fafa pugee`
syempre tumahik naman kaming lahat. "hinde,... joke lang yun.kayo naman masyado kayong naniniwala" then parang nagpatuloy ulet ang lahat, umikot ulit ang mundo at tumibok na rin sa wakas ang puso ko. at syempre, lahat naman sila napatawa..
"syempre naman joke lang yun! eh para na kay Max si Chin noh! hahaha" ok, nakakaines ah. pati narin si `Ivann` nakikitawa pero bigla na lang ako nagulat ng nagwalk-out si Max na padabog pa. kita ko talaga sa mga mata niya yung pagkaines. ayoko sana sabihin 'to, pero somehow, nag-aalala din ako.
nagulat naman kami lahat.
"siguro napikon. si lance kase.. grabe mangasar!"
"hinde rin ata.. parang iba eh.."
"ou tama, di rin ako pwedeng makaaway yan noh. nakakatakot kaya."
"sang-ayon ako kay Rei, parang iba nga yung dahilan"
ok, obviously, hinde kame makarelate ni Ivann sa kanila.nakaka-OP. pero ano naman kaya ang problema nung lalakeng yun?!
syempre, back to classes ulet. boring yun kaya wag na natin isama sa kwento. HAHA. since na classmate naman ni Clarence si Max, siguro siya na bahala alamin kung ano na namang ang nasa kokote nung mokong na yun. HAHA. tapos, di ko rin namalayan na ang bilis ng oras, kase dismissal na. parang ngang wala akong naintindihan sa pagdadak-dak nung teacher namin eh. HAHA. syempre, pumunta ako dun sa classroom nila Max at nakita ko si Clarence pero di ko nakita si Max.
"ui, Clarence, nakausap mo na ba si Max?" hindi naman halatang nag-aalala din ako noh.HAHA
"di ko nga makausap ng maayos eh. kung tatanungin ko kung ano problema niya, iiling tapos biglang ngingite. parang nasisiraan lang eh. " medyo, naiintriga na ako sa mga kilos ni Max ah.
"kung ganon, asan si Max?"
"ewan ko nga eh. pagsabing pagsabi pa nga lang ata ni Ms.Sobel na goodbye, umalis na ata yun" malamang nasa dorm na yun.
"sige, siguro nasa dorm na namin yun, pupuntahan ko na siya" hindi ko matanggap sa sarili ko na may care ako sa `taong` ito! HAHA.
agad-agad naman ako pumunta sa dorm building.baket ba kase napakaWEIRD ng utak ni Max. parehas sila ng tatay nila. tama bang pagsamahin ang babae at lalake sa isang kwarto?! WEIRD di ba?
syempre, andun na ko sa 3rd floor kung nasaan yung room namin. nung binuksan ko yung pinto, nakita ko si Max na nakaupo sa kama niya at naglala-laptop. parang di nga niya ako napansin eh. parang ang lalim nung iniisip niya. tinabihan ko naman siya..
" Oi" di siya namamansin. ano bang ginawa ko dito?!
" ano ba problema mo?!" di pa rin siya namamansin.
" galit ka na naman sakin noh?!" sinabi ko rin yan kahit na alam ko wala naman akong ginagawang masama.
tumingin naman siya saken at ngumite lang.
" baket ka parang naiinis kanina?"
"wala lang" at last, sumagot din kahit walang kwenta yung sagot niya.
" ayusin mo naman sagot mo. baket nga kase?"
"wala lang"
"baket ka ganyan?!" naiines na ako.
"wala lang"
"nakakaines naman 'tong kausap oh. bahala ka na nga dyan" suko na ko! tumayo na ko pero hinawakan niya yung right hand ko parang bang pinipigilan ako. speechless ulet ako. tapos bigla niya akong hinila sa kanya tapos yinakap niya ako. grabe. ang weird. hindi ko maintindihan yung feeling na yinayakap niya ako. lalo pa niyang hinigpitan hmf.! chansing na ata 'to ah! pero kase parang may feeling ako napaka dominant sa sarili ko ngayon. parang yung feeling na rin na `gusto ko rin mayakap siya`. unti-unti naman niyang inalis ang kanyang mga kamay sa pagkakayakap niya sakin. gulat na gulat talaga ako sa lalake na 'to. pero siya, napangite na naman.
" wag mo na tanungin kung baket ko ginawa yun. basta. wag mo na rin isipin na ginawa ko yun" masyadong seryoso yung mukha niya pero ngumite pa rin siya. yung ngite bang hindi mo maintindihan kung anung sinasabi yung ngiteng, parang nagpapabilis ng pagtibok ng puso ko. syempre, tuluyan na kong tumayo. ayoko ng maulit yun noh! syempre, ginawa ko na yung mga assignments ko. madali lang naman eh tapos nagbukas ng computer at nag-ym. himala di pa online si bespren Marge. di ko maikwekwento sa kanya ang mga happenings pero guess what ?!, online si dong0709.
cutechq09: hi! pde mkipag chat?
dong0709: sure. musta?
cutechq09: naguguluhan..
dong0709: bket? san ka naguguluhan??
cutechq09: sa ugali ng isang tao. ang gulo kase.parang di siya.kaw?musta?
dong0709: masaya.. sobrang saya :))
di ko man kilala 'tong si dong0709 ,nasasabihan ko na rin siya ng kung anu-ano. pero wala pa ring kwenta ang pinaguusapan namin kasi mga 20 minutes lang ata kameng mag-chachat, mgooffline na ako agad. HAHA. pagkatapos ng aming pagkwekwentuhan ni dong0709. in-off ko na yung pc tapos humiga na sa kama ko. tiningnan ko naman si Max na hanggang ngayon ay naglala-laptop pa rin. tinitigan ko pa. ang weird talaga ng taong 'to. pero parang nag-iba rin siya..
kase..
parang ibang Max Soriano ang yumakap sakin kanina :)
kakaiba talaga...
` a lil' bit untitled`
ChaptersPrologue Chapter 1 ^ Chapter 2 ^ Chapter 3 ^ Chapter 4 ^ Chapter 5 Chapter 6 ^ Chapter 7 ^ Chapter 8 ^ Chapter 9 ^ Chapter 10 Chapter 11 ^ Chapter 12 ^ Chapter 13 ^ Chapter 14 ^ Chapter 15 Chapter 16 ^ Chapter 17 ^ Chapter 18 ^ Chapter 19 ^ Chapter 20 Chapter 21 ^ Chapter 22 ^ Chapter 23 ^ Chapter 24 ^ Chapter 25 Chapter 26 ^ Chapter 27 ^ Chapter 28 ^ Chapter 29 ^Chapter 30 Chapter 31 ^ Chapter 32 ^ Chapter 33 ^ Chapter 34 ^ Chapter 35^Chapter 36 ^ Chapter 37 ^ Chapter 38 ^ Chapter 39 ^ Chapter 40 ^ Chapter 41 ^ Chapter 42 ^ Chapter 43
BONUS FEATUREChapter 44 ^ Chapter 45 EPILOGUE ♥
Friday, November 27, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment