Friday, December 18, 2009

` Chapter 36

gusto ko na talaga maiyak kanina. nakakaines na kasi eh. syempre, ako nagwalkout. lagi naman ako ganun. wala na akong pakielam kung may sumunod man sa akin o wala. basta ang importante makaalis ako sa harapan ng walang kwentang tao na yun! dahil nakahigh heels ako, inalis ko muna yung sapatos ko. waa. may sugat. nakakaines naman eh. magkakasugat pa yung paa ko. unti-unti ng pumapatak yung luha ko. ewan ko kung ano ba yung rason. kung yung sugat ba sa paa ko o yung sugat ba sa puso ko. tumayo naman ako kaagad. naglakad ako papunta sa dorm school ng naka-paa tapos naiyak pa. nagtitinginan na nga yung mga tao sa akin eh pero wala na akong pakielam. medyo malayo talaga yung figaro sa school namin ah kaya naman sobrang sakit ng paa ko. nung malapit na ako sa school, hindi ko na alam kung anung gagawin ko. bibigay na ata yung tuhod ko sa sobrang pagod. sumandal muna ako dun sa may pader. napabuntong hininga na lang ako. grabe, nahihirapan akong huminga dahil sa sobrang iyak ko. nagulat na lang ako may humawak sa legs ko at binuhat ako. pang lover's carry. at ang bumuhat sa akin si Max...
"oh?! bakit ka andito?! bitawan mo nga ako!!" pero di pa rin niya ako binitawan. binuhat niya ako papasok sa school.
"MAX NAMAN..BITAWAN MO NA KASI AKO.."
"pagbinitawan kita... mahuhulog ka.."
"matagal na akong nahulog.."
para sayo.. di ko kayang ituloy. di ko kayang dugtungan ng "para sayo".
"tumahimik ka na nga lang.. nahihirapan ka ng magsalita oh?!"
"iwan mo na lang kasi ako.."
"bakit naman kita iiwan?! di kita kayang iwanan di ba?!"
malapit na kami dun sa room namin nung binababa niya na ako. mga ilang steps na lang yun. binilisan ko yung lakad ko pero ang sakit talaga ng paa ko. ang hirap maglakad. siya na yung nagbukas ng pintuan para sa akin. agad naman akong umupo dun sa kama pero inaalalayan niya ako. at ako, umiiyak pa rin. parang ang daming luha na lumalabas tapos hindi nauubos.
"papunta na daw sila Ivann dito.." tumango na lang ako. umiiyak pa din. hinawakan niya yung chin ko tapos tinapat niya yung mukha ko sa mukha niya. kinuha niya yung panyo niya at pinahid sa mga luha ko.
"wag ka ng umiyak ah.. nababawasan ang ganda mo.." lumayo ako kaagad sa kanya. "nagtataka ako sayo.. bakit ganun kahit na umiiyak ka pa rin.. maganda ka pa rin?!!" nakangite pa siya nung sinasabi niya yun. ano 'to?! joke time?!
"tumigil ka na nga.."
"sorry na ah... kung pinaghintay kita ah.. ngayon ko lang kasi nakita ulit si Charmaine eh.."
"Charmaine??"
"yung babae na kasama ko kanina.. yung kapatid ni Chelsea.. yung babaeng dating gustong gusto ko pero player pala.."
"bakit nasama ka pa rin sa kanya?!"
"syempre, friends naman na kami eh.."
"pero may past kayo di ba?!"
"oo pero.. wala na yun.."
napatigil naman siya. "aba... bakit!? nagseselos ka noh?!"
"ha?! hinde ah!"
bigla naman niya akong niyakap."oh?! anong problema mo?!"
"nagseselos ka rin pala!!"
"di naman ako nagseselos eh.. tsaka bitawan mo nga ako..galit ako sayo kasi pinaghitay mo ako!!"
"ayokong bitawan ka hanggat hindi mo ako pinapatawad"
lalo niyang hinigpitan yung yakap niya.
"bitawan mo na kasi ako!!"
"di nga kita bibitawan.. patawarin mo muna ako.."
ano ba naman yan?! "siguro, kaya hindi mo ako pinapatawad kasi gusto mo akong mayakap!?!!" ang yabang!!
"ang yabang mo!!! sige na pinapatawad na kita!!" napilitan ako. ano ba namang klaseng buhay 'to?! humiwalay naman siya sa akin.
"oh.. sige matulog ka na dyan.. may lakad pa tayo bukas.."
"tayo??"
"oo.. basta may gagawin tayo.."
"ano yun??"
"basta.. eto na yung chance mo para makaganti sa akin.. ako naman ang paghintayin mo.. hahaha"
"tss.."
humiga naman ako kaagad sa kama ko. grabe, ang sakit ng paa ko. parang bawat galaw, kumikirot. biglang may tumabi sa akin. bakit pa nga ba ako magugulat?! si MAX lang naman pala eh?! tapos yinakap niya ulit ako.
"oh?! bitawan mo nga ako!!"
"sshh.. quiet ka lang.. matulog na tayo.."
"happy birthday na nga lang.."
"oo na..matulog ka na.."
waaa. bakit ba ganito?!
bakit pa parang ang bilis maging malambot ng puso ko?! ang bilis kong bumigay kay Max?! ang bilis bilis kong mahulog?! ano ba 'to?! ganito ba talaga kalakas yung tama ko sa kanya?! ano ba naman yan?! bakit ba ganito?! ano bang meron sa kanya para mainlove ako ng sobra sobra sa kanya?! di hamak na isang simpleng nilalang lamang siyang ginawa ng Diyos sa mundo. pero ano ba ang linagay sa kanya ng Diyos na parang ginawa siyang isang malalim na bangin?! yan tuloy tuluyan na akong nahulog at di na makawala pa. ano ba yan?! lumalabas na ang ikang mga idiomatic expression chorvaness. haaaay.. bakit ba kasi ganito?!
buong gabi akong di makatulog. nababagabag ako. ano ba yan?! pero di naman siguro tama ang walang tulog ang isang tao. di ko rin namalayan nakatulog na rin pala ako. bigla akong nagulat nakayakap pa rin sa akin si Max pero iba na yung posisyon namin. bumangon ako kaagad. naramdaman na rin ni Max na bumangon ako kaya naggising na rin siya.
"Oi.. mamaya 12noon.. kahit anung oras ka pumunta basta ako 12 noon pa lang andun na.. paghintayin mo na ako.."
"bahala ka.."
eto na naman ako. sinusumpong ng kasungitan ko.
"sa figaro din ah.." tumango na lang ako. at dahil sinabi niya na 12 noon, umalis nga siya ng 12 noon sa room namin. at ako naman, nakaupo lang sa harap ng computer kahit wala naman talaga akong ginagawa. gusto ko kayang magmukhang busy sa harap niya. kung siya naging busy siya sa pakikipagchikahan sa babaeng Charmain na yun. aba ako naman, busy sa computer!!! dahil sinabi niya na paghintayin ko siya, 2 pm di pa rin ako umaalis. aba, kapalit ito ng pagpapahintay niya sa akin at pagdadala ng babae. buti na lang wala akong dalang lalake noh?!

biglang kumatok si Clarence at pumasok sa kwarto ko...
"oh?! wala ka bang balak umalis dyan at puntahan si Max..??"
"tinatamad pa ako.."
"aba.. malapit na mag 3pm pumunta ka na dun.."
"oo na!!"
mukhang napilitan pero sa totoo lang, prepared na ako. kakaligo ko lang kasi eh. magpapalit na lang ng damit. ang suot ko: tokong, t-shirt at converse. yun lang. simple
"ano ba namang suot yan?! di man lang nagdress?!" sus.. palibhasa nakadress siya. hmf!
"hayaan na.."
umalis naman na kami sa school at naglakad papunta ng figaro. di na masakit yung paa ko. nakuha lang sa pahinga. tapos yung sugat, hindi na rin masakit. mabilis namang lang kaming nakapunta ng figaro. as usual, andun siya sa labas, nakaupo dun sa gilid ng parking lot sa harap ng figaro. nakakatuwa siyang tingnan. kahit na nahihirapan siya, nakakatuwa pa rin. HAHA.si Clarence naman pumasok dun sa loob ng figaro. susundan ko sana pero pinagsaraduhan nila ako ng pinto. nakakaines naman oh?!
"grabe ka.. ang tagal mo.."
"gusto ko eh!!"
"bakit ganyan suot mo?!"
"bakit!? pangit?!"
"hinde.. ang cute mo nga eh.."
sus.. bolero! may atraso ka lang sa akin eh! HAHA. binuksan niya yung pintuan ng figaro para sa akin tapos pumasok na kami. grabe, may isang table sa gitna. may candles tapos slice ng cake at coffee. grabe, ang romantic nung atmosphere. tapos sila Ivann, nasa gilid, parang mga audience. nung umupo na kami dun sa chairs. grabe, naiilang ako. napakaformal nung setting tapos ang suot ko, parang wala lang. umalis naman sila Ivann at lumabas. anu yun?! iiwanan kami dito?!
"ang romantic noh?!"
"di rin.. parang wala lang.."
pero sa totoo romantic talaga..
"naniniwala ka ba na tayo talaga..??"
"hinde.. asa naman kasi.."
"totohanin na kaya natin..."
"ha?! bakit?!"
"para masaya.."
"whatever..di ka pa nga nanliligaw eh tapos magiging tayo na.. ang swerte mo naman.."
"di ako marunong manligaw eh.."
"sige nga... kung di ka marunong bakit muntik na kayo maging nung Charmaine girl na yun?!"
"kaMU ko naman yun at walang balak akong ligawan yun.."
"may balak ka bang ligawan ako??"
"meron.."
"di naman tayo magka MU ah!"
"so??"
"bakit mo ako liligawan??"
"simple lang.. mahal kita eh.."
totoo ba 'tong naririnig ko??
"seryoso ka na ba??"
"oo naman..mukha bang hinde??"
"nadala na kasi ako sa mga joke mo na yan eh.."
"di mo ba alam ang "there's every little truth about I'M JUST KIDDING"
"so manliligaw ka na ngayon??"
"ewan ko... kung papayagan mo ako... papayagan mo na ba ako?"
"ewan ko..."
"pano kita maliligawan kung ewan ko ang sagot mo??"
"mali naman kasi yung tanong mo eh.."
"hmmm..."
ano naman kaya yung banat neto?! "paano ba ako magsisimula para maligawan ka?" napangite naman ako. yung yung tanong na gusto kong marinig eh. yung diretsahan.
"ewan ko.. nanliligaw ka na ba ngayon??"
"parang.. pano ba kasi??"
"bakit ako ang tinatanong mo?! di naman ako lalaki?!!"
"ang hirap naman kasi eh.."
"parang kang bata.."
"paano ba ako magsisimula?!!"
"teka.. eto tanong ko.. mahal mo ba talaga ako??"
"oo... mahal na mahal kita.."
"as a friend??"
"hinde.. more than friends... kaya nga gusto ko maging tayo na.."
"kelan ba gusto mo??"
"now na..."
"ang demanding mo naman!!! di ka pa nga nanliligaw eh.."
"basta pag-aaralan ko muna.."
nge. ano ba naman yan?! pinagaaralan pa ba yun?! pero infairness kinikileg talaga ako. o yan, proven na ah!! anytime sasagutin ko na siya!! pero dapat maprove muna na mahal niya talaga ako. ayoko maging cheap girl ah!! pagkatapos ng kwentuhan namin sa loob. lumabas na kami ng figaro. aba, wala na sila Ivann. iniwan talaga kami ah?! adik. naglakad naman kami papunta sa room namin. nung nasa room na, umupo muna ako sa kama ko. nakakapagod mag lakad ah. hingal na hingal ako ah. umupo sa tabi ko si Max. hingal na hingal din ata. grabe, nakakapagod. HAHA. nagulat na lang ako ng biglang hinawakan ni Max with his right hand yung waist ko at hinalikan ako sa lips tapos bigla niyang sinabi...































"sisimulan na kitang ligawan ah..." 0_o




No comments:

Post a Comment