Saturday, December 5, 2009

` Chapter 13

pinatulog naman kaming lahat nung leader ng 8 pm. aga nu. kabagot nga eh. pero ayus na yun kasi gigising daw kami ng 12 midnight para sa paglalakbay at camp fire. exciting na naman.
12 midnight~
pumito naman ng pagkalakas-lakas yung leader namin. putek eh. 4 hours na tulog lang! argh! syempre, lantang lanta kaming lumabas sa kwarto namin.
"nakakantok pa talaga.. nakakaines"
"gusto ko pa matulog.. waaaa"
"kabagot, antok pa talaga ako."
ayoko na rin magsalita kasi antok na antok talaga ako. pati nga si Max eh. antok na rin. syempre, pinakain muna kami, sandwich. at least naman medyo mabubuhayan na ako. may pagkaen eh. HAHA. umupo muna ako dun sa may bench at tumabi sa akin si Ian.
"Oi" buhay na buhay si Ian ah

"ano??"
"alam ko na kung anung pinaguusapan nila.."
"tsss.."
"gusto mo malaman noh??!!"
napangiti naman ako tapos tumingin ka na Max habang siya ay nakikipagkwentuhan kay na Rei at JC.
"wala naman akong balak eh"
"pakipot ka pa.. sasabihin ko naman sayo"
tumingin naman ako kay Ian.
"sige.. ano yun??"
"naguusap sila kung anung gagawin nila sayo.."
"ha??!!"
"kasi may gusto silang pareho sayo!"
eto na naman yung palpitation.naalala ko din pala yung double meaning na phrase na sinabi ni Ian kagabi.


"kayo naman talaga oh??! kasama ako sa karera niyo.. paunahan nalang tayo sa finish line..."


"ano?!!" di talaga ako makapaniwala pero siguro, alam ko naman kasi na may gusto sa akin si Ian eh. siguro, connected yung phrase na yun sa pinaguusapan nila.
"binge ka ba talaga??!! o sadyang mahina ulo mo?!!"
"ang yabang mo ah! di lang talaga ako naniniwala sayo. hmf!"
"kasi maniwala ka na sa akin, may gusto nga sayo si edward mo!"
"sus..."
tumayo naman ako kaagad at tuluyang inubos ang sandwich ko. di naman yan totoo eh. siguro, nagjojoke lang talaga si Ian kasi wala naman akong ma-feel kay Max eh. tumayo na din si Ian at sinundan ako. pumunta kami, kay na Clarence at nagkwentuhan na naman. HAHA.
pagkatapos ng 1 hour, pumito na naman yung leader. nakakabinge na ah! HAHA.
nagtipon-tipon naman kami lahat dun sa harap nung leader. dahil boring talaga, di na rin ako nakinig sa ibang reminders. pasaway eh. HAHA. ang naintindihan ko lang talaga, maglalakbay na naman kami, take note: sa putikan!! at magcacampfire. bongga di ba?!
kaya naman, naglakad na naman kami. ngayon, mas maputek talaga! nakakaines! after 15 minutes ng paglalakad, nakadating na kami dun sa camping ground. an lamig! tsaka nakakatakot, ang dilim na kasi eh. bigla naman akong nagulat nung may humawak sa shoulders ko..

"giniginaw ka noh??!" si Max lang pala...
"ha?! hinde ah"
kasulukuyang naka jacket si Max nun, kaya naman hinubad niya ito at binigay sa akin.
"o yan.. suot mo muna.."
kinuha ko naman at sinuot..
"salamat.." how sweet naman. HAHA.
pinagbuild naman kami ng tent namin. syempre, gawain na yun ni JC at Rei, dati naman silang boy scout sa school nila eh, kaya naman sanay na sila dyan. HAHA. kaya naman, kami ang unang nakabuild na tent! award na naman 'to. HAHA. inayus na namin ni Clarence yung mga gamit namin. malaki yung tent eh, pero for sure siksikan kami dito

after 30 minutes, nagpito na naman yung leader. grabe ah, pangatlo na 'to!!. HAHA. nakakabinge na siya in-fairness. lumabas na naman kaming lahat at nagulat na may campfire na sa gitna. nakipagmerge naman kami sa iba pang 2 grupo para pumalibot dun sa campfire. grabe, nakakaenjoy talaga yung mga ganito. katabi ko si Max sa left at si Rei sa right.
"Oi.."
"ano?"
muntik ko na makalimutan, na sa akin pa pala yung jacket niya kaya naman inalis ko na at inabot ko sa kanya.
"kunin mo na.. di na ako giniginaw.."
kinuha naman niya agad..
"akala ko eh wala ka ng balak ibalik sa akin eh" inirapan ko na lang siya. ang yabang talaga eh!
bigla namang nagsalita si Sheila, classmate namin siya pero sa ibang grupo siya. tapos nagkwento siya ng kung-anuano. parang na ngang naging chikahan circle yung nangyari eh. HAHA. pero kami ni Max, di kami nakikijoin sa usapan nila.
"kwentuhan lang ba talaga ang gagawin nila dito?!!"
"nakakaines nga eh! ang boring.. gusto ko na matulog.."
napabuntong hininga na nga lang kami eh at tumingin sa langit. grabe, ang daming stars. ang ganda eh!
"ang ganda noh!"
"oo nga eh, kasing ganda ko! hahahaha"
pero tahimik siya nun. grabe, nakakapanibago kasi di niya ko binara or linoko. ang weird na naman. pero tumingin siya sa akin at ngumite. minsan, naiisip ko kung meron ba talagang gusto sa akin 'tong si Max. minsan nararamdaman ko `wala` pero ngayon may iba sa ngiti niya na parang nagsasabi na `oo`. pero ayokong maramdaman 'to kasi ayaw kong umasa. kasi alam ko lalo lang akong masasaktan.
di na rin namin namalayan ni Max na tapos na pala ang pagkwekwentuhan ng mga ibang grupo kaya naman nung 3 am, bumalik na kaming lahat sa tent. sila Lance,Ivann,Ian at Rei nagtakbuhan at nagpapaunahan dun sa loob ng tent. pati nga si JC at Clarence, nakihabol na rin. pero kami ni Max, magkasama pa din, mabagal na naglalakad papunta sa tent. sinusulit pa every moment. HAHA. pagpasok naman namin dun sa tent, aba!! wala na kaming pwesto!! nakakaines!! argh!
"ang bagal niyo kase!! hahahaha"
"oo nga, alam niyo namang maliit lang to eh!!"
"umayus naman kayo ng pwesto.."
"dun na lang kayo ni Max sa labas.."
"sa labas?!! eh ang lamok lamok dun!!"
"bibigyan namin kayo ng kumot!"
tinulak naman kaming dalawa ni Max ni Rei at JC papunta sa labas. kaya naman di na rin kami nakapalag kasi zinipper na nila yung tent. ang tanging natitira samin yung dalawang kumot. argh! anu ba naman yan?!!
"no choice tayo.."
nakita ko naman na, meron ding mga natutulog sa labas at halos lahat naman sa kanila, pawang mag boboyfriend at parang gusto nilang solohin ang isat isa pero kadire ah!! di naman mutual ang feelings namin ni Max para sa isat isa!!
"nakakaines naman eh!"
kinuha ni Max yung kumot at nilatag dun sa damuhan parang picnic. HAHA. humiga siya dun.
"oh?! san ako matutulog?"
"eh di tumabi ka sa akin?!"
"tumabi sayo?!!"
"wag ka na nga maarte"
inextend naman niya yung arms niya. wala akong choice. humiga ako sa tabi niya at yung ulo ko, andun sa braso niya. at parang yinayakap niya ako pero one hand lang. parang naka-akbay na ewan. argh! tapos syempre nagkumot kami. kinakabahan na naman ako. bumibilis na naman ang bawat pagtibok ng puso ko. tiningnan ko naman siya, at siya naman nakatingin dun sa stars.
"siguro naman, di na uulan.. ang daming stars eh"
"sana nga.."
syempre naman, nakatulog na kami. and thank God! di umulan!! HAHA. pagkagising naman namin, nagulat na lang kami ni Max na nakapalibot samin sila Rei,JC, Lance, Ivann, Ian at Clarence.
"wow!! at last, nagising na din ang magasawa!!" umupo naman kami kaagad ni Max. gulat na gulat kami at syempre, naiilang.
"grabe, ang sweet niyo ah!!"
"nakayakap pa talaga si Chin kay Max eh!!"
tiningnan ko naman si Clarence, medyo nalulungkot siya pero continue parin sa kanyang fake smile. si Ivann naman, natawa lang. parang ngang wala man lang bahid ng pagseselos. HAHA. lalo naman si Ian, siya pa talaga ang unang nangasar.
syempre, pumito na naman yung leader. at last! kakain na ulet kami tapos free swimming dun sa resort. bongga na naman!! HAHA. umupo dun ako malapit sa tent namin. and as usual, tumabi na naman sa akin si Ian.
"sweet niyo ah!!"
"wag ka na ngang mangasar!!"
tinawanan na lang niya ako..
"pero grabe, bagay talaga kayo. may chemistry kayo eh!!"
"chemistry ka jan?!! di naman mutual feelings namin eh!!"
"hay nako, alam mo ba kung bakit di kayo maging MU??!!"
"sige nga baket?!?!"
"kasi ikaw bulag tapos si Max pipi!"
"ha?!! double meaning na naman eh!!"
"ibig sabihin lang nun, ikaw bulag kasi di mo makita at maintindihan ang pinaparamdam sayo ni Max at si Max pipi dahil, di niya masabi sayo na mahal na mahal ka niya..."
"sus.. gawa gawa na naman"
"di talaga yun gawa -gawa"
pumito na naman yung leader!! aba, gulat na nama ako dun!!
pinabalik na naman kami dun sa resort and at last, pwede na kaming magswimming dun sa malaking swimming pool. si Rei at JC naman , lumangoy agad. sumunod na nga din si Clarence at Lance eh, at nagchikahan lang sila dun sa dulo ng swimming pool. si Ivann at Ian naman, umupo dun sa mga white na upuan, di ko alam yung tawag eh.HAHA. tapos nagkwentuhan din. ako naman, wala na naman sa mood magswimming. kaya umupo na lang ako dun sa may bubong. tirik na din yung araw, ayokong umitim. HAHA. bigla namang tumabi sa akin si Max.
"di ka na naman nagswiswimming!!?"
"wala nga ako sa mood!!"
"sungit na naman eh!!"
"tumigi ka nga!"
"di ka siguro marunong lumangoy noh!"
"marunong ako!! yabang mo!!"
"sige nga!!"
nagulat naman ako nung binuhat niya ako. take note: lover's carry!! syaks!!
"Oi MAX TUMIGIL KA NGA??!!" nagtatawanan naman yung ibang estudyante. tapos nung malapet na kami sa pool, binababa niya na ako. tapos yun tawa siya ng tawa,
"nakakaines ka!!!"
"ang pikon neto eh!!"

nagulat na lang nung biglang may 3 seniors na tumakbo sa likod namin at tinulak kaming pareho sa pool.
"SHET!!!"
nagtawanan naman lahat sila. ako naman, umahon na agad dun sa pool at binabad na lang yung paa ko dun sa tubig tapos lumapit sa akin si Max pero nasa pool parin siya.
"wag ka na nga KJ!"
"ang kulit mo talaga!!"
pinapatuyo ko naman yung buhok ko. nakakaines talaga eh!!
"wag mo na yan patuyuin, mababasa din naman yan"
tapos biglang hinila niya ako sa pool. shet naman oh!! nakakaines!! waaaa.. di ko rin namalayan, napayakap na rin pala ako kay MAX. well, eto na yung feeling na parang ayokong humiwalay sa kanya..

















"wala ka pa bang balak humiwalay sa akin??"


No comments:

Post a Comment