[ Chin's POV ]
di niya na ako mahal. di niya na ako mahal. di niya na ako mahal. di niya na ako mahal.
waa. paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko. ang sakit talaga. gusto kong maiyak nung narinig ko yung mga walang kwentang words na yun. ano ng gagawin ko?! gusto ko ng mamatay. :((
kinuha agad ni Max yung gamit niya. feeling ko hindi na ako makagalaw. parang wala na akong karapatang pigilan siya. kasi naman ano nga ba ako sa kanya?! di hamak na kababata lang naman di ba?! lumabas na siya ng kwarto ng walang imik. hindi ako makapaniwala na may mangiiwan na naman sa akin na importanteng tao. unti-unti na ring pumapatak ang luha ko. feeling ko may napakalaking bagay sa buhay ko na nawala. parang tuloy napaka incomplete ko. I feel incomplete without him. bakit ganon?! parang kahapon lang, ang sweet niya sa akin tapos feel na feel ko yung pagmamahal niya sa akin. ang tagal niya ng ganun. tapos sa isang iglap, mawawala na ang lahat. bakit niya kailangang itigil ang engagement?? 23 na bukas. akala ko magiging special day na ito para sa amin. hindi na pala.
~February 23
matamlay akong pumasok ng classroom namin. nakakamiss. wala ng naghahatid sa akin. di ko na rin pinansin sila Ian. siguro, nagaalala na yun sa akin. haay.. :((
di na rin nasama sa tropa si Max at si Charmaine. lagi na nga sila magkasama eh. nakakaines. nagseselos ako sa totoo lang.. siguro, bumalik na talaga yung "dating special feelings" ni Max kay Charmaine. ugh! naiines na tuloy ako sa sarili ko. kung sinagot ko lang talaga si Max nung Christmas, eh di sana hindi siya magsasawa sa akin. eh di sana di na siya nalayo sa akin. kasalanan ko talaga ang lahat. wala na akong dapat pang sisihin kundi ako lang. ako naman kasi palagi ang punot-dulo ng lahat. wala ng iba kundi AKO. AKO. AKO. AKO!!
"oi.. kanina ka pa tulala dyan?!"
"ha?!" natutulala nga ako. pano ba naman kasi di ba?! ang dami kong kadramahan sa buhay?!!!
"kung may problema ka .. sabihin mo sa akin.." hindi ako makapagsalita. nahihiya kasi ako eh.
"sige na.. spill" spill?! hala.. baka umiyak ako niyan.
"dali na Chin... wala na si Marge dito para pagsabihan mo ng problema kaya naman kami na ang pagsabihan mo.."
iniisip ko pa lang yung mga sasabihin ko,naiiyak na agad ako.
"ang tanga ko kasi eh.." napatigil ako. pero hindi sila nagsasalita. parang lahat ng mga mata nila sinasabi `sige, ilabas mo yung nararamdaman mo`. "wala ng Max eh.. di niya na ako gusto.. tinigil niya na yung engagement.. di na kami magroom mate.. magisa na lang ulit ako.. tapos ibig sabihin nun, di na kami magiging forever.. di na kami ikakasal.. di na kami magkakaroon ng anak at apo.. hindi na ako magiging Cheska Naomi Soriano.. tapos ibig sabihin nun, pupunta na ako sa America.. magkakalayo na tayo.. at hindi na muli akong tatapak ng pilipinas.. di na tayo ulit magkikita.. higit sa lahat di na kami magkikita ni Max.. at ang pinakahuli.. ang pinaka tumatatak sa isipan at puso ko.. ibig sabihin ng lahat ng yan.." ayokong ituloy. baka umiyak na talaga ako ng tuluyan. "di niya na ako mahal.."
pagkasabi ko pa lang nun, umiyak na talaga ako. di ko talaga matanggap sa sarili ko na di niya na ako mahal. napatungo na lang ako. ayokong makita nila akong naiyak. naramdaman ko na lang. yinakap nila akong lahat. parang bang group hug pero ako yung nasa gitna.
"sige.. iyak ka lang.."
"andito kami para saluhin lahat ng luha mo.."
"sayang hindi tayo nagdala ng balde baka kasi bumaha dito eh!!" napangite naman ako dun. joke siya pero may strong meaning. dapat pala hindi ko sinarili yung mga problema ko... muntik ko na nga rin pala makalimutan.. may mga kaibigan pa pala ako para sandalan ko at iyakan ko. para na rin damayan ako. humiwalay na silang lahat sa akin. syempre, kinuha ko yung panyo ko para punasan yung luha ko.
"oh basta ganito.. dahil sinabi mong di na tayo magkikita kahit kelan by the end of the year.. gusto ko sa mga natitirang araw na pamamalagi mo dito sa pilipinas, magiging masaya ka!!"
"don't worry.. Chin.. magiging masaya ka talaga.."
feeling ko nun, nabawasan ng sobrang laki yung sakit na nararamdaman ko. although, may sakit pa rin akong nararamdaman kapag magkasama si Charmaine at Max. pero syempre, ayokong magpa-apekto. dapat cool lang. sooner or later I'll be over it.
tinupad ng mga friends ko yung sinabi nila, pinatawa nila ako at pinasaya talaga. nagpupunta kami sa mall at park. shopping tapos kite flying. lagi na kaming nagaasaran at nagkwekwentuhan. parang as naging close kami sa isa't isa. mas nagkameron kami ng thick bond. parang bang yung problemang ito, mas pinagtibay yung friendship namin.
~March
ang bilis ng panahon. parang pinapaalis na agad ako ng tadhana. HAHA. siguro naman kasi, nasa America ang tunay kong prince charming di ba?! at hindi yun si Max. sa totoo lang, di pa rin ako nakakamove on. sadyang pinapakita ko lang kay na Rei na masaya talaga ako kasi todo effort naman talaga sila para lang mapatawa ako eh. nagsisimula na rin kami ngayon, magpraktice para sa graduation. patapos na ang school year, grabe. ang bilis ng isang taon. pero hanggang ngayon, nababagabag pa rin ako. di ko pa rin kasi nasasabi kay Max yung totoong feelings ko sa kanya. pero no use na rin naman yun kahit sabihin ko di ba?! kasi wala naman na talaga kaming pag-asa para ibalik yung something namin dati. siguro nga we're not meant to be forever. nakakalungkot talagang isipin yung ganun. haaaay :((
pagkatapos nung una naming practici, syempre, nagpahinga muna kami. nakakapagod din kaya. paulit -ulit kaming pinapaupo at pinapatayo para lang maging magkasabay yung pagupo namin at pagtayo. ang arte naman kasi eh. HAHA.
"oh?! ayus ka na ba??" tiningnan ko muna si Ian tapos tumingin ako kay Max nakikipagusap kay Charmaine. ano ba naman yan?! ang aga-aga nakikipaglandian na agad?! ugh!
"hindi pa eh.."
"ano ba kasi yang iniisip mo?? di ko kasi maintindihan eh.. alam mo.. dapat mong ilabas yung naandyan sa puso mo at isip mo para wala ka ng proproblemahin at mawawalan ka na rin ng regrets pag punta mo ng America.."
"kasi Ian... mahirap eh..."
tumabi rin sa akin si Clarence...
"oh?! ano na naman yan?!"
"may gusto atang gawin at sabihin si Chin na hindi niya kayang gawin at sabihin..."
"hay nako Chin.. kung forever mo yang itatago sa sarili mo.. magiging malungkot ka in the rest of your life... baka mamaya di ka na magasawa niyan at tumanda ka ng dalaga!!"
"sabi ko sayo eh.. ano ba kasi gusto mong gawin???"
"gusto ko kasing..." nahihiya akong magsalita pero kung para naman sa akin eh.. sasabihin ko na.. "kausapin si Max kahit sandali.. gusto ko sanang sabihin na mahal ko pa din siya hanggang ngayon.. gusto kong malaman niya yun.. kasi naiisip ko kaya siya nagsawa sa akin kasi baka akala niya di ko na siya mahal..."
ngumite naman sa akin si Clarence at Ian.
"then go for it.."
"oo nga.. sabihin mo na sa kanya.. andito lang kami para sayo.."
"ui.. di ko kaya yun.. tingnan mo kaya sila ni Charmaine.. ang saya-saya na nga nila eh.."
"sure ka bang masaya si Max??! malay mo may hidden sadness yan.."
"malay lang natin yun pero mukha ba siyang masaya?!" tiningnan ko si Max. pero sa totoo lang halatang fake smile lang yung ginagawa niya eh.
"anong mukhang masaya?! ulol.. di ganyan ngumite si Max! iba ang ngite niyan... malalaman mo talagang masaya siya pag ngumite yan.." tahimik na lang ako pero totoo nga ang sinabi ni Ian.
"so gagawin mo na???"
"sige.." ugh!!
kailangan kong tatagan ang loob ko. kaya ko 'to! aja!!
kailangan pagpunta ko ng America, wala akong regrets. tama sila Ian at Clarence.
sinundan ako ni Ian at Clarence kasi naman di ba baka umiyak ako dyan at magkameron ng emotional breakdown. kailangan na nila akong alalayan.
papalapit pa lang ako kay Max at Clarence, tumitibok na talaga ng mabilis yung puso ko.. ano bang una kong sasabihin. ewan ko. bahala na lang.
"Max... kailangan natin magusap.." andito na ako. di na pwedeng umatras.
` a lil' bit untitled`
ChaptersPrologue Chapter 1 ^ Chapter 2 ^ Chapter 3 ^ Chapter 4 ^ Chapter 5 Chapter 6 ^ Chapter 7 ^ Chapter 8 ^ Chapter 9 ^ Chapter 10 Chapter 11 ^ Chapter 12 ^ Chapter 13 ^ Chapter 14 ^ Chapter 15 Chapter 16 ^ Chapter 17 ^ Chapter 18 ^ Chapter 19 ^ Chapter 20 Chapter 21 ^ Chapter 22 ^ Chapter 23 ^ Chapter 24 ^ Chapter 25 Chapter 26 ^ Chapter 27 ^ Chapter 28 ^ Chapter 29 ^Chapter 30 Chapter 31 ^ Chapter 32 ^ Chapter 33 ^ Chapter 34 ^ Chapter 35^Chapter 36 ^ Chapter 37 ^ Chapter 38 ^ Chapter 39 ^ Chapter 40 ^ Chapter 41 ^ Chapter 42 ^ Chapter 43
BONUS FEATUREChapter 44 ^ Chapter 45 EPILOGUE ♥
Sunday, December 20, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment