Friday, December 18, 2009

` Chapter 38

"ha?! wala naman siyang binabanggit sa akin??"
"ganun?! basta sa 24 pupunta na tayo sa bahay nila.."
"sa bahay nila tayo mag-chri-Christmas?!!"
"oo, wala naman sigurong masama di ba?!"
natapos na rin siya sa linuluto niya. linagay lang niya muna sa isang bowl. ang bango. natatakam na akong kumaen. "tsaka di ba nanliligaw na sayo si Max??"
WATDAHEL?! paano nakaabot sa kanya yung balitang yun?!
"ma.. alam kong ayaw niyo pa ako magboyfriend pero.." di ko na natuloy yung sasabihin ko..
"ano ka ba?! botong boto na talaga kami kay Max para sayo.. pinayagan ka na nga namin na maging asawa si Max, pagiging girlfriend mo pa kaya sa kanya?!" nagblush naman ako dun. HAHA. ang sarap ng ganitong feeling. pag sinagot ko si Max, maggiging super legal kami tapos magiging magasawa kami tapos magkakameron kami ng anak tapos happy family. wii :)) HAHA.
hinain naman na ni mama yung kare-kare dun sa table ng living room. ayaw namin kumaen pareho sa dining area, masyado kasing formal, si dad lang may gusto na kumain dun. HAHA. sosyal eh.
"kelan mo ba siya balak sagutin??"
"siguro sa february..."
"bakit ang tagal pa?!!"
"kung mahal naman niya talaga ako, maghihintay yun.."
at yun, todo chikahan.
ano pa nga ba ang nagbago?! mabilis na lumipas ang mga araw pero todo bonding kami ng mother ko. pati pamimile ng gifts naging bonding time talaga namin. nung 23 nga dumating si papa. ayun, masaya naman kami. di ko na ilalagay dito yung pagchichikahan namin kundi baka abutin tayo ng siyam siyam. basta isa lang ang nakatatak sa isipan ko..
"anak... pwede kang magboyfriend ah.. basta si Max.."
"ha?!"
"kung hindi mo magiging boyfriend si Max.. wag ka na magboyfriend kahit kelan.."
isa lang ang ibig sabihin niyan! magiging forever na kami. wahaha. unting tiis na lang at magiging kami na ni Max tapos masaya na kaming dalawa!
~December 24
bukas Christmas na tapos ngayon, byabyahe kami papunta sa bahay nila Max. ohh.. kinakabahan ako. ngayon ko lang ulit makikita si Tita Che (mother ni Max) which is future mother-in-law ko !! HAHA. grabe, pinili ko talaga yung pinaka maayos kung damit . dapat prepared di ba?! HAHA. after an hour, nakarating na rin kami sa bahay nila Max. 3-story house ito. HAHA. malaki talaga. nung nagdoorbell naman na kami, lumabas si Tita Che.
"oh Chin.. Cynthia! David! buti naman at andito na kayo!!" siya yung mom ni Max . HAHA.
tumango na lang ako tapos si mama naman nakipagchikahan ng bonggang bongga kay Tita Che. dumiretso na kami ni papa dun sa sala nila. tapos nun, natanaw na namin si Tito Bryan. as usual, nagchikahan na din si papa at Tito Bryan. magkaibigan kasi sila since highschool. HAHA. di lang basta magkaibigan. best friend sila dati. HAHA. umupo muna ako dun sa may sofa tapos tinititigan ko yung mga chandelier nila. grabe, ang ganda. ang daming ilaw. nagulat naman ako ng biglang may bata na cute na kamukha ni Max na umupo din sa sofa katabi ko.
"hi Mama!!" mama?! nanay niya ba ako?!
"ako???"
tumango naman yung bata. grabe, ang cute. kamukha talaga siya ni Max.
HAHA. tapos may babae na lumapit dun sa bata.
"oh Renzo... anong ginagawa mo dyan??" ohh. sino naman 'to?! kinarga niya yung bata. Renzo pala yung name nung bata. HAHA. tiningnan naman ako nung girl na kumarga kay Renzo.
"ikaw si Chin di ba??"
"opo.. bakit po??"
"ohh.. ikaw pala yun.. hi sister-in-law!!"
nagtaka naman talaga ako. 0_o "ako nga pala si Maxine.. kapatid ni Max.. ikaw pala sister in law ko.. magiging friends talaga tayo for sure!!" napangite naman ako. kilala talaga ako ng family niya. "tapos this is my baby, Renzo.." baby niya yun?! ang bata naman niya maging ina!! "alam ko nagulat ka kasi medyo bata pa lang ako tapos may anak na ako... sa totoo lang nabuntis ako ng ex boyfriend ko.."
"oh?! ganun?!"
grabe naman pala 'to..
"but unfortunately, di niya ako pinanagutan kaya naman sobrang nagalit talaga si Max dun sa lalaking yun. as in, sinugod pa nga niya sa bahay para lang suntukin eh.."
"ang bait talaga ni Max eh.."
"sinabi mo pa! kaya naman napaka swerte mo sa kanya.."
ngumite na lang ako. totoo naman, swerte nga talaga ako. HAHA. tapos nagchikahan kami tungkol kay Max. kung anu-anu yung sinasabi niya. nakakatuwa nga eh.
"nga pala.. bakit mama yung tawag sa akin ni Renzo??" bigla namang dumating si Max. nanggaling ata sa kwarto niya then sumigaw si Renzo sa kanya..
"gising na si papa!!!" papa. 0_o
"that's the reason.. gusto ko lang na ikaw yung mama ni Renzo then si Max yung papa.. oh di ba masaya?!" may tama rin pala 'to sa ulo. HAHA. kaparehas niya si Max!
binuhat ni Max si Renzo. grabe, ang cute nila pareho. parang silang mag-ama.
"oh?! kamusta na?"
"ano ba naman yang klaseng tanong mo kay Chin?! pwede namang sabihan mo ng i love you di ba?!"
"tumahimik ka nga.."
natatawa ako sa magkapatid na to ah! HAHA. umupo naman sa tabi ko si Max. karga niya si Renzo.
"mahilig ka pala sa bata.."
"oo naman.."
sabi niya habang nilalaro si Renzo. syempre, nagkwentuhan kaming tatlo. tutal it's Christmas Eve. nung nagdidinner na kami...
"Max.. gusto mo bang ipasyal si Chin sa lugar natin?? isama mo na rin si Renzo"
tiningnan naman ako ni Max. parang sinasabi niya na `pwede ba`. yung ganun. HAHA. tapos tumango na lang ako. pagkatapos namin magdinner. nagjacket muna ako pati siya nagjacket rin tapos yung suot niya na jacket yung regalo ko sa kanya.sinuotan rin namin ng jacket si Renzo.hawak namin ni Max yung both hands ni Renzo. ako sa right. siya sa left. lumabas na kami ng bahay para magikot-ikot. HAHA. maganda dun sa lugar nila. ang ganda talaga ng view.
"touch naman ako sayo.. yung regalo ko pa talaga yung suot ko.."
"ganun talaga.."
pumunta muna kami dun sa may bench tapos umupo. tapos linalaro namin si Renzo. wahaha. ang kulit eh. kahit medyo gabi na, may mga tao pa rin na nakatambay dun sa park. may ale nga na nagapproach sa amin eh..
"wow.. cute naman ng anak niyo.."
"di po namin 'to anak.."
maraming mga tao na nadaan sa amin tapos tinatanong kung anak daw ba namin ni Max si Renzo. kilala ni Max yung mga taong yun. siguro mga kapitbahay niya. pero ang sarap ng feeling na parang asawa ko na si Max ngayon! HAHA. umuwi naman na kami sa bahay nila Max pagkatapos naming magliwaliw. tulog na nga si Renzo kaya naman karga siya ni Max. HAHA. pagkauwi namin sa bahay, dinala na ni Ate Maxine sa kwarto si Renzo. mga 10 pm na rin nun. grabe ah, kailangan maging super gising na gising talaga ako. umupo muna ako sa sofa. si Max naman pumunta muna kay na papa. may pinaguusapan sila na something. bigla namang dumating si Ate Maxine at umupo sa tabi ko.
"tulog na ba si Renzo??"
"yep.. ang himbing nga ng tulog eh.."
"paano nga pala nalaman ni Renzo na ako yung tao na dapat niyang tawaging "mama"??"
"aahh.. yun ba.."
nagisip-isip muna siya. "mahirap iexplain... ipapakita ko na lang sayo" ha?! ipapakita?! anung ipapakita?! tumayo naman na si ate Maxine tapos hinila niya ako.
"anung ipapakita??" hindi niya ako pinansin. pumunta kami dun sa 3rd floor nila. may nagiisang kwarto dun sa 3rd floor. ano namang meron dito?!
"basta dyan sa kwarto na yan.."
"oh?! anong meron?!!"
binuksan ni Ate Maxine yung kwarto. curious lang ako ah. anung meron sa kwartong 'to?! nagulat na lang ako. grabe, di ko akalain na may isang kwarto sa bahay na 'to na ganito..
































"bilangin mo lahat ng naandyan... ganun karame ang pagmamahal na ibibigay sayo ni Max" 0_o ang dami kaya!


No comments:

Post a Comment